CHAPTER 21

11.8K 216 12
                                    

A/N: As promised, Rodney’s back!

CHAPTER 21

I knew she was just joking.

That she married me because I’m a millionaire.

Pero tulad ng asin na ibinudbod sa sugat, ipinaalala niyon ang tunay na sitwasyon namin ni Mira. And somehow, it infuriates me.

Isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap maliban kapag kaharap namin si Lola. She treats me with the same indifference that I’m treating her with. Gaya ng sabi niya, para lang syang salamin, ginagaya lang kung anong ipinapakita sa kanya.

She is obviously a clever woman. At hindi ko alam kung alin sa mga pinapakita at ginagawa nya ang calculated at planado at alin ang totoo sa loob nya.

Sometimes, it frustrates me. I want to crack her but I don’t know how.

Sumulyap ako sa relo. May katagalan na mula ng umakyat ako dito sa kwarto pero hindi pa rin sumusunod si Mira. What’s taking her so long? Masyado ba syang nag-e-enjoy sa pagkain?

O dahil kasama nyang kumain si Zandro?

The thought irritated me and I found myself pacing the room.

I recalled the way Zandro looked at her earlier. Hindi nya maialis ang paningin sa asawa ko.

Yes, she’s my wife!

How dare her dress up for another guy!

Natagpuan ko ang sarili ko na nagkakalkal sa drawer sa harap ng vanity mirror. Doon, natagpuan ko ang palettes ng eyeshadow nya. Obviously, ngayon nya lang ginamit ito.

Beats me why she had to. She even wore the dress I got for her last Christmas!

Bumabangon na naman ang pagkainis ko at malakas kong ibinato sa basurahan ang make-up kit nya.

She was gorgeous. Kung tutuusin, maliban sa damit, ang naiba lang naman sa look nya ay ang kanyang mga mata. Hindi naman makapal ang inilagay nyang make-up doon. In fact, it’s very subtle, na halos hindi mo iisiping may make-up sya.

What it did was emphasize her soulful eyes.

And it’s enough to draw my eyes to her.

Ang nakakapagpainit lang ng ulo ko, hindi lang mata ko ang napagkit sa kanya.

Mariin akong pumikit dahil pumapasok na naman sa isip ko kung paano sya tinitigan ni Zandro kanina.

Thay guy.

I welcome the fact that he’s my cousin, legitimate or not. Who cares kung mapunta sa kanya ang parte ng kayamanan ng mga Alejandro?

Hindi ko lang matanggap ang kawalang-galang nya kay Lola.

At lalong hindi ko matanggap ang walang pasintabi nyang pakikipaglandian sa asawa ko.

Why do I feel uneasy recalling how Mira blushed in his praises? Why is that fact igniting my irritation more and more?

Lumabas ako ng balcony upang hamigin ang sarili. May mangilan-ngilan pang patuloy na nagpapaputok ng fireworks, kaya aaliwin ko na lang ang sarili ko sa panonood niyon, kesa tuluyan akong ma-badtrip sa paghihintay kay Mira.

Pero napahinto ako sa tanawing bumungad sa akin.

Sa garden nakaharap ang kwarto namin ni Mira, kaya kitang-kita ko na magkahawak-kamay sila ni Zandro na naglalakad patungo doon.

Kinuyom ko ang mga palad.

What’s worse than a wife who ruined your peaceful life and married you for your wealth?

SUBSTITUTE LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon