Chapter 42

24.2K 266 39
                                    

Chapter 42

Hindi ako mapakali, pakiramdam ko any moment bigla na lang sasabog ang puso ko sa kaba. Ni hindi pa rin nagtetext sa akin si Paraiso. Isang oras na simula nung umalis sya para makipagkita sa babaeng una nyang minahal, kay Sophina.

“Girl ano ba? Napu-poops ka ba o ano? Nahihilo na ako sa kababalik-balik mo sa paglalakad. Kumalma ka nga, please lang?” si Kleir ang kasama ko ngayon sa aking condo. Ininvite ko kasi sya na bisitahin naman ako since matagal na rin syang hindi nadadalaw sa akin dito sa unit ko.

“Eh hindi talaga ako mapakali. Wala pa ring text sa akin si Paraiso, kahit na isa lang. Mamaya kung ano nang nangyari sa kanya.” Binalik-balikan ko ng sulyap ang aking cellphone.

 

“Anong nangyari sa kanya? O anong nangyari sa kanila?” binigyan nya ang diin ang word na ‘kanila’ nung sinabi nya iyon. Ayan! Kinabahan na naman tuloy ako.

 

“Pwede ba Kleir.” Pagiwas ko sabay punta sa bar counter ng aking kusina, nagbuhos ako ng tubig sa aking baso sabay inom dito.

“Hay naku Girl. Kilalang-kilala ko na ‘yung kagaganyan mo no. Wala ka namang dapat itago sa akin pagdating sa feelings mo. Isa pa, nakakagulat nga sa’yo e. Bigla ka na lang naging ganyan, parang bumait ka pa nga. Eh sa ating dalawa ikaw ang maldita.” Tinaas-taas ni Kleir ang dalawa nyang kilay ng sabay habang sumusubo ng chips. Para nyang sinasabi na dapat akong mag-agree sa sinabi nya.

Pati pala si Kleir napansin an ang pagbabago sa akin. Akala ko dati ako lang talaga ang nakapansin sa mga naging pagbabago sa ugali ko. Ang kinaganda pa nun, I changed for the better.

“Sa tingin mo, anong dapat kong gawin?” seryoso kong tanong sa aking kaibigan.

“Eh di wala.” Kalmadong sabi ni Kleir habang sige lang ang pagkain.

“Ha? So mananahimik na lang ako dito hanggang sa magtext sa akin si Paraiso? Paano kung hindi sya agad magtext ngayon? Paano kung matagalan pa sila? Paano kung may ibang mangyari maliban sa paguusap nila? Paano ku-”

“Ay naku Rovainn Starr!” tumayo si Kleir sabay takip sa dalawa nyang tenga, ang O.A. ng reaksyon nya sa totoo lang.

Tinitigan ko lang sya at hindi na muling nagsalita. She also stared at me with this strange expression on her face. Kleir’s now starting to get annoyed with me.

“Mahal mo?” inis nyang tanong sa akin. Honestly, nagulat ako sa tanong nya.

“Ha?” pagtatama ko sa tanong nya.

“OMG Girl, ‘yan na ba talaga ang nadudulot ng love sa’yo? Tinatanong ko kung, mahal mo?” ayan, nagsisimula na syang mapuno sa akin. Ngayon alam na nya ang feeling nung ako ang nabuburyo sa kanya.

The Class MuseWhere stories live. Discover now