Kabanata 38

6.9K 167 4
                                    

Kabