11 - "All of Me"

4K 186 16
                                    

Aric

What would I do without your smart mouth?

It has been three days since I heard the good news that Hya is pregnant. Naging tahimik na rin siya sa nakalipas na tatlong araw. I don't know what is going in her mind. Ang alam ko lang may inaalala siya.

"Love..." tawag ko sa kanya habang nag aalmusal kame isang umaga.

Panay ikot lang niya sa kutsara niya sa champorado na gawa ko para sa kanya. Inangat niya ang tingin sa akin ng tinawag ko siya. "Ayaw mo ba ng champorado?"

She shook her head "Masama kasi ang pakiramdam ko Aric. Can I just stay in bed?" paalam niya sa akin.

"Huh? Anong nararamdaman mo? Gusto mo bang magpa check up tayo? Nabasa ko kasi sa internet ganun daw talaga pag sa mga unang tatlong buwan ng pagbubuntis Love...nagiging sensitive--" naputol ako sa sinabi ko dahil bigla siyang sumimangot at umalis sa harapan ko.

"Love..." hinabol ko siya, agad ko siyang niyakap "...Love, teka lang. Ano bang problema? Tatlong araw ka ng ganyan. Ano ba ang nagawa ko? Ayaw mo ba akong makita? Pinaglilihian mo ba ako? Tell me Hya. Kasi di naman ako manghuhula para malaman ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo eh."

"Aric! Hindi nga ako buntis! Baka nagkamali lang ang doctor doon sa resulta!" naiirita niyang sabi sa akin.

It frustrates me how much Hya is being unreasonable. Ayaw niyang aminin sa akin na buntis siya pero ayaw niya rin sumama sa kin para magpa check up.

"Hya, what are you afraid of? Natatakot ka ba para sa career natim kung malaman natin na buntis ka nga? Sa mga kabanda natin? Hya, nakalimutan mo na ba? Sinabi ko sayo na bubuo tayo ng pamilya natin. Hindi naman eto lang ang pangarap ko eh. Yung maging sikat. I dream to have a family with you, at mas importante sa akin yon. Huwag na huwag mo sanang pagdudahan yan Hya."

Nangilid ang luha ni Hya and I knew right then na tama ako, may mga takot siyang nararamdaman kaya hindi niya masabi sa akin ang totoo. She knew how much I wanted a child. She knew how much I wanted us to build a family. Lumaki ako ng walang tatay and Hya lost her parents nung highschool pa lamg kame kaya dati pag pinaguusapan namin ang tungkol sa pamilya na bubuoin namin, lagi na,ing sinasabi na bubusugin namin ng pagmamahal ang magiging anak namin.

"Love, eto na yun di ba? Dumating na yung blessing natin dalawa? Bakit ka natatakot? Andito naman ako eh. Di kita papabayaan. Di ko kayo papabayaan." I cupped her face.

"Higit sa takot Aric..." she said in a shaky voice, tears fell. "...hindi na ako sigurado." saka niya tinanggal ang mga kamay ko sa mukha niya at pumasok sa kwarto.

I was left there with an anxious heart of what Hya just said.

"...hindi na ako sigurado." apat na salita na pumiga sa puso ko. Hya feels uncertainty. Something I have never felt with her. When it comes to her lagi akong may sagot, lagi akong Oo , hindi baka, hindi siguro, hindi pwede kundi sigurado.

Kinagabihan, inimbitahan ko sina Andrew, Kris at Brent na mag inuman. I still did not tell them the good news na magiging mga Tito at Ninong na sila ng anak ko. I still waited for Hya. Hinayaan ko muna siya sa gusto niya ngayon. Baka kailangan pa niya ng panahon para pagisipan ang mga bagay bagay.

"Bro, easy lang...magkaka shortage na ba ng alak at kung uminom ka ngayon wagas?" si Brent yun.

I scoffed "Bro, masaya lang ako. Kaya inom pa tayo!" nag salin pa uli ako ng iniinom namin at nilagok.

"Dami mo ng nainom Aric. May show pa tayo bukas eh. Tama na yan."

"Pare, kaya ko pa to! Inom pa tayo." gumewang gewang pa ang kamay kong nilalapit ang baso ko sa kanila.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon