chapter 4

1.7K 77 1
                                    

    Ilang saglit pa ay may nagdoorbell. Tumayo si Ricky para buksan ang pinto samantalang dinampot ni Ren ang mangkok nya ng ginataan at paper bag nya ng libro. Nilagay nya ang mangkok sa lababo at ang mga libro sa kitchen counter. Bumalik sya sa refrigerator para kumuha ng tubig inumin bago tuluyang bumalik sa salas.

"Maupo po kayo," anyaya ni Ricky.

Saktong pumasok si Ren sa salas at umupo sa handrest ng sofa kung saan nakaupo si Ricky.

"Magandang hapon po," bati ng dalawang bagong dating na tatayo pa sana para magbigay galang kay Ren.

"Maupo na po kayo, Doc," tugon ni Ren.

"Kamusta na Ricky?" usisa ni Doc Santi.

"Ok naman po," wika ni Ricky na ngumiti.

"Si Doc Chris nga pala. Isang paychologist natin dito sa base. Nabanggit ni Kuya Ren mo na madalas ka daw nananaginip ng masama causing you to loose sleep. Hindi maganda iyon for your recovery kaya nagpasya kami na subukan mo ang hypnosis para maintindihan mo ang mga panaginip mo," paliwanag ni Doc Santi.

"Gagana lang ito kung willing kang maki-cooperate," dugtong ni Chris.

Lumingon si Ricky kay Ren na humihingi ng paniniguro at permiso. Hinawakan lang ni Ren sa balikat si Ricky at tumango. Tumingin si Ricky sa dalawang doktor at tumango.

"Well let's get started," ani Chris.

Pinalipat nya sa mahabang sofa si Ricky, at doon pinaupo. Sinimulan ni Doc Chris ng calming exercises si Ricky hanggang ma-hypnotize na nya.

"Ok, subukan natin. Magsimula tayo sa basics. Anong pangalan mo?" tanong ni Doc Chris.

"Ricky dela Cruz," sagot ni Ricky na nakapikit.

"Ok Ricky, we will travel back through time parang time machine. We will start by travelling back three months ago. Nasaan ka ngayon?" tanong ni Chris

"Beach po labas ng base," sagot ni Ricky.

"What are you doing there?" tanong ni Doc Chris

"Sketching. Watching the sun going down calms me down po. Napakapayapa ng pakiramdam habang nanonood ng mga alon," tugon ni Ricky.

"Good. Now we are going back a little farther. We are going back a year ago. Nasaan ka?" tanong muli ni Chris.

Hindi sumagot si Ricky pero napansin ni Santi na na medyo na-agitate si Ricky.

"Ricky naririnig mo kami? Nasaan ka?" tanong ni Chris.

"Isang gubat! Kailangan kong lumayo," sagot ni Ricky.

Kinuyom ni Ricky ang kanyang kamay na nagsimulang manginig. Bumilis ang hinga ni Ricky na tila hinahabol.

"Something is wrong. Doc, anong nangyayari?" lapit ni Ren kay Ricky na nag-aalala.

Tumango si Santi na hinawakan ang pulsuhan ni Ricky to check his pulse rate.

"Pulse is rapidly increasing, Doc Chris," nababahalang wika ni Santi.

"Ricky, talk to us. Where were you? " tanong ni Chris.

"No. Please stop. No... No..." samo ni Ricky na tila pinipigilan ang sarili.

"Ricky!" tawag ni Ren kay Ricky.

"Ang ulo ko! Ang sakit! Tulungan nyo po ako. Ang sakit!" daing ni Ricky na humawak sa noo nya.

"Hindi pwede ito. Impossible!" wika ni Chris.

"Okay Ricky. We are going back to the present. Try to relax, you will rest for five minutes then wake up. Relax," utos ni Chris.

The Rise From Ashes (Dawn of the Phoenix Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora