chapter 2

2.4K 81 0
                                    

    Mabilis lumipas ang ilang araw at naka-recover si Ricky.

Napagpasyahan nya na lumabas ng tinutuluyan nila ni Ren para maglibot. Sa pag-iikot nya, nakarating sya sa gym kung saan nakita nya na nagtatraining at nagpapapawis ang mga tao sa facility na yun. Hindi nya alam kung bakit pero naakit syang pumasok doon.

Nilibot nya ng tingin ang loob ng gym. Sa bandang kaliwa, nakita nya ang weights gym habang sa kanan ay matted area. Sa pader ng matted area ay may mga weapons na naka-display. Lumapit sa mga nakadisplay na sandata. Hinawakan nya ang espada at sinipat mabuti bago pumunta sa gitna ng matted area. Hindi nya alam pero bigla na lamang syang gumalaw na parang nakikipaglaban tila sumasayaw. Nang matapos ang routine, pawis na pawis sya at hinihingal. Nagulat sya sa sarili nya at nagtaka sa kanyang nagawa sa hawak nyang espada.

Lalo syang nagulat dahil may narinig syang pumapalakpak ng matapos ang routine nya. Binalik nya ang espada sa istante kung saan nya kinuha. Lumapit naman sina Mike at Drew kay Ricky at inabutan sya ng tuwalya.

"Wow. You're fantastic," puri ni Drew.

"Salamat," wika ni Ricky na biglang nakaramdam ng kirot sa ulo at natumba.

Kaagad naman syang inalalayan ni Michael.

"Easy there," sabi ni Michael habang hawak sya.

"Salamat," wika ni Ricky.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Drew.

"Ok lang. Salamat Michael, Andrew," tugon ni Ricky ng maka-recover sya.

Inabutan sya ni Drew ng isang bote ng tubig na kaagad naman nyang ininom.

"Call me Drew," sabi ni Drew.

"I'm Mike," pakilala ni Michael.

"HIndi mo pa dapat pinupuwersa ang katawan mo ng ganun. HIndi ka pa nakakabawi sa mga natamo mong pinsala," ani Drew.

"Hindi ko alam parang naakit lang ako sa mga nakalagay sa display," ani Ricky na nanlalambot pa rin.

"Mukhang may naaalala ka siguro sa nakaraan mo," ani Mike.

Umiling si Ricky.

"Pasensya na at pinakialaman ko ang mga nakadisplay dito," ani Ricky.

"Malaya kang magagamit ang mga gamit dito. Pero hindi ka pa dapat kumikilos. Maghintay ka muna ng clearance mula kay Doc Santi," ani Drew.

"Pinahahanap ka ni Sir Ren. Nag-aalala sya ng malamang wala sa kwarto," ani Mike.

"Nababagot na ako sa loob at hindi na makahinga," ani Ricky.

"Magpaalam ka lang kay Sir Ren. Sabihin mo lang kung lalabas ka at para masamahan ka namin para hindi sya nag-aalala," ani Drew.

"Pasensya na kayo pinag-alala ko kayo ng lahat," ani Ricky.

"Halika na at sasamahan ka na namin na bumalik sa kwarto nyo," ani Drew.

Naging magkaibigan ang tatlo. Sa mga sumunod na araw ay inalalayan ng dalawa si Ricky. Nang mabigyan ng clearance si Ricky na mag-exercise ay sumabay sya sa mga work-outs ng dalawa. Minsan pang pinakita ni Ricky ang isang nakakabighaning routine na kanyang ginawa sa matted area. Matapos noon ay pinalakpakan sya ng dalawa.

"Ang husay mo talaga," puri ni Mike na inabutan sya ng tubig.

"Salamat," ani RIcky bago sya lumagok sa bote.

"Saan mo natutunan ang Striking Dragon routine?" tanong ni Drew.

"Hindi ko maalala. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun, parang may sariling isip ang katawan ko," amin ni Ricky.

The Rise From Ashes (Dawn of the Phoenix Series)Where stories live. Discover now