chapter 3

2.2K 82 1
                                    

 Ilang buwan ang nakalipas at normal na namuhay si Ricky sa base.

Hindi sya nahirapan sa pag-aadjust sa schedule nya sa base at pag-aaral. Nagulat ang lahat ng ka-batch nya na sa loob ng ilang linggo ay nakasabay at umangat si Ricky sa flight and combat training nila.

A semester later...

Sa paaralan, sa kwarto ng Student Body Organization ng kolehiyo nila ay nag-aasaran ang tatlo habang break nila. Dumating ang isang babae na umupo sa tabi ni Drew na may dalang folder na nilapag sa harap ng lamesa.

"Guys pinabibigay ni Sir Ely para daw dun sa project natin sa SB," wika ni Jaycee.

"Thanks. Kanina ko pa iyang hinihintay," tugon ni Ricky na binuklat ang laman ng folder.

Sinimulan nyang basahin ang laman ng folder para sa detalye nito.

"Iyan ba ang collab project na sinasabi mo sa akin noong isang araw?" tanong ni Drew.

"Oo. Hinintay ko lang aprubahan ni Sir Ely bago ko simulan," ani Ricky habang binubuklat ang papel sa loob ng folder.

Walang anu-ano ay biglang may narinig si Ricky na isang kakaibang tunog. Napapikit si Ricky dahil sa tunog na iyon. Tila feedback ang tunog na nakakatulig at nakakatuliro.

"Are you ok, Ricky?" tanong ni Jaycee na nag-alala ng mapansin ang reaksyon ni Ricky.

"Did you hear that?"tanong ni Ricky na nagtakip ng kanang tenga.

"Hear what?" tanong ni Jaycee na nagtaka.

"Wa-wala. Guni-guni ko lang siguro," palusot ni Ricky na hindi pinansin ang tunog.

Pumikit sya pilit na sinubukang balewalain ang tunog. Pagmulat ng mata ay tila nagbago ang kilos ni Ricky.

"Are you sure your ok, Ricky?" usisa ni Drew na may halong pagkabahala ng mapansing may nabago sa kilos ni Ricky.

Hindi kumibo si Ricky. Tumayo ito at lumabas ng kwarto.

"Where are you going?" tanong ni Jaycee.

Hindi sya pinansin ni Ricky na naglakad palayo.

"Ric! Anong problema nun?" takang tanong ni Jaycee.

' Nabahala si Drew kaya sinundan nya si Ricky. Naglakad si Ricky papunta sa kalapit na forest park ng gusali nila. Tumigil sya sa may liblib na lugar malayo sa tambayan ng mga estudyante. Nagulat si Drew ng may lumabas na isang assassin. Nagtago sa likod ng isang puno sa di kalayuan sa pwesto ni Ricky.

"Assassin? Anung ginagawa nya rito? Si Ricky!" sabi sa sarili nya na magpapakita sana para tulungan si Ricky pero natigilan sya nang nagsalita ang kaibigan.

"Imura!" banggit ni Ricky sa pangalan ng assasin.

Nag-usap ang dalawa sa ibang lengwahe bago tuluyan naintindihan ni Drew na Vallian language ang ginagamit ng dalawa. Umatake ang assassin kay Ricky na nilabanan naman nito ng mano-mano. Namangha si Drew sa husay nito sa pakikipaglaban. Kitang-kita ang lamang ni Ricky sa bilis at lakas pero napaatras ito ng biglang sumakit ang ulo nito at napaluhod. Susugod na sana si Drew para tulungan sya ng biglang may isang pana na tumama kay Imura sa dibdib. Nabuwal ang kalaban bago tuluyang naglaho. Nilapitan ng archer na umatake kay Imura si Ricky at kinamusta.

"Lumabas po kayo dyan. Kailangan ko po ng tulong nyo," tawag ng lalaki kay Drew.

Lumapit si Drew sa dalawa at tiningnan si Ricky. Napansin nya na wala pa rin ito sa sarili.

The Rise From Ashes (Dawn of the Phoenix Series)Where stories live. Discover now