CHAPTER 7

13.6K 201 2
                                    

CHAPTER 7

My life is back to normal.

That’s what I wanted to believe ever since Rodney and I came back from Tagaytay. But I was lying to myself.

That brief interlude was nothing but a short brush of our lips, but it affected me to the core. Kahit ilang gabi na ang nakakaraan mula nang bumalik kami sa Manila, naaalala ko pa rin ang pakiramdam ng labi niyang nakalapat sa labi ko. Aaminin kong ilang gabi na akong pagulong-gulong sa kama ko tuwing maaalala ko ang eksenang iyon pero hindi ko pa rin ma-contain ang pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ko.

Kahit dumadalaw si Rodney kay Shelley sa bahay, iniiwasan ko ang makaharap sya ng matagal. Mukhang ganun din sya. Marahil, pareho kami ng nararamdamang guilt.

“Mi..”

Para akong natulos sa kinatatayuan ko at napatigil ang ginagawa kong paghuhugas ng plato. Akala ko nakaalis na si Rodney kanina kaya lumabas na ako ng kwarto upang maghugas ng pinggan.

Naramdaman ko syang lumapit sa likuran ko, pero hindi ko magawang lumingon.

“Oh, nandyan ka pa pala,” nang ma-compose ko ang sarili ko ay nakangiti ko syang nilingon. May pag-aalinlangan sa mga mata ni Rodney pero napalis iyon at napangiti rin siya nang makita nya akong nakangiti sa kanya.

“Oh, thank God! I thought you’re mad at me!”

“Huh? Bakit naman?”

“Hindi mo kasi ako pinapansin lately.”

“Ah.. Hindi naman. Ayoko lang isipin ni Shelley na dahil lang minsan akong nagpanggap na girlfriend mo eh FC na ako.”

“Anong FC?” kunot noong tanong ng binata.

I rolled my eyes. “Really, Ney! You don’t know what it means??”

Napapakamot sa batok na umiling sya.

“FC. Feeling close!”

Natigilan siya. “Aren’t we... close?”

I didn’t know how to answer that. Are we close? As in, seriously?

“Hindi naman sa hindi close, kaya lang hindi naman ako galing sa Assumption kaya hindi ako assumptionista.”

Nangunot muli ang noo nya. Okay, corny ang joke ko at epic fail pa dahil di nya na-gets.

Slowly, his lips pulled back in his famous naughty boy-next-door grin. “Baka umiyak ka na, na-gets ko naman ang joke mo.”

Pinanlisikan ko sya ng mata at umakmang ihahambalos sa kanya ang hinuhugasan kong porcelain plate. Tumatawa syang umiwas at pinigilan ang aking mga braso.

“Masaya ka?”

“Nakakatawa ka kasi. Pikon ka pala noh?”

“Hindi ah. Halika rito, papakita ko sayo kung paano ako mapikon.” Hinawakan ko naman ang malaking crystal pitcher at iyon ang iniamba sa kanya.

Lumayo sya sa akin habang humahalakhak.

“Shh!” saway ko. “Ang ingay mo, magigising si Shelley.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rodney. Tila isang switch ang pangalan ng girlfriend nito, binanggit ko lang, nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa isang iglap.

He cleared his throat and spoke. “I.. I was going to tell you to meet me tomorrow. You lost your eyeglasses last time; I just want to pay you back for that.”

The awkward atmosphere hangs in the air, and it suffocates me. It took me a while before I can muster the courage to speak.

“You don’t have to do that. Kasalanan ko kung bakit nawala yun.”

SUBSTITUTE LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon