Desire 25

65.2K 923 24
                                    

Third Person's POV

"Xiara!"

Halos hindi makagalaw si Simon sa kanyang kinauupuan ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng humandusay sa lapag ang isang lalaki.

"Kris!" tili ni Xiara at nagkukumahog na dinalo ang lalaking tinamaan ng bala malapit sa kanyang puso.

Samantalang ang mga pulis naman ay mabilis na inilabas ang nagwawalang si Marie kasama ang iba pang tauhan nito.

"Kris! Gumising ka!" nanginginig ang mga kamay nito at marahang tinatapik ang kaliwang pisngi ng binata. Lumapit din roon ang sugatang si Simon.

"X-Xiara..." ngumiti ng mapait ito sa dalaga at nahihirapan anagsalita.

"Kris! Huwag kang matutulog! Hindi ba sabi mo magiging matatag tayo kasi ganoon naman talaga ang magkakaibigan? Kris naman!" humagulgol si Xiara at lalo siyang namutla ng makita ang madaming dugo sa damit nito.

"O-oo naman... P-pakisabi na lang kay Cici na.. Uggh.. Mag-iingat.. siya.. palagi.. At.. Mahal na mahal ko.. s-siya.'' nahihirapang wika nito. Duamting na ang mga nurse at kinuha na ito para madala sa ospital. Wala namang humpay sa pag-iyak ang dalaga at patuloy na sinisisi ang kanyang sarili.

"Xiara.." napalingon ito sa kanyang likod at hindi niya mapigilang akapin ito ng mahigpit.

"Simon.." humagulgol ito ng humagulgol hanggang mapansin nito na mayroong dugo na patuloy na umaagos sa balikat nito. Doon ay para siyang tinakasan ng kulay at lalong kinabahan.

"S-simon! I-iyong balikat mo!"

"Ayos lang ito. Sanay na ako. It always happen to me back then." sabi nito at nanghihinang napaupo sa sofa. Doon ay may lumapit na isang lalaki na may dalang mga kagamitan at ito na mismo ang nagtanggal ng bala sa lalaki.

Hindi maiwasan ni Xiara na mapangiwi at malungkot sa mga nangyari ngayong araw. Parang kahapon lamang ay magkagalit sila ni Simon at nagkabati na rin pero ganito naman ang bubungad sa kanila ngayong umaga.

Lalo siyang napaluha nang makita ang pagdaing ni Simon sa bawat paggalaw sa tama ng baril nito.

"K-kuya.. dahan-dahan lang naman po oh. Nasasaktan na si Simon." tinawanan lang siya ng lalaki at nakita naman niya ang pagngisi ng taong mahal na mahal niya.

"Don't worry Babe. Hindi ka naman maagang mabyubyuda. Pero sana ay umayos ang lagay ni Kris dahil pananagutan niya pa ang kapatid ko. Ang walang hiyang iyon, kahit sinalo niya ang bala na dapat sa iyo ay hindi ko siya mapapatawad sa pag galaw sa bunso namin." sabi nito at napahiyaw ng kurutin ko siya sa tagiliran.

"Bilisan mo dyan at pupuntahan natin si Kris sa ospital. Masama ang tama niya at hindi ko kailanman maaatim na may mangyaring hindi maganda sa kanya." malungkot na wika nito. Tumayo naman si Simon at binigyan siya ng isang halik sa noo.

"Don't worry, Xiara. I know he can make it. Let's just pray for his safety." sabi nito at niyakap ang nag-aalalang si Xiara.

'Sana nga.' bulong nito sa kanyang isipan.

*********

"Mama!" pagpasok pa lang namin ng mansion na iyon ay agad akong sinalubong ng isang mainit na yakap ni Sandro. Hindi ko mapigilang mapaluha ng sobra ng makasama ko itong muli.

"A-anak.." wala akong maapuhap na ibang salita habang tinititigan ko ang mga mata nito na nakuha niya sa kanyang ama.

Napagtanto ko na para itong nahiyang sa buhay na marangya kahit ilang araw pa lamang ang nakakalipas. Ang simpleng suot lamang nito noong kasama niya ako ay nagbago na.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon