CHAPTER 23

11.4K 222 11
                                    

A/N: Eto na ang abs. Este ang update. Ako na ang consistent sa pagiging dakilang late. Hehe..

CHAPTER 23

Expectation:

"Yay, thanks Ney! You're sooo sweet!" tapos maglalambitin sya sa leeg ko at hahalikan ako sa pisngi.

"You're welcome, wife," and then I will grab her waist and pull her near. And.. And..

Actual:

“Oh! Buti nagdala ka ng damit!”

 “Sinabi ni Mang Jerry na ganyan ang itsura mo nung umalis ka.”

“Thanks to Mang Jerry, then.”

“I’m still the one who made the effort to bring your clothes,” inis kong wika at ngumisi sya.

“I know, right.”

"Tss."

Badtrip.

Pinanood ko ang paglalakad nya patungo sa banyo sa kabilang dulo ng lobby. The sight of Zandro's shirt on her is making my blood boil.

Mahaba sa kanya ang tshirt at halos naitago na nito ang suot nyang short kaya naman mas kapansin-pansin ang mahuhubog nyang mga hita at binti.

And to think na kanina pa sila magkasama! May pahampas-hampas pa syang nalalaman sa braso ni Zandro. At ang magaling kong pinsan, tuwang-tuwang ibandera ang abs nya sa asawa ko.

I still don't feel good sa nangyaring abrupt interruption kaninang umaga at hindi nakakatulong ang naiisip ko ngayon upang pagaanin ang nararamdaman ko.

"Shelley.. Bakit ka pa tumatawag?"

"Babe.."

"Shelley, I'm in the middle of-" napatigil ako at nag-apuhap ng sasabihin. "I'll call you back later, okay?"

"Why can't we talk right now?"

"I'm..I'm in the middle of something.. I'll hang up. call you later."

Pinutol ko na ang tawag bago pa sya nakasagot. I can't believe what I just did. Somehow, the pain of hearing Shelley's voice is not nearly as painful as the ache I'm feeling in my groin right now.

Naiiling akong akmang babalik na sa kwarto ng biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

Naiinis na sinagot ko iyon.

"Dude," boses iyon ni Jayce.

"Pare, pwedeng mamaya ka tumawag-"

"Dude, listen. I know you don't want to pursue that Dave guy as our lead. So let me handle it. I will-"

"Pare, can we just talk some other time. I will call you back."

"No Pare. I have to talk to you about it right now. Cause right now, I'm packing my things dahil may emergency sa New York. Nasa ospital si Dad, kailangan kong lumipad. Kaya kailangang-"

"It's okay, Bro. Let's talk about it when you come ba-"

"We have to discuss this now. no, I mean, I have to tell you the course of actions that I will take immediately pagkabalik na pagkabalik ko galing sa America. Kaya ang gagawin mo lang ay makinig."

At nagpatuloy sa pagsasalita si Jayce kahit halos wala akong naintindihan sa mga sinabi nya. I was impatiently tapping at the railing beside me, habang nakatitig sa relo ko. He's been talking nonstop for forever!

SUBSTITUTE LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon