Chapter 16

87.2K 1.4K 19
                                    

16.

2 days after.

Hatid sundo pa din ako ni Kuya Andrei sa school. Feeling ko elementary student ako pero hindi ako makapagreklamo.  Buti nga hindi siya pwedeng pumasok sa school, kasi kung pwede nakikita niya sana ang mga attempt ni Johann na kausapin ako. Ang ginagawa ko na lang ngayon, I make sure na hindi silang dalawa magkikita para wala ng gulo. Ayaw kong magkabanggaan sila.

I can say  na medyo nakakarecover na din ako sa nangyari sa amin ni Johann. Hindi na basta basta tumutulo ang luha ko.  Nakocontrol ko na ang emotions ko.  Pag nakakakita ako ng lugar na madaming naming memories hindi na ako naiiyak. Pero hindi ko pa din maaalis yung sakit. Ganun talaga siguro. Hindi pwedeng madaliin ang lahat. Feeling ko nga pwede ko na siya kausapin na hindi ako iiyak eh. Feeling ko lang yun ha. Pero at least nakakarecover na ako ng kunti.  Malaki ang naitulong ng iyak. Malaki ang naitulong ng pagshare. Nakakagaan ng loob. Pero yun nga lang hindi ko talaga mapigilan ang mapaiyak sa gabi lalo na kung wala akong gingawa.

Damn! Nananadya ba ang gagong ito? Napatingin ako kay Kuya Andrei na nagdadrive. Pauwi na kasi kami at kasusundo lang niya sa akin sa school.

Bakit Kuya?

Wala.
Tapos tahimik na ulit kami. Pagpasok naming sa subdivision akala ko okay na lahat  pero nagulat na lang ako nung bigla tumigil si Kuya sa gilid ng daan.

Ang walanghiya talaga! Tapos tumingin ako sa likod namin at kinabahan ako bigla kasi nakita ko ang kotse ni Johann sa may bandang likuran ng kotse namin. Kaya siguro kanina pa nagmumura si Kuya Andrei. ANo ang gusto niyang palabasin? Bakit niya kami sinundan? Gusto ba niya talagang mabugbog?

Angela, dito ka lang ha! Wag kang bababa ng kotse. Wag na wag kang lumabas ng kotse.
Bubuksan na sana niya ang pinto sa driver’s seat nung pinigilan ko siya.

Umuwi na tayo kuya. Hayaan mo na siya.

Di ba sabi ko wag siyang magpapakita sa akin. At may mukha pa siyang ihaharap pagkatapos ng ginawa niya.

Umuwi na tayo. Ginagawa ko na nga ang gusto mo eh. Hindi ko na nga siya kinakausap sa school. Kaya please wag mo na siyang saktan. Hayaan mo siyang sumunod sa atin.  Hayaan mo na lang siya. Bumuntunghininga si Kuya Andrei  tapos pinaandar ulit ang kotse at umuwi na kami.  Nakasunod pa din si Johann sa amin pero nagpark lang siya sa harap ng gate namin. Pagkapasok ko sa  bahay biglang nagring ang phone ko.

Sino yan? Si Johann yan ano? Wag na wag mong sagutin yan Angela.
Napatingin ako kay Kuya Andrei.

Kuya? OO mabait ako, pero alam ko naman kung masyado nang pinanghihimasukan ang buhay ko. Naiintindihan ko rin kong overprotective si Kuya sa akin, pero I think desisyon ko na kung kakausapin ko man si Johann o hindi. Siguro naman hindi na kailangan idikta sa akin kung sasagutin ko ang tawag niya o hindi. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagsalubong ang kilay ko at pinandilatan niya ako. Yumuko ako at tumingin sa cellphone ko na nagriring pa din. I clutched to it tightly na parang yun ang buhay ko.

At may plano ka pang kausapin siya? Pagkatapos ng ginawa niya sayo Magpapaloko ka ulit? Matuto ka nga Angela. Wag kang magpakatanga dahil lang sa isang lalaki.

