Chapter 47

16.3K 184 25
                                    

Chapter 47

Malakas na sigawan, kalabog ng sahig, masasakit na salita at duguang mukha.

Mababaliw na ata ako sa loob ng sasakyan ko habang nagdra-drive papauwi. Ang dami ko ng naiimagine na nangyayari ngayon sa condo ko dahil sa sinabi ni Daddy na nanduon sya ngayon. Malaking gulo na siguro ang nangyayari dun ngayon habang wala pa ako.

Pero kahit na nagaalala na ako, wala pa ring senyales kung ano ng nangyayari duon ngayon. Ni walang text galing kay Paraiso na nanduon si Daddy, si Roviann hindi man lang din nagtetext sa akin. As a result? Eto, ang dami ng mga kung anu-anong bagay ang naglalaro sa isipan ko.

Madali kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot. Malamig na ang mga kamay ko at parang nanlalambot na rin ang mga tuhod ko dahil sa kaba na nararamdaman. Sa bawat paghakbang ko, sa bawat metro na nilalagpasan ko at sa bawat floor na dinadaanan ng elevator, dumadagdag ang lakas ng kaba sa puso ko. Makailang beses na rin akong tumingin sa cell phone ko, pero wala pa ring message para sa akin.

Nakarating na ako sa 14th floor. Agad akong lumabas ng elevator.

Huminga ako ng malalim. Kahit anong mangyari kailangan ipagtanggol ko ang pagmamahalan namin ni Paraiso. Mahal namin ang isa’t-isa at ito na ang isang paraan para hindi ko lang mapatunayan sa kay Paraiso kung gaano ko sya kamahal pero paraan na rin ito para ipakita kila Daddy na kaya kong panindigan ang isang tao o bagay na pinili ko.

‘Yun na lang ang nilagay ko sa isipan ko. Pero syet, kinakabahan talaga ako!

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng unit ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang kinukuha ang susi ng pintuan mula sa bag ko.

Napalunok ako ng laway nang ipasok ko na door knob ang susi, pinihit ko iyon ng nakapikit.

Kasabay ng pagdilat ko ang marahang pagbukas ng pintuan.

Bumungad sa aking harapan si Daddy, Mommy, Roviann.. at si Paraiso. Nakaupo silang lahat sa may sofa pero si Paraiso nakatayo sa harapan nila. Sabay-sabay silang nagtinginan sa akin sa may pintuan. Isa-isa ko rin silang tiningnan. Si Daddy strikto at deretso ang tingin sa akin. Si Mommy naman hindi ganun kagalit ang mukha pero alam kong disappointed sya sa akin, tulad ng dati. Ang bunso kong kapatid, halatang natatakot sya sa mga pwedeng mangyari.

Parang ayokong humakbang papalapit sa kanila, hindi ako handa para sa eksenang ito. Hindi ngayon at hindi rin bukas. Masyado na akong maraming iniintindi nitong mga nakaraang araw.

Kakaengage pa lang namin ni Paraiso, well that’s just for us. Technically, hindi pa alam ng parents ko na ikakasal ako soon. Lalo na hindi pa rin naman nila kilala si Paraiso. Then a while ago Sophina and I had a conversation, may reconciliation na kaming dalawa. Marami pa akong dapat tapusin para sa irerevise kong script, ‘yun sana ang prioritize ko ngayon. But here I am now, facing my Dad’s fierce face.

Akala ko magsisimula ng magsalita si Daddy, pero hindi pa pala. Tumayo muna sya at nagcross arms. Ito na ang ayaw kong parte, ilang beses ko na syang nakitang ganito lalo na nu’ng bata pa ako. Ganito ang gesture ni Daddy kapag galit sya, kapag pinapakita nya kung sino ang mas may kapangyarihan.

The Class MuseWhere stories live. Discover now