Chapter 5

71K 358 11
                                    

CHAPTER 5

Nakakawalang gana bigla mag-almusal. Sino ba naman ang gaganahan makasabay ang Tatay mo sa pagkain gayung alam mo ang kababuyang ginagawa nya kapag wala ang Nanay mo? Mabuti nang wag kumain.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at humalik sa pisngi ni Daddy, pero hindi na ako muling bumalik sa hapag.

“Where are you going, Rovainn?” Daddy told me as I walked.

 

“I’m not gonna have my breakfast here. Uuwi muna ako sa condo bago pumasok. You Roviann, sumabay ka na lang kay Daddy papunta nyang Hospital. Magpahatid ka sa Academy” Inirapan ko si Roviann at nagsimula ng umakyat sa hagdan.

“Just check your cards Dear, take care!” Narinig kong sumigaw si Daddy, pero hindi ko na sya pinansin. Basta galit ako sa kanya.

Iniwan ko si Daddy at si Roviann na magkasamang nagaalmusal. Galit ako kay Daddy, I hate him.

Agad akong nagayos ng sarili, may uniform ako dito sa bahay kaya ayun na yung ginamit ko. Ayoko nang magtagal dito, kailangan ko ng makaalis. Kaya pagkatapos na pagkatapos ko magayos ng sarili umalis na ako ng bahay. Sakto nakaalis na rin sila Roviann. Ayoko nang makita pa si Daddy, naaalala ko lang yung kagabi.

Napagdesisyunan kong dumeresto na lang sa Academy. Hindi na ako dumaan sa condo ko, gusto ko pa sana kaso hindi na ako aabot. Medyo natagalan ako ng alis sa bahay, late na nga ako sa first subject ko eh. Pero okay lang, bahala na.

As usual, dumating ako sa Academy ng late. Halos one hour na akong late, at hindi na ako papasok sa klase dahil thirty minutes na lang naman magtuturo ang professor namin.  At saka, it’s better to be late than to come ugly. Kaya hindi ako nagmadaling pumunta sa classroom ko, duh? Mapapawisan ako.

Hinintay kong makalabas ng classroom ang professor ko, tumawag ako kay Kleir at sinagot naman nya, kalalabas lang daw ng prof namin. Kaya dumaretso na ako sa classroom right after nang paguusap namin, baka dumating din kasi yung prof namin para sa next subject.

Naglalakad pa lang ako papuntang classroom, pinaguusapan na naman ako sa hallway. Duh? Hindi ba sila napapagod na pagchismisan na maganda ako at sexy? Paulit-ulit lang? Haist.

Along the hallway, may nakasalubong akong isang lalaki. Nakauniform sya ng katulad kay Roviann, well obviously, Pre-med din ang course nito. Huminto sya sa harap ko, at dahil hindi naman ako bastos, huminto din ako.

“Miss, are you the sister of Roviann Starr?” Lakas loob nyang sabi sa akin.

“Do you have anything to say important about my sister? Or what?” pagtataray kong sabi.

Nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit titig na titig sya? Well.

Kaya tinitigan ko na lang din sya, nabasa ko sa name plate nya na Theus Monterevalo ang pangalan nya. Well, nice name. I hope it fits with him. Eh mukhang totoy pa sya.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon