[G] Chapter 23: RIGHT IN THE MIDDLE

1K 56 2
                                    

Giovanni

August 27 ang araw kung kailan tuluyan nang magpapaalam ang Partner ko. Sa August 27 ang flight nya at sisiguraduhin kong makakapag-paalam ako sa kanya nang maayos. I want to see her before she gets in the plane, I want to see her one last time.

Bago ako pumunta sa funeral parlor ay minabuti ko na munang dumaan sa mansyon upang malaman ang katotohanan tungkol sa mensaheng nanggaling sa kanang kamay ng Lolo ko.

"Ano pong ibig sabihin ni Mr. James sa minessage nya sa akin? Totoo bang tinorture mo si Mama noon?" bungad kong tanong nang makapasok ako sa opisina ng Lolo. "Ano'ng naging atraso sa inyo ni Mama't pinahirapan nyo sya noon kung totoo man iyang sinasabi na iyan ni Mr. James?"

"Hijo, kumalma ka. Ni-hindi mo man lang ako binati, aba'y halos ilang buwan na tayong hindi nagkikita tapos ganiyang mga klaseng tanong ka agad ang itatanong mo sa akin?" Lumapit sa akin si Lolo at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran.

Napa-urong ako't umiling, "Oh well hello Grandpa, how are you doing? Great? Now answer my questions please." pilosopo kong tugon sa kanya. Such guts to disrespect the King? Well no, not because I'm a grandson of his but because he raised me this way, he taught me to be like this, now I'm just applying his wonderful lessons in real life, towards him that is.

Natawa sya kasabay nito ang pagtalikod nya sa akin, "Bakit hindi mo tanungin ang nanay mo mismo tungkol diyan? Sigurado naman akong tanda nya pa iyon, kahit sinong tao naman yatang nakaranas ng ganoong klaseng karanasan ay hindi agad-agad iyon malilimutan, hindi ba?" naglakad sya papalapit sa may bintana matapos nya akong titigan.

Kahit kumukulo na ang dugo ko'y pinilit ko pa ring maging kalmado, na isa rin sa kanyang mga itinuro sa akin noong bata pa ako. "Hindi nya ako sinasagot, what exactly did you do to her?"

"Gusto mo talagang malaman? Oh sige..." saglit nitong pinikit ang kanyang mga mata bago nya itinitig ang mga ito sa akin na para bang ako'y kanyang sinasaksak sa talas ng kanyang tingin, "Buntis sya sa'yo at tumakas sya, alam nya namang sabik na sabik ako sa'yo noon pero ayon, tinakasan nya ang Daddy mo't sumama sa ibang lalake. Biruin mong may mga anak na pala ang nanay mong iyon sa lalake nya bago ka pa nya ipagbuntis. Kawawa naman ang anak kong si Lincoln noon, umasa na sya lamang ang mahal ng babaeng pinakamamahal nya, iyon pala'y may kalandian nang iba, at sa karami-raming lalakeng pwedeng makalampungan ng Hannah na iyon, isa pa sa mga tauhan ko, isang traydor." umupo si Lolo sa rocking chair sa gilid ng bintana at humalumbaba, ipinagpatuloy nito ang kanyang kwento habang nakatitig sa labas. "Noong matunton namin sya'y nai-anak ka na pala nya. You see, isang kahihiyan ang Kuya mo at sabik na sabik akong magkaroon ng isa pang apong lalake kaya nung nalaman kong lalake nga ang anak nina Hannah at Lincoln, hindi na ako nag-atubiling kunin ka...nang sapilitan. Nanlaban ang nanay mo e, kaya tinuruan ko muna ng leksyon, kasama na rin ang traydor nyang kinakasama."

Hindi ako naka-imik dahil agad akong napa-isip sa sinabi ni Lolo; traydor nyang kinakasama? As far as I know, there is only one man that my mother loved dearly and it was Papa Hal, one and only. Si Papa Hal ba ang sinasabi nyang traydor? Ibig sabihin ba no'y dati ring tauhan ng pamilyang ito ang itinuri kong ama? Imbis na makuha ko ang sagot sa mga naunang tanong sa aking isipa'y mas lalo lamang itong nadagdagan ng mga panibagong katanungan.

"You aren't answering my question 'Lo, what did you do to her–to them?"

Dahan-dahang humarap si Lolo sa akin, tinitigan nya ako sa mga mata at ngumiti. "Oh you don't wanna know the details apo, you don't wanna know."

He stared at me for a couple of seconds more, his stares made me absolutely still like a statue; his eyes can look sad at his normal state but when he wants to terrify someone, his gazes are so sharp that it could probably mentally damange a weak-hearted person. Over exaggerated yes, but it is true.

1937 (Editing)Where stories live. Discover now