15.
3 days. 3 days na pagluluksa. Hindi ako pumasok kahapon. Okay lang naman kina Mom. Naiintindihan nila ako. In fact hindi din pumasok si Mom para bantayan ako. Or baka natakot lang sila na baka maglaslas ako. Parang baby lang ano? Pero ako naman talaga ang baby nila kasi ako ang bunso. Nasabi ko na bang 3 kami? Isang ate ko na may asawa na si Ate Andrea, si Kuya Andrei at ako.
Hindi ako nagsimba kasi ayaw ko muna. Masyadong madaming memories dun sa chapel. Saka na lang. Pag kaya ko nang pumasok doon ng hindi umiiyak. Pag kaya ko nang pigilan ang luha ko. Pagkapasok ko sa gate ng school kinuha ko ang cellphone ko sa bag and I turned it on. Pinatay ko kasi tawag ng tawag si Johann. And besides hinatid ako ni Kuya Andrei, baka makita pa niya na kinukulit ako ni Johann at magalit siya lalo. Oo nga pala, hatid sundo na pala ako ni Kuya Andrei. Parang bantay sarado na din.
Pagka-on ko ng cellphone, biglang pumasok ang madaming message hanggang sa mapuno ang inbox ko. Nakitang kong kay Johann lahat ng message. Instead na basahin ang mga message, binalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa bag ko at dumiretso na sa room namin.
Napatigil ako sa paglalakad nung makita ko si Johann na naghihintay sa tabi ng room namin. Nagkatinginan kami. Gusto ko nang umatras, hindi pa ako ready na kausapin siya.
Miss, Bustamante, may plano ka bang pumasok? Napatingin ako sa prof namin at napabuntunghininga.
Opo sir. Tapos sumunod na ako sa prof namin. Nakayoko lang ako at hindi tinitingnan si Johann habang dumadaan kami sa harap niya.
Mister, do you need something? Napatigil ulit ako nung pinansin ni Sir si Johann.
N-no sir.
Then I don’t want students loitering in front of my classroom.
I’m sorry. Then narinig ko siyang papaalis. Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya. Para kay sir ba or para sa akin? Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko ito. Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko. I can feel the stares of my classmates but I ignore it all.
Kahit sila Yanyan, Rachell, and Anya hindi ako kinausap. Binigyan lang nila ako ng paper na may sulatQuote
“Andito lang kami”.
At dahil dun muntik na naman akong mapahikbi. Kelan kaya titigil ang sakit? Kelan kaya ako titigil kakaiyak?
Buong araw akong walang gana, buong araw akong tulala, buong araw akong wala sa sarili. Wala ding kahit anong pumapasok sa utak ko. Para akong zombie. Ni wala akong nararamdaman kundi ang sakit. Nung lunch binilhan ako nila Yanyan ng pagkain pero I barely touch it. Kung hindi nila ako pinilit di ko sana kakainin. I feel like I’m a hopeless case. I feel like a mess. I feel nothing but pain.
Nung uwian na, umalis na sila Yanyan kasi may ibang class pa sila. LUmabas na din ako ng room kasi naghihintay na si Kuya Andrei sa akin sa labas ng school. Paliko na ako when I saw Johann walking towards me. Napatigil ulit ako. Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. And I don’t know kung ano ang nangyari sa akin but I retraced my steps and tumakbo pabalik sa room namin. Kinakabahan ako. Para akong hinahabol ng multo. Inilock ko ang door at sumandal sa pinto. Muntik pa akong mapatalon when I heard him.
Angel please. Wag mo naman akong iwasan. Let’s talk. Please, mahal na mahal kita. Wag mong gawin sa atin to. Please…TUmulo na naman ang luha ko. Di ko na naman napigilan.
Angel kausapin mo ako. Please… You can’t break up with me. Hindi ko kakayanin. Hindi pa din ako nagsalita. Hindi dahil sa ayaw kong magsalita. Natatakot akong humagulgol na lang ako bigla pag nagsalita ako. I tried suppressing my cries.
Okay! Kahit ayaw mo akong kausapin. Sasabihin ko pa din sayo ang lahat. OO, nakipagpustahan nga ako kay Amie. It was just for fun. I never knew you then. But then nakilala kita. Nakilala ko kung sino ka and I learned to love you. Totoong mahal kita. Hindi dahil sa pustahan. I told Amie na hindi ko na itutuloy. I never knew na may iba siyang plano. Im sorry. I am so sorry if ginawa ko yun. I am sorry. Mahal na mahal kita. Then he banged the door. Parang sinasabi na buksan ko na ito.
Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin una pa lang? I found myself saying those words before I could stop myself.
Dahil natatakot ako. Natatakot ako na lumayo ka. Natatakot ako na mangyari ang nangyayari ngayon sa atin. I am afraid of losing you. Napaiyak ako lalo dahil sa sinabi niya. Napahagulgol ako that I am shaking. Napaupo ako sa sahig na nakasandal sa pinto kasi nanghihina ang tuhod ko.
Angel open this door! Open this damned door. Tapos narinig kong sinuntok niya ang pinto. Ako, iyak lang ng iyak. Para akong batang takot sa kung ano man ang nasa kabilang door.
Kung galit ka sabihin mo. Saktan mo ako. Suntukin mo ako. Sampalin mo ako. Pero wag kang umiyak ng ganyan. You’re making me feel like the biggest@sshole there is. Please wag kang umiyak ng ganyan.
What for? Kung saktan ba kita?Kung suntukin ba kita?Kung sampalin ba kita?Maaalis ba nun ang sakit na nararamdaman ko? Ito na nga lang ang paraan ko, ipagdadamot mo pa ba? Ito na nga lang ang kaya kong gawin. Ito na lang Johann. Kasi, hindi kita kayang saktan. Hindi ko kayang magalit sayo. Pero hindi ko din kaya lumapit sayo kasi tuwing nakikita kita nasasaktan ako. Naalala ko ang nangyari. Kaya please hayaan mo muna akong umiyak. Hanggang sa maalis ang sakit.
Tahimik lang siya sa kabilang pinto. Mamaya maya I heard him sobbing. Gustong gusto kong buksan ang pinto. Gustong gusto kong patigilin siya sa pag iyak. Gustong gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman ng taong nanakit sa akin. Pero natatakot din ako na baka pag lumabas ako mas lalo akong masasaktan. Paano kung ginagawa niya lahat ng yan dahil pa rin sa pustahan? Kakayanin ko pa ba pag nasaktan ako ulit?
Kaya mga 20 minutes lang kaming nag iyakan sa magkabilang side ng pinto. Sorry siya ng sorry pero hindi ko siya sinasagot.
After 20 minutes nagtext na si Kuya Andrei at nagtanong kung nasaan na ako. Inayos ko na ang sarili ko. Tapos dahan dahan akong naglakad papunta sa kabilang door at binuksan to.
Nakita ko siyang nakaupo din sa sahig at nakasandal sa pinto na sinasandalan ko kanina. Nakita ko din ang kanang kamao niya na dumudugo. Dahil siguro sa pagsuntok niya kanina sa pinto. Nagkatinginan kami pero inalis ko ang tingin ko sa kanya at naglakad.
Akala ko hahayaan na niya akong umalis. Akala ko susundin an niya ang sinabi kong hayaan na muna ako, pero sinundan niya ako. Kahit nakababa na ako ng hagdan sunod ng sunod pa din siya. Pero napapansin kong nagbibigay siya ng distance. Nung malapit na ako sa gate nilingon ko siya. Tumigil din siya mga 5 steps away from me.
Please wag mo na akong sundan. Susunduin ako ni kuya. Hayaan mo na ako Johann please.OO, ayokong magkita sila ni Kuya Andrei. Kung magkita man sila ulit, hindi nghayon. Hindi ngaytong galit na galit si Kuya sa kanya.
I'm sorry pero di kita pwedeng hayaan. DI ko magagawa yun. Ihahatid kita. Gusto kong ihatid kita. Gusto kong ihatid pa din kita kahit, kahit, ayaw mo na sa akin. Gusto kong itama ang sinabi niya na ayaw ko na sa kanya. Kasi kahit kailan hindi ko yun naramdaman. Marami akong gustong gawin pero lahat ng yun hindi ko pa kayang gawin.
Johann please. Galit sayo si Kuya. Ayaw kong magkita kayo.
Haharapin ko siya. I will explain to him. Magpapaliwanang ako sa kanya. Kahit sa buong pamilya mo pa.
Wag mong gawin yun Johann. Wag kang magpakita sa kuya ko.
Pati ba pamilya mo ilalayo mo sa akin?
Hindi ko sila nilalayo sayo. I told you, galit sayo si Kuya, Pag nakita ka niya, bubugbugin ka niya. Pag ginawa ba niya yun, gaganti ka? Pag sinapak ka niya sasapakin mo din ba siya?
No. I deserve it. Hindi ako lalaban. Kung dahil doon, patatawarin mo ako, then magpapabugbog ako sa kuya mo. Napailing ako. Nang mga panahon na yun, gusto ko na siyang patawarin, gusto ko nang kalimutan lahat. Gusto kong kami pa din. Pero nasasaktan pa din ako.
Kaya please…wag ka nang magpakita sa kanya Johann. Wag sa ngayon. Ayaw kong masaktan ka. Please...I'm asking you a favor. For your sake. Tumango siya. I gave him a faint smile. Sa ngayon yun pa lang ang kaya kong gawin. Sa ngayon ang kaya ko pa lang eh protektahan siya para di siya magalaw ni Kuya. Yun palang ang kaya ko. SIguro tomorrow, or the next day or next week or baka next month kaya ko na siyang harapin. Kaya ko nang tanggapin ang ginawa niya. Kaya ko na siyang patawarin. Kaya na naming ibalik ang dati.
Or pwede pa bang ibalik ang dati?
BINABASA MO ANG
Tears of Angel by BlackLily
General FictionThis is the story of Johann one of Joanne brother in Wanted: Babymaker. If you've read it Felize also appeared on that story as the gf of OCa.