CHAPTER 2

17.5K 267 5
                                    

CHAPTER 2

"Mira, join us," anyaya ni Rodney.

Rodney slept in Shelley's room last night at ngayon nga ay kasalukuyan na silang nag-uumpisang mag-breakfast, while I serve their coffee.

"Uh.." Nag-alinlangan ako at napasulyap kay Shelley. Mukhang hindi sya pabor sa paanyaya ni Rodney.

"Babe, let her be. Kakain din sya after," saway nito.

"Stop treating her as if she's your maid. Babe, she's your friend." At bumaling sa akin ang binata. "Join us, Mira. I won't take no for an answer."

"How can you accuse me of treating her like a maid? May narinig ka bang ini-utos ko?" palag ni Shelley.

"Sya na nga ang nag-prepare ng pagkain, di ba?"

"She just ordered it from Amici!"

Napakamot ako sa batok at napakagat sa labi. Sinalubong ko ang tingin ni Rodney with the look that says: Guilty as charged.

Bigla syang tumawa.

"And here I thought you cooked these!"

Umiling ako. "Hindi ako maalam magluto," sabay yuko.

"No matter, you're still the one who set the table, so let's just eat together. Join us. Magtatampo ako pag humindi ka." Bahagya nya pa akong hinila sa kamay.

Napapaso akong pasimpleng kumalas sa hawak nya. Napapaso ako both sa init ng palad nya at sa apoy na lumalabas sa mga mata ni Shelley.

Kumain na rin ako. Sa totoo lang, gutom na ako eh.

Once seated, muli akong kinausap ni Rodney.

"I can't believe you don't know how to cook, Mira."

Napapikit ako ng palihim. Patay ako kay Shelley nito mamaya. Gusto nya ang mga jinggiters nya, pero ayaw nya na may kaagaw sya sa atensyon. Lalo na sa atensyon ni Rodney.

Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi na umimik para matapos na ang pakikipag-usap ni Rodney sa akin kahit ang totoo, gusto ko pang palawigin ang aming conversation.

"I always had the impression that you know everything that spells home. It's a revelation to know na hindi ka maalam magluto."

"I haven't tried cooking," amin ko.

"Babe.." agaw ni Shelley sa atensyon ng bf nya.

"Hmm..?"

"I thought you're checking the papers," itinuro nito ang newspaper na nakapatong sa table malapit kay Rodney.

"Ah, yes! Thanks for reminding me, Babe. You're the best!" and he gave her his sweetest amile.

Nakakapanibugho. Wow! Sobrang lalim ng tagalog ko.

Binuklat ni Rodney ang dyaryo sa business section at nagsimulang magbasa habang paminsan-minsang humihigop ng kape. Tapos bigla syang bumaling muli sa akin.

"Siguro naman, ikaw ang nagtimpla ng kape?"

Napapangiti kong itinuro ang Nescafe Dolce Gusto na nasa isang side ng dining area. You really don't need to do anything else than to turn it on at ilagay ang pre-measured and sealed plastic cups of coffee and milk sa allotted slot. Pwede ka nang pumili kung gusto mong cappuccino, latte at kung ano-ano pang make ng coffee.

Exaggerated nyang ibinagsak ang balikat at bumuntunghininga ng malakas sabay sabing: "I'm giving up on your kitchen talent!"

Di ko napigilang mapahagikhik. Ang cute-cute nya kasi, lalo akong nai-inlove. Kung wala kaming chaperone, na-kiss ko na toh!

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now