Chapters 24-34

93.5K 1.3K 98
                                    

Chapter 24

After 30 minutes natapos na din ako. Nakaligo at nakapagligpit na ako ng damit. 2 days kami sa Batangas. Doon ang community service namin. Kaya maaga daw kaming aalis para maaga kami makarating at di matraffic. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba papuntang dining. Ang bahay ni Enzo ay 3 times ang laki sa apartment na tinutuluyan ko to think na ang apartment ko ay 2 bedrooms na malalaki ang rooms. In short kunti na lang mansiyon na ang bahay niya ni hindi ko nga alam kung ilan ang rooms dito. To think na iisa lang siya dito kasama ang mga katulong, drivers at kung sino sino pa na di ko kilala pero I presume na mga tauhan lahat sila ni Enzo. He even have a chef in his kitchen and a butler for his dining. He have a personal secretary and a personal driver. He also have a personal assistant na si Steven. Tapos madaming guard sa bahay niya. The jerk is living like a prince. How lucky.

Nung makarating na ako sa dining nakita ko si Enzo na nakaupo na at nagbbreakfast habang pinapanood ng katulong ang bawat subo niya. How pathetic.  

Good morning Miss Era. Sabi ng helper nung makapasok na ako sa dining sabay yuko pa. I grimaced. Tapos he pulled the chair opposite Enzo which is sitted sa kabisera. Eh mga 20 sitter ang table kaya siempre malamang nasa magkabilang dulo kami ng table. Funny talaga.

Sammy, Era will sit here. Tinuro niya ang upuan sa kanan niya. Binalik ni Sammy ang upuan at hinila ang upuan sa right ni Enzo. How come mga gentleman mga katulong dito pero yung amo nila hindi?

Pagdaan ko sa tabi ni Enzo……

Pak!

Bakit mo ako binatukan? What was that for? Mukhang nagulat siya talaga sa ginawa ko.

You very well know what was that for. I winked at him.

Umupo ako sa tabi niya and we ate in silence. Nakakapagtaka kasi usually madaldal naman siya pero ngayon hindi siya nagsasalita hanggang matapos kaming kumain.

Let’s go.

I’ll just get my bag.

Nasa sasakyan na. Inunahan ko na siya sa paglakad kasi naiilang ako sa katahimikan. Nung nakalabas na kami sa dining bigla niya hinatak ang braso ko.

Ano ba! Wag mo ako bigla bigla na lang hatakin. Tumingin ako sa kanya at deadly ang tingin niya sa akin. Nakipagtitigan ako.

Next time Era, He said sternly. I never seen him so serious. Wag mo akong batukan sa harap ng mga katulong ko. They are trained to respect me and it’s degrading na makita nila that the person na nirerespeto nila ay sinasapak lang ng ibang tao. I hope you understand that.

And he left me standing there. Guilty.

Chapter 25


1 hour na kaming nagbabyahe papuntang Batangas and since then hindi pa din ako kinakausap ni Enzo. Malaki ata ang tampo niya sa akin. I must admit na nakukunsensiya at nagiguilty ako sa ginawa ko. Meron pa rin naman akong kunsensiya kahit papano noh. Gusto ko na rin siyang kausapin kasi nga ang awkward na dalawa lang kami sa sasakyan pero di kami nagpapansinan. Aside sa driver na kanina kinakausap ko pero naubusan na ako ng topic kaya napapanis ang laway ko ditoooooo!! Pasimple akong tumingin sa kanya at nakasimangot pa din siya. Paano ko siya kakausapin? I don’t know how to say sorry. I am not used to saying sorry. Pero wala namang masama mag try di ba? Ok ok I will try to talk to him. Ok.

Enzo. Walang reply. I counted 20 seconds. Enzo.

Ano?   Yun! Hehehehehe nagsalita din siya. Yipeeee!

Anong sasabihin ko? Ahmmmm… Malayo pa ba tayo?

Oo. Ano pa? Think Era. Think of something else to say.

Gaano pa katagal? Ayan na you’re starting a conversation na.


3 hours. Manong pakibilisan nga po may naiinip eh. Sabay kuha ng ipod niya at saksak sa tenga niya ang headphone. Oh great! Just great.

Attempt 1. Failed.

Sinandal ko ang head ko sa headrest at pumikit still thinking on how I could say sorry to him without being obvious na nagsosorry ako.  Kawawa naman kasi ang pride ko kung magsosorry ako ng diretsahan ano. Tsaka kasalanan naman talaga niya kasi hinalikan niya ako kanina pero bad pa din ang ginawa kong pagbatok sa kanya in front of his helper. So may instinct told me na ako ang dapat mag sorry. An idea suddenly hit me. Magppretend akong natutulog. So pinikit ko lang ang eyes ko. After 30 minutes ibinaling ko ang ulo ko sa may bandang pintuan na kunyari nahuhulog ang ulo ko. (Alam niyo na yun). Tapos kunyari naalimpungatan ako pero saglit lang at nagkunyari ulit akong nakatulog. After mga 5 minutes sa tantiya ko sa side naman ni Enzo kunyari nahuhulog ang ulo ko tapos kunyari eh naalimpungatan ulit ako. Tapos binalik ko ulit sa tamang pwesto. After mga 10 minutes (sa tantiya ko ulit, na para na akong sira kakaarte dito) binaling ko ulit ang ulo ko sa may side ng door pero this time kunyari di ko na talaga mapigilan na pati katawan ko mapapahiga na sa may door. At dahil nga pati katawan ko kasama eh di nauntog ako sa window ng car at siempre magigising ako noh kasi nga nauntog na ako. Masyado namang obvious kung tulog pa din ako pagkatapos kong mauntog. Minulat ko ang mata ko na kunyari eh gulat sa nangyari tapos tumingin sa kanya na kunyari eh half awake gamit ang namumungay kong mata and then I said it.

Sorry. And I give him a shy smile. Kung dahil sa pagkakauntog or pagkakabatok ko sa kanya siya na bahala mag interpret.

Tapos bumalik ulit ako sa pagkakasandal sa headrest dahil nahihiya ako eh. And I can’t face him at this moment. Gosh! Never ko pang ginawa to sa tanang buhay ko. Ang pag aarte para lang kausapin ng isang tao. KSP na ba akong matatawag? Hindi naman siguro noh. Kasi ayaw ko dumating pa sa attempt 3 ano.  So I just closed my eyes and pretended na natutulog ulit. Siguro mag ppretend na lang ako na  natutulog for the remaining 3 hours. Ang hirap naman pala ng pinipilit or inaarte ang tulog noh? Sumasakit ang mata. After 5 minutes of pretending ulit I heard a sigh. I never dared wake up baka mabuko ako.

And then another sigh.

And then I felt him closed the gap between us.

And then bigla niya akong inakbayan at kinabig ang shoulder ko para sumandal ang ulo ko sa shoulder niya. Shet! Ang bango niya. Amoy baby pero masculine. Nakakaadik. I inhaled deeply. Adik na ata ako sa amoy niya. Ambango talaga eh. Siempre kunyari pa din na natutulog ako.

And then he gently whispered in my ear…

Era…… You can stop pretending to be asleep now. You’re already forgiven.

Napaigtad ako sa sinabi niya and I’m sure I’m blushing furiosly kasi ang init init ng mukha ko. I heard him chuckle at mas lalong nag init ang fes ko. Oh My Gahd! How did he know that I’m only acting? Hindi na talaga ako makakaharap sa kanya ngayon. So pinangatawanan ko na na natutulog pa din ako kahit hindi naman. Kasi naman may natutulog bang nagbablush? Sabihin niyo  nga!

Wag mo na uulitin yun ha. The next time you do it. Kahit anong arte pa ang gawin mo hinding hindi na kita papatawarin. He chuckled again.

At dahil sa galing kong umarte matulog di ko namalayan na nakatulog na nga ako sa shoulder ni Enzo.

How to Dethrone A Prince by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon