Chapter One***

53K 754 38
                                    

Ameri's POV

Pinara ko ang tricycle at bumaba sa bukana ng palengke pagkatapos magbayad. Mabilis na kinuha ng driver ang bayad ko, tiningnan ako mula ulo hanggang paa nang may halong takot at pinaharurot na palayo ang sasakyan niya. Okay.

I know... Everyone's looking at my direction. Expected. Hindi ko sila masisisi. Anong magagawa ko kung kapansin-pansin ang fashion statement ko.

Well, I'm wearing ared poncho hoodie ala Red Riding Hood attire. With a wooden basket in my left arm. Hindi nila alam na naka-T shirt at short short lang ako ng maong sa loob dahil sa red poncho ko na umabot ang haba above my knee and with matching black leather semi-boots.

Mahalumigmig kasi ang panahon dahil nasa country side at malapit na din ang pasko. Nilalamig lang naman ako.

Sinimulan kong maglakad papasok sa loob ng wet market. Yeah, mamalengke lang ako. Walang basagan ng trip. Okay?

Wala akong magagawa kung dahil sa kakaiba kong get-up ay lalo nila akong katakutan, pagtsismisan na nasisiraan na and whatevah! Town's people!

Lahat ng kakaibang bagay, kinatatakutan. If only they will open their minds, they will know that everything in this world has corresponding explanations.

"Isang kilo nga pong bangus."

Nginitian ko ang tindera ng isda pero parang lalo lang siyang nataranta. Tinimbang lang niya ang mga isda at saka inabot na sakin.

"E-Eto."

Ngeeek! Hindi man lang kinaliskisan at tinanggalan ng mga bituka?! Anong gagawin ko doon? Hindi naman ako kumakain ng mga bituka.

Okay , okay. 'Epekto yan ng get-up mo, Ameri.'

Pagkatapos kong magbayad, pumunta naman ako sa meat section. Isang kilo ng baboy, checked. Isang kilo ng manok, checked. Isang tray ng eggs, checked. Mga gulay, canned foods and many to mention... checked.

Matagal-tagal din kasi akong hindi bababa sa bayan dahil malayo sa kabihasnan ang bahay ko. Sila Epin at Tomas? Nandiyan lang sila sa paligid. Binigyan ko na sila ng instruction na hindi na nila ako kailangang tulungan  sa mga bitbit ko.

Palabas na sana ko ng palengke nang may madaanan akong newspaper stand. Nagtingin-tingin muna ako.

Matagal na din kasi akong walang balita sa outside world. Wala naman kasi akong TV at radio. Cellphone lang, cellphone lang na hindi ko kinahiligan kahit kailan kaya madalas nasa cabinet lang. Refrigerator lang ang appliance ko sa bahay. Wala ring gas stove, kahoy ang ginagamit ko sa pagluluto. Ermitanya ang drama ko.

Tuloy lang ako sa pagbubuklat kahit matalim na ang tingin sakin ng tindera.  Until a picture of a man in a broadsheet's social page caught my attention. Nilapit ko sa mukha ko ang larawan.

Hmn... Hindi siya nakatingin. Halatang sa malayo siya kinuhanan at palihim pa. Pero nakilala ko pa din siya. Sabagay, kahit isama pa siya sa milyon-milyong hunks sa bansa, makikilala at makikilala ko pa din siya. Magi-stand-out ang aura niya. Binasa ko ang caption sa baba.

Billionaire Vince Laurel Fierro, spotted in Manila Penn's lobby!

So? Nasa bansa si Haring Vince? Kaya pala nagpi-pyesta ang mga paparazzi. Binuklat ko kung nasaang page ang buong article.

Dashing billionaire Vincent Laurel Fierro was spotted in the grandiose Manila Penn's lobby yesterday. This businessman is still holding the title as one of the billionaires in the country for five consecutive years. At the age of 29, Mr. Fierro has established his empire not only here but also abroad. And as always, he's carrying his mysterious aura that make women go gaga whenever they see him. Well, will there be a 'tear flood' when there will be a confirmation about his rumored fiancée? Or...

The Billionaire and the Witch {Short Story Complete}Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum