Kabanata 30

7.6K 179 18
                                    

Kabanata 30

Request

Namamaga ang mga mata ko nang magising kinaumagahan. Nag-ayos na rin ako para bumaba at sumabay sa breakfast pero what shocked me the most is when I heard my mother's loud voice and cry while they're talking to the Dela Vega's in our living room.

Pupungas namang lumabas si Kali mula sa kwarto. Mukhang hindi man lang ako napansin dahil kaagad itong pumatikar pababa at dinaluhan si Mama at Papa.

"Anong nangyayari rito?" Mariing tanong ni Kali habang nakayakap kay Mama na umiiyak.

Mabilis akong bumaba sa hagdanan at dinaluhan sila. Hindi inalintana ang pamamaga ng mga mata just to be with my parents.

"Oh, the two young ladies are already here. Where's the eldest one?" Nakangising sambit ni Tito Chad habang si Jared ay prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa't gustong gusto ang nasasaksihan.

Binalingan ko si Papa. Guilt is written on his face. Naguguluhan ako pero napailing na lang ako nang magtama ang mga mata namin. Because I know he disappointed this family.

"Papa, bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Kali, naguguluhan sa sigaw kanina ni Mama na ngayon ay tahimik na't umiiyak.

"Sa kanila na ang resort, mga anak." Mahinang tugon ni Papa dahilan nang pag-awang ng labi ko.

"What?" Sigaw ni Kali habang masama ang ipinupukol na tingin ngayon sa dalawang lalaking gumambala ng pamilya namin.

"Papa, paano nangyari iyon? Anong ginawa mo?" Tanong ko, bakas ang pagmamakaawa sa kanya.

Tumingin si Papa sa akin, maging kay Kali sabay umiling. Wow! Hindi ako makapaniwala. Ano bang nangyayari sa pamilya namin? Bakit ba nagkaganito? I thought all of this is finally over! Masaya na si Ate, okay na ang lahat... everything and that includes my family pero ngayon, ito? What the hell? Lahat na lang ba'y poproblemahin ko? Nakakapagod na, e! Pagod na pagod na ako.

"Here's the contract they agreed." Sabi ni Jared sabay abot kay Kali ng isang brown envelope pero mabilis niya iyong itinapon sa kung saan.

"Stop lying! Hindi ako maniniwala riyan!" Galit na sigaw niya kay Jared na nag-abot ng envelope.

Niyakap ko naman si Mama ng mahigpit habang sinasambit kung bakit ganito ang nangyayari. God, my mom is crying. And it hurts the hell out of me.

"Then don't believe. But your father told you, the resort is ours." Matapang na sabi ni Jared.

"Hush, Mama. Please... stop crying." Pang-aalo ko habang nakikipagsagutan si Kali sa pamilyang Dela Vega.

Nalaman ko namang dahil iyon sa hindi pagpapakasal ni Ate kay Jared. May kasunduan doon. Nakapaloob na kapag hindi nagpakasal si Ate, kukunin nila ang resort... and that contract is bullshit! Ano bang katangahan ito? 

Kinabahan ako nang mamataan si Ate na pababa ng hagdan. Mabilis dumalo sa aming lahat. Tumingin naman ako kay Kali na mukhang nabigla rin.

Nagtatanong na rin siya kung anong nangyayari pero walang ni isang nagsalita sa amin. Maging ako'y tumahimik na lang dahil ayokong masira ang kasiyahan niya. Ayokong banggitin mula sa labi kong katapusan na ng kasiyahan niya dahil sa dalawang Dela Vega na nasa pamamahay namin.

"I'll prepare the wedding then." Nakangising sabi ni Jared na parang nanalo siya sa apoy na nilaro niya.

"Ako na." Walang emosyong sabi naman ni Ate.

Pinalayas naman niya ang dalawang Dela Vega kalaunan. Hindi ko na rin naintindihan ang pinag-usapan nila dahil inaalo ko si Mama. But I'm sure for one thing, she will marry Jared. And damn her for accepting it just because of this family.

Paint His Heart (Acosta Sisters Series #2)Where stories live. Discover now