KUya, hindi mo ako pwedeng pagbawalan na kausapin si Johann?  Malaki na ako alam ko na ang ginagawa ko.


Kaya pala pinagpustahan ka? Kasi malaki ka na? Kaya pala naloko ka ng ganun kasi alam mo na ang mga pinaggagagawa mo? At talagang di ka pa natuto, gusto mo pa talagang magpakatanga sa lalaking yun. Lumakas na ang boses niya. First time akong nasigawan ni Kuya Andrei ng ganito. First time kaming nagsagutan. Ng dahil kay Johann.

Oo, kung kailangan magpakatanga ako, cge magpapakatanga ako. Kung kailangan masaktan ako, okay lang. Nagmamahal ako eh. At saka lahat naman ng tao nasasaktan di ba? Umiiyak na ako niyan. Pati ba naman pamilya ko maapektuhan dahil sa nangyari sa amin ni Johann? Bakit kailangan kong maging exception?   Kung nasasaktan ako ngayon, alam ko din naman na lilipas din ito. Kailangan ko lang ng kunting panahon. Kaya kung pwede kuya, Just give me time.  Just give us time. Magiging okay din ako. Magiging ok din kami.

So may plano ka pang makipagbalikan sa lalaking yun? May plano ka pang magpakatanga ulit? Wag ka ngang bobo Angela!
  He is fuming mad now.

Johann don’t talk to your sister like that. Let her settle it. Malaki na siya. Saway ni Dad sa kanya. Nakatayo sila ni Mom sa may pinto ng dining room at nakatingin sa amin.

Nasasabi niyo lang yan kasi di kayo ang nakakakita at di kayo ang nakakarinig.  Di niyo siya nakikitang uimiiyak gabi gabi sa terrace. Di niyo naririnig ang hikbi niya. Baka nga magtaka na alng kayo isang araw baliw na ang anak niyo. Gawan niyo yan ng paraan para maayos ang buhay ng anak niyo. With that umakyat na siya ng hagdan papunta sa room niya. Umiyak lang ako at pumunta si Mom sa akin para patahanin ako.


Bakit palagi na lang ganito?


The next day.


 Nagulat ako nung si Mom and si Dad ang sumundo sa akin sa school.

Dad hindi kayo pumasok ng  office?

Hindi Baby, may pupuntahan tayo. Hmmm.. For sure aaliwin ako ng mga to. Ganyan naman palagi, pag may malungkot sa amin, gagala kaming pamilya.
Magbabakasyon. And since Friday ngayon siguro mag aout of town kami.

Mom, there’s no need for this. Okay lang po ako. I assured them.

Baby, pupunta tayo ngayon kina Ate mo. Kaya kami ang sumundo sayo kasi diretso na tayo doon.

What! Napalakas ang sigaw ko.  Hindi lang pala basta out of town ang gagawin namin. Out of the country pa pala. Si ate kasi dun na sa US tumitira kasi ang boyfriend niyang Pinoy ay naging member ng US Navy kaya dun na sila nagstay.

Hindi anak, ngayon na ang flight natin papuntang  Boston. We have informed Andrea already. 2 hours from now ang flight natin. Mga 1 week lang tayo doon. For the meantime your Kuya Andrei will handle our business here.

But Mom, Dad, may pasok pa ako next week.

2 weeks na lang matatapos na ang semester Baby, and almost all of your exams are done. Surely your absence wont affect your grades. Napaisip ako. Kunsabagay, Maybe this time kaialangan ko rin talagang magrelax. After all that happened, maybe this will be for the best para mag unwind at para makapag isip na din. Siguro pagbalik ko, magiging ready na ako. Ready to face Johann, and ready to settle everything. Napangiti ako.

After almost a month of torture, for the first time ngumiti ako. And as a matter of fact, I am looking forward sa pagpunta sa Boston.

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon