Chapter 18

51.9K 278 22
                                    

CHAPTER 18

Binaba ko na lang ang tawag ni Kuya Gideon. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman sa sinabi nya. Pati yung tono ng pananalita nya, iba eh. Hindi lang yun basta paglalambing ng isang taong namimiss ang kapatid nya.

Pero matapos ang paguusap namin ni Kuya, hindi ko na magawang antukin ulit. Napapaisip ako ng kung anu-ano. Bakit kaya ngayon lang bumalik si Kuya? Bakit kaya ayaw nyang ipaalam kina Mommy na kinontact nya ako? Bakit ganun sya magsalita sa akin? Bakit parang iba na si Kuya?

Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko namalayan na pumikit na rin pala ang mga mata ko at nakatulog na rin ako ng tuluyan.

______________

Halos sumabog ang utak ko kakaisip sa surprise quiz na binigay sa amin nung bago naming professor. Sya yung pumalit sa pinagresign kong malibog na professor namin. Hindi ko naman alam na ganito pala sya katindi magbigay ng exam, eh di sana hindi ko na lang pinalayas yung tamad magbigay ng exam na matandang yun. Hehe biro lang.

Tumingin ako kay Kleir na nakaupo sa harapan ko. Bwisit, buti pa sya mukhang madaming naisasagot. Kung hindi lang siguro maraming nangyari sa Mansion kagabi, maiisipan ko man lang magbuklat ng notes ko. Kaso hindi eh, ang daming nangyari sa Mansion. Iniwan ko na nga lang sila kaninang umaga pagkagising ko. Walang hiyang katulong kasi yun, hindi hinanda yung uniform ko kaya kinailangan ko pang umuwi sa Condo para lang magpalit ng damit. Bwisit talaga.

At eto pa ngayon, wala akong maisagot sa exam. Buti na lang at may choices, yung iba namang parts puro essay lang kaya kung anu-ano na lang isasagot ko. Nagkataon lang talaga na hindi ako nakapaghanda kaya mukhang babagsak ako dito sa surprise quiz na ito. Nakakainis.

Naubos ang buong period namin sa pagsagot lang sa quiz. Nakakairita, nagsasabay-sabay ang problema ko. Una, nagsusulputan na yang mga exams at quizzes namin. Pangalawa, malapit na yung coronation ng pageant. Pangatlo, yung presentation namin malapit na din pero wala pa kaming nagagawang matino sa grupo. Pangapat, si Kuya Gideon bigla-bigla ko na lang naiisip. At ang panglima, si Paraiso. Sumasagi pa rin sya sa isipan ko.

Haist!

Makapunta na nga lang ng gym. Dun muna ako tatambay, wala naman si Kleir ngayon para samahan ako. Nagpapakabusy ang gaga para sa grupo nila, feel na feel ang pagiging leader.

Umupo ako sa bleacher sa bandang gitna. Inilabas ko ang ipod ko at isinaksak ang earphones sa dalawa kong tenga. Habang nakikinig sa music, naisipan kong panoorin ang mga varsity players na nagprapractice game. Nakita ko si Marron na naglalaro. Buti pa ‘tong kaklase kong ito palaro-laro na lang, palibhasa Academy ang nagpapaaral sa kanya.

Hindi ko maiwasang mapangiti pag nakakashoot ang sino mang maghagis ng bola sa ring. Ang galing pala ng basketball team ng Springton eh, lahat trained ng maayos.

Maya-maya may lumabas galing sa isang pintuan sa gilid ng gymnasium, teka parang kilala ko sya.

 Teka.. Hindi ko masyadong makita kung sino pero parang kilala ko sya.

Bumaba ako ng mula sa gitnang bleacher, at tama nga ako! Kilala ko sya! Pero wow ha, ang macho na nya! Nung huli ko syang nakita, high school na high school pa ang hitsura nya.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon