3 - "Your Universe"

6.6K 303 17
                                    

Aric

"Naiwan ko ang cellphone ko.." I said as I saw Hya's seat empty and my pocket was empty without my Nokia 6600. Naiwan ko yata sa kwarto ko. Umuwi kasi ako ng lunch eh.

Ten minutes past na ng first class namin at natatawag na si Sir Lim ng mga pangalan namin pero walang Hya na dumating.

"Darating naman siguro siya mamaya. Di naman siguro ako iindianin nun." sabi ko ulit sa sarili kong nagaalala na hindi siya makita ng hapon na yon.

The time that afternoon went by fast at dahil prom na mamaya, cancelled na ang last period namin.

Everyone I saw went straight home para makapag ayos ang iba naman ay dumiretso na sa salon.

"Si Hya kaya ano na ang ginagawa?" I wanted to call her kaso badtrip dahil naiwan ko cellphone ko sa bahay. Sumakay na ako agad ng taxi pauwi at naligo. May papracticin pa akong kanta, may mga salita pa akong susubukang memoryahin para mamaya. Sana masabi ko na.

Simpleng black na tux ang pinili ko para sa gabi na yon, may puting rose na nakaipit sa bandang dibdib.

Kinuha ko ang pink na corsage na made of orchids sa mesa ko, binitbit ang gitara. Last look sa salamin,huminga ng malalim at lumabas ng kwarto.

"Aric, let's go. Ano ba naman anak? Kailangan ko mauna doon at mag fafacilitate kame." sabi ni Mama.

"Sorry na Ma. How do I look?" I presented my self.

"Pinaka gwapo...kaya sana...yung ide-date mo karapat dapat naman sayo." alam kong may gusto na naman siyang iparating pero hindi ako nagpahalata na alam ko saan patungo ang usapan na ito.

"Trust my judgment Ma. Alam ko kung sino ang dapat kong magustuhan." I feigned a smile.

She drove us to the venue. Dalawa na lang kasi kame ni Mama. Bata pa lang ako ng maghiwalay si Mama at  si Paps. Kaya simula noon, natuto ng mag drive si Mama. Siya ang gumagamit ng iniwan ni Papa ang kotse sa amin, isang kulay green na Civic.

Isang oras kameng maaga dumating sa venue dahil faculty si Mama. Ako naman dumiretso sa back stage. May maliit na entablado sa harap, fully decorated na rin with hearts. Sa gilid nun ang tutugtugan namin.

Pagdating ko sa backstage, nandoon si Brent at Shiela.

"Aric... tara set up na tayo." bati ni Brent.

"Asan si Kris?" may usapan kasi kame maaga na pumunta dahil nga iseset up pa namin ang mga gagamitin na instruments.

"Ayun, naliligo pa sa pabango." biro ni Shiela.

Tumawa kame ni Brent. "Last na to Shie?" tanong ko sa bokalista namin.

"Oo eh..nakita kasi ni Dad na medyo affected ang studies ko. Sorry Aric ha.."

"Saan kaya kame hahagilap ng vocalist nito. Balak pa sana namin sumali sa music fest sa summer eh. Yung sa Camiguin" balita ko sa kanya.

"Wow...ang ganda nun, last year sa Baguio tayo di ba kaso di pa tayo nakasali non. Nag workshop lang tayo." paghihinayang ni Shiela.

"Yaan mo baka pag graduate na tayo parepareho, mas ma adjust natin ang schedule pag college." sabi ni Brent habang sinsetup ang drums.

"Sana.." Shiela said crossing her fingers.

Ilang sandali lang nagsidatingan na ang mga estudyante. Kanya kanyang upo sa mga table na nandoon.

Sa bawat pasok ng estudyante sa malaking pinto sa gitna ay napapatingin ako doon. Patapos na rin ako at lalabas na ako para hintayin si Hya sa labas, sa may fountain.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon