Kabanata 32

7.3K 176 11
                                    

Kabanata 32

His Love

Narito kami ngayon sa Nasugbu, Batangas dahil ngayon ang opening ng bagong resort ni Ate at Marcus na pinangalanan nilang Fluctus Miraculos Beach Resort. Katatapos lang ng opening pero bago iyon ay nag-propose muna si Marcus. And I'm so proud he made a good decision. He did a very good job. He finally proposed to Ate kaya masayang masaya ako para sa kanila. Right this moment, they will finally reach their happy ending.

"I'm so happy for you, Ate! Finally, you'll be happy for the rest of your life with the man you love." Sabi ko nang makalapit sa kanya.

Abot abot naman ang ngiti sa mga mata niya sa sobrang saya niya.

"Thank you so much." Aniya sabay niyakap ako ng mahigpit na masuyo ko namang sinuklian. "Kayo ang nandyan palagi sa akin whenever I'm so tired of my life. Hindi kayo sumuko sa amin ni Marcus. Nanatili pa rin kayo sa relasyon namin until the end kahit na ako, ako mismo ang dapat lumaban ay pinanghihinaan pa ng loob kaya sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sa inyo ni Kali at Kaia." Pagpapatuloy niya habang yakap yakap pa rin ako.

Natawa naman ako't kumalas mula sa yakap niya. I held her hand and squeezed it lightly.

"No, you did the right thing Ate. You just proved na kahit anong mangyari, hindi mo kami kayang talikuran. You're willing to gave up your happiness just for family, just to protect us. That's bravery, ate at hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mong iyon." Nakangiting sabi ko.

Nakarinig naman kami ng tikhim kaya nabaling doon ang atensyon naming dalawa. Napatawa kami nang mamataan sina Marcus, Kali, Kleo, Kaia at Falcon palapit sa amin.

Mabilis namang kinabig ni Marcus ang bewang ni Ate sabay pinatakan ng halik sa labi kaya napangiti na lang ako.

And when I roam around my eyes, damn, looks like I'm the only single here. Lahat sila may mga partner, grabe. This is embrassing.

"You want that too, honey?" Nakangising tanong ni Kleo kay Kali.

"Subukan mo, Kleo... kamao ko ang tatama sa labi mo." Mataray na banta niya kaya natawa kaming lahat sa bangayan nila.

"So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ko sa mag-fiance na nasa harapan.

Nagkatinginan naman silang dalawa, nakangiti sa isa't isa, halata ang saya sa mga mukha nila.

"Well, I want a grand wedding for Laine. So, I think there's a lot to prepare. Right, baby?" Sagot ni Marcus at napatango naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Hindi naman kailangan ng grand wedding. A simple wedding will do. Sapat na sakin na naroon lahat ng mahal natin sa buhay." Pagrereklamo ni Ate habang nakakunot ang noo.

"Friend, after those incidents happened na halos hindi na kayo magkatuluyan ni Marcus, dapat lang yan 'no! Nang sa gayo'n naman ay maipaglandakan ni Great Engineer Marcus Salazar Villamor na asawa ka niya!" Singit ni Kaia sabay irap.

"Babe..." Mahinang saway ni Falcon sa asawa.

"Basta dapat lang iyon!" Giit pa niya.

Natawa naman ako at tumango na lang sa hinaing ni Kaia. Napaka-initin kasi ng ulo niya palibhasa buntis.

"Well, I agree with Kaia." Nakangiting sabi ko. Nakita ko naman ang pagkislap ng mata ng buntis sa sinabi ko kaya malapad siyang ngumiti sakin.

Samantalang si Ate naman ay wala na ring nagawa dahil tumango na lang siya pero mukhang pinapagalitan na niya si Marcus, pabulong nga lang.

Dumating naman ang mga magulang namin at kinaon ang mag-fiance. Kailangan kasi nilang i-approach ang mga narito. Yong iba, willing na agad mag-invest sa resort kahit noong hindi pa ito nabubuksan kaya alam kong magiging matagumpay talaga ang resort nila.

Paint His Heart (Acosta Sisters Series #2)Where stories live. Discover now