chapter 1

4.1K 111 0
                                    

Eagle's POV

Kinakabahan ako dahil hindi pa sila dumarating.

"Wala pa ba sila, Anton?" tanong nya.

"Negative pa po, Sir," tugon naman ni Anton.

Maya-maya pa ay,

"Sir, may nadetect po kami na movement 9 o'clock," wika ni Anton.

Ihinanda namin ang aming sarili para mapalaban ngunit nagulat lang kami sa aming nakita. Isang binatang duguan ang aming nakita. Patakbo akong lumapit sa kanya.

"Ricky, anong nangyari?" tanong ko.

"Tulong.." mahina nyang wika habang inaabot ang isang bagay bago sya tuluyang nawalan ng malay.

"Anton, tumawag ka sa Infirmary. Kailangan na nating bumalik, marami nang dugo ang nawala sa kanya," utos ko.

Dinala namin si Ricky sa Infirmary at kaagad Operating Room. Matapos ng ilang oras na pagsusuri at paggagamot, lumabas ang doktor na kaagad naman sinalubong namin sya.

"Doc, kamusta naman ang pasyente?" tanong ko.

     "Ligtas at stable na sya. Marami syang tama at sugat. Hindi pa sya nagkakamalay dahil sa malakas na tama nya sa ulo. May nakita kaming trauma sa ulo nya at hindi pa natin alam ang magiging epekto nun sa kanya. Nailipat na sya sa recovery room para maobserbahan. Don't worry matatag na bata ang pasyente," paliwanag ng doktor.

"Salamat doc," wika ni Eagle.

Dalawang araw ang lumipas, stable na ang kalagayan ni Ricky pero di pa rin ito nagigising.

"Sir nagkakamalay na sya," balita ng isa naming tauhan.

Tumakbo ako sa Infirmary Room na may halong excitement at tuwa. Pagdating ko dun ay lumapit ako sa kama ni Ricky. Unti-unti na syang nagigising. Pagmulat ng mata nya ay bigla ko itong nakitaan ng takot sabay lumingon sa paligid. Bigla syang bumangon at tinanggal ang swero nya.

"Huminahon ka. Calm down, your safe," paniniguro ko na sinenyasan ang nurse na noo'y nagche-check ng vitals nya.

Napahawak sa ulo ang binatilyo na natumba. Kaagad ako lumapit bago sya tuluyang bumagsak sa sahig at inalalayan sya pabalik sa kama.

"Nasaan po ako?" tanong ng binata nang nakahiga na ito sa kama.

"Nasa hospital ka ng base, Ricky. Ligtas ka dito." sagot ko.

"Ricky? Si-sinong Ricky? Sino po kayo?" Tanong nya.

Ricky's POV

Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang haba ng tinulog ko at may mga naririnig ako mga boses na nagkakagulo at isang napakaliwanag na ilaw. Pagmulat ng mata ko ay hindi ko alam kung nasaan ako. Isang binata ang nasa tabi ng aking kama at kahit hinang-hina ako ay bumangon ako at tinanggal ang tubo na nasa kamay ko.

Pinangunahan ako ng takot dahil wala akong ideya kung nasaan ako.

"Huminahon ka, Calm down, your safe," anang binata.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo ko at umikot ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan na natumba ako at kung hindi ako nasalo ng lalaki ay marahil bumagsak ako ng tuluyan sa sahig.

"Magpahinga ka muna. Hindi ka pa masyado nakakarecover sa mga pinsala mo." wika nang binata na inalalayan ako pabalik sa kama.

"Nasaan po ako?" tanong ko.

"Nasa hospital ka ng base, Ricky. Ligtas ka dito," sagot ng binata.

Sa bihis nya halatang mataas na ranggo nya sa militar dahil sa mga medalya nya. Military cut ang buhok nya, medyo matangkad at mahinahon ang itsura nya. Dahil sa aura na yun, kumalma ako dahil sa hindi ko malamang dahilan ay pamilyar sya sa akin. Tinawag nya ako sa pangalang Ricky pero bakit parang hindi ko matandaan.

The Rise From Ashes (Dawn of the Phoenix Series)Where stories live. Discover now