He is...

45.4K 712 16
                                    

Vince's POV

"Congratulations, Mr. Fierro!" bati sakin ni Mr. Kellerman, the corporate lawyer of the ZYT Company.

I gladly accepted his handshake. Pati din ang pagbati ng mga kasamahan niya.

Mayamaya pa ay nagpaalam na ang grupo nila. Hindi na din ako nagtagal at pagkatapos bigyan ng instruction si Mina, my secretary, tungkol sa naganap na pirmahan ng kontrata, I headed out of the Manila Penn.

Media people are all over the lobby. Iba-iba ang get-up, with their specialized cameras. Binilisan ko ang paglalakad dahil nakita ko na isa sa kanila ang papalapit sakin.

"Mr. Fierro?" habol sakin ng isang maliit na babae.

Hindi ko siya inintindi at tuluy-tuloy ako sa paglalakad.

"Sir, you are again in the list of billionaires in this country. What can you say about that, Mr. Fierro?"

Sigurado akong baguhan siya. Dahil hindi niya alam na hindi ako nagpapa-interview lalo na ang ambush interview. Iniilagan ako ng mga mediamen kapag nakakasalubong nila ko. Pero kahit takot sila sa akin, hindi niyon matinag ang kuryusidad nila tungkol sa pribado kong buhay. And that's what irritates me.

"And besides, you are one of the young billionaires who remained bachelor. Sir?" pagpapatuloy niya.

"Or are the rumors true about you being engaged? Who's the lucky woman, Sir?"

"Put down your camera young lady or I'll make sure that this will be your last job." Madiin kong sabi at tinitigan siya nang seryoso.

Napaatras naman siya at hindi na ko sinundan sa paglalakad. Good. Wala akong pakialam sa kung ano mang mga isinusulat sakin ng press.

Yeah, my companies need promotion and advertisement of our products and services through media. And we pay them handsome amount for that. And that's business. But never have they tried to interfere in my private life.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa valet.

I am going back to my office. It's 6:30pm at malapit ng mag-uwian ang mga empleyado. But first thing is first. As a businessman, hindi ko pinagpapabukas ang pwede kong gawin ngayon.

++++++++++++++++++

I parked my car at tumapat sa elevator na ako lang ang gumagamit. Imbes na sa opisina  ko sa 50th floor  ako pumunta, sa 48th floor ang pinili ko, ang Finance Department. I was greeted by my employees when I entered the floor and I felt that the atmosphere tensed.

Nakasalubong ko ang pakay ko na si Mrs. Almiran. She looks bothered.

"G-Good evening, Sir. This is the a-annual financial report of VLF. I-I was about to take this in your office."

Inabot ko ang binigay nyang folder.

"Really? Kahapon ko pa to hinihintay, Mrs. Almiran. You know that I hate late reports."

"S-Sorry, Sir kailangan ko pa kasing i-review nang maayos."

I didn't answer at tinitigan lang siya nang seryoso.

"Mrs. Almiran, you're fired." At tumalikod na 'ko.

Nang makabawi pa lang siya sa pagkagulat ay saka pa lang niya ako hinabol.

"B-But Sir you cant fire me dahil don. T-That's unfair!"

"You know that I don't easily fire an employee for that crap, Mrs. Almiran. I terminate cheats." And gave her a weak smile and went to my office.

Parang natatandaan ko pa kung paano siya namutla dahil sa huling sinabi ko.

Of course, wala akong kwentang boss kung ite-terminate ko siya ng dahil sa late na pagpapasa ng report. I am not that irrational. I did that because I have learned that Mrs. Almiran commits a crime. Nagdispalko siya ng pera sa kompanya ko.

And any businessman will not tolerate that.

Having an elite detective and security team which is composed by trained men, madali lang sa akin ang malaman kung anu-anong kalokohan ang nangyayari sa  mga negosyo ko. That's how my men work. Walang makakaligtas kahit sino.

I loose my tie at nagsalin ng alak sa bar counter na nasa gilid ng opisina. Ni-review ko kung anu-anong nangyari sa buong hapon ko.

First, I closed a multi-million dollar deal with a well-known company over dinner. Second, I threatened a newbie media woman. Third, I fired an employee. And the results of all that?

Another huge figures in my bank accounts. Curiosity from irritating media. Admiration from women who will know that I'm a billionaire. Anger from an ex-employee.

At ang pagtibay ng paniniwalang 'Vincent Laurel Fierro is the rudest and roughest businessman who walks on earth'

Galing iyan sa taguri ng press sa akin. But hell if I care!

Ang mga ganyang bagay ay karaniwan sa mundong ginagalawan ko. All I care about is the success of my empire. But whom I care the most is an unreachable woman... Napatawa ako nang mahina dahil sa adjective na naisip ko.

Unreachable... Well, literally and not. Isang babae na pinag-aalayan ko ng lahat-lahat ng paghihirap kong 'to. Isang babae na gusto kong makasama sa pagse-celebrate sa bawat tagumpay ko. And also the woman I can never have...

Napailing ako. What a melodramatic thought!

Tinitigan ko ang alak na hindi ko naubos and an image appeared on its reflection. A beautiful face of a woman wearing her mischievous smile.

I'm a pathetic bastard!

Nilabas ko ang mobile ko at nag-dial ng numero. Operator lang ang sumagot. I tried once again. Pero ganoon pa din. Inulit ko ulit at operator pa din ang nasa kabilang linya. Damn her! Ni hindi man lang maalalang magdala ng cellphone kahit saan pumunta.

I wonder kung naaalala niya din ako. Samantalang para akong luku-luko sa pag-aalala sa kung anong ginagawa niya sa buhay at kung ligtas siya araw-araw. Well, what will I expect?

We both agreed on this kind of relationship. No feelings attached. No emotional involvement. Relasyon na nabuo dahil lang sa mababaw na kasunduan sa pagitan naming dalawa.

Nag-dial naman ako ng ibang numero.

"Epin."

"Sir?" sagot ng lalake sa kabilang linya.

"How's your señorita?"

"Kauuwi lang sa bahay niya, Sir."

"Ok, check the area before you leave. At mag-report ka kaagad sa 'kin kung may problema."

"Copy, Sir."

At pinutol ko na ang tawag.

Inisang lagok ko ang natitirang alak sa goblet. At magsasalin pa sana ako pero nagbago ang isip ko. I'm not a drunker. All I have to do now is go to bed, sleep and be ready for tomorrow's routine. Paperworks... Meetings... Business transactions...

But who's that señorita? Well, she is the woman I've  been thinking about. Ameri Dea Montojeo. A princess. An heiress. Unreachable... And my fiancée.

The Billionaire and the Witch {Short Story Complete}Where stories live. Discover now