Hya
🎶 I don't know how or why I feel different in your eyes. All I know is it happens everytime. Cause there's something in the way you look at me.."🎶
I heard the love song being played on the radio and I instantly thought of one person.
I woke up Saturday morning and read a message from him.
Aric Padilla
+639178213509Good morning Hya. Paalis na ako ng bahay.
Ang aga naman nito magising. 6:30 pa lang eh. Saturday,walang pasok.
I typed Good morning. You're quite a morning person. I'm still sleepy Zzzzzz
Walang reply.
After 5 minutes kinakatok na ako ni Libay kasabay naman ng tawag ni Aric. Una kong sinagot ang tawag ni Aric.
"Hello? Ang aga mo naman magising ng Sabado. Where are you going?" I lazily answered his call. Mahal ko naman to eh,kaso ang aga talaga manggising. Sabado ngayon, pag sabado at walang pasok entitled kang magising ng late.
"Hya, baba ka na. Mag breakfast na tayo." sabi ng kausap ko na parang araw araw namin yung ginagawa.
Saglit pa nag hang ang utak ko bago ko naprocess ang sinabi niya. Baba na raw ako at mag break fast na kame.
"Hya, nasa baba yung boyfriend mo!!!!" inalog ako ni Libay pagbukas ko ng pinto. Saka ako napadilat at nataranta.
Shit. I've just woken up. Wala pa akong toothbrush, hindi pa ako naligo. I quickly grabbed my toiletries that were placed in a basket and my bath towel and ran to the stairs. Agad naman ako pinigilan ni Libay.
"Hya wala kang suot na bra!" she was in panic mode more than me. I quickly returned to my room at nagsuot ng bra.
"Bakit ba kasi nasa baba ang dalawang banyo ng dorm? Bakit Lord? Bakit?" I silently cried in my thoughts.
Dahan dahan akong bumaba at nakita kong nakapwesto siya sa may bandang dulo ng mahabang mesa ni Tita. Nakatalikod sa may kinaroroonan ko. I planned to sneak behind him going to the toilet ng biglang "Hya, nakabangon ka na pala..." Tita acknowledged my presence.
Halos bumaon na ang paa ko sa sahig at naistatwa ng lumingon siya. Kita pa din ang mga pasa niya sa mukha pero mukhang nagamot na. But it was best concealed by his smile.
"Good morning Hya..." I know I look like a mess. Ilang steps pa Hya nasa banyo ka na. Just greet him back already. I said to my self.
"...morning!" agad ako dumiretso sa banyo at sinara ito.
Halos ayaw ko na sana lumabas ng banyo kung hindi lang ako kinatok ng isa ko pang dorm mate dahil may klase pa siya at kailangan niyang maligo.
"Hya, matagal ka pa ba? Ma le-late na ako. Sabado ngayon ah. Wala ka namang pasok." pagmamaktol ni Rhea sa labas ng banyo.
"Patapos na Rhea.." sigaw ko mula sa loob.
I gathered my things and covered my hair with the towel and slowly opened the door. Lumakad ako papuntang dining table kung saan ang daan ko paakyat ng hagdan. Madadaanan ko na naman si Aric. Pero okay lang at least mabango na ako ngayon.
"Kain na tayo Hya." agad niya akong inaya.
"Teka lang, iaakyat ko lang to..." sabi ko sa kanya.
Pagbaba ko after 10 minutes. Hindi pa rin kumakain si Aric. Naka antay din si Tita kasama niya sa mesa. "Hya, kumain na kayo...hindi na mainit ang kape." tumayo siya at pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfiction"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...