Chapter Three***

45.8K 630 29
                                    

Ameri's POV

 Kinuha ko ang tasa ng tinimpla kong kape at sumandal sa pintuan ng kusina. I sipped my coffee. Hmn... Hot... Yummy...

Pero hindi ang kapeng 'to ang tinutukoy ko. Kundi ang isang nilalang na nagsisibak ng kahoy sa bakuran ko.

He's naked from top to waist. Nakapantalong maong lang siya at walang sapin sa paa. Nakadagdag pa lalo sa magandang view ang pang umagang sikat ng araw na tumatama sa katawan niya. Oh my heart...

I suddenly felt the urge to wipe his sweat and run my fingers to his stomach. At ang mga muscles at abs na nagkikislutan kapag tinataas niya ang palakol na hawak. Hay... Ang agang kalandian.

Parang nawalan ng init ang kape kaya napabilis ang paghigop ko. Well, it's not everyday na makakakita ako ng isang Greek God na gumagawa ng gawaing bahay.

"Pinakelaman ko na ang kitchen mo, I cooked breakfast." Sabi niya habang sinasalansan ang mga kahoy.

"Okay lang. Nag-almusal ka na ba?"

Ako tapos na, that sexy body of yours is better than bacon, sausages and bread.

"You go first, mag-iigib  muna 'ko." at kinuha niya ang dalawang timba na malapit sa laundry area.

Gah! Kalimutan muna ang totoong almusal, may isa pang eksena.

Sumunod ako sa kanya sa likod-bahay. Nakita ko siyang balewalang tinutungga ang poso ng isang kamay lang.

Psh! Samantalang kapag ako ang nag-iigib, kailangan ko pang ubusin ang buong lakas ko para maka-isang timba ng tubig. Bakit pa ba 'ko magtataka? He's a man... and a very strong one...

"What?" sita niya sa'kin.

"Bakit ka ba nag-iigib? Ikaw ang bisita dito tapos ikaw ang gumagawa niyan. Halika, sumabay ka na sa'kin sa almusal."

"It's okay, mag-almusal ka na."

"Uhmn, mamaya na lang din." umupo ako sa bangkito, ipinatong ang mga siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba at walang habas na pinagmasdan siya.

Wala naman talagang dahilan para mag-igib. Nadito na talaga ang poso nang mabili ko 'tong bahay. May linya naman ng tubig dito. Pero hindi ko alam kung alam niya 'yon. Baka naman... nagpapasikat lang siya sa'kin? But it's okay, I 'm enjoying it naman. *Giggles

"Why?" he gave me that weird look.

"H-huh?"  (?_?)

"Bakit ka bumubungisngis dyan? I said go inside and have breakfast."

"Ang sabi ko ay mamaya na di ba? At saka... tinitingnan ko kung... tama ang ginagawa mo..." Wala akong maisip na ibang dahilan.

He gave me that weird look again and raised a brow. 'Cant blame him, maski ako hindi naniniwala sa dahilan ko.

Hay... Makapamboso lang....

"Anong magiging mali ko sa ginagawa ko? I did this chore one-fourth of my life."

Hanu daw?

"What do you mean?"

Inalis niya ang napunong timba at sinahod ang isa pa. He didn't answer. Tahimik lang siyang nagtutungga sa poso habang nakatingin sa 'kin.

"Anong ibig mong sabihin, Vince?"

Hobby ba niya ang pag-iigib?

"I didn't come from a rich clan, Ameri.  At ang pag-iigib ay isa lamang sa mga gawaing dapat kong matutunan noong bata pa 'ko."

He said that, not breaking the contact. Parang gusto niyang makita kung anong magiging reaction ko.

Well, I am surprised for his little revelation. And admire him as well, dahil kung hindi siya galing sa mayamang pamilya, sarili niyang puhunan ang ginamit niya para kilalaning isa sa magagaling na negosyante sa bansa.

The Billionaire and the Witch {Short Story Complete}Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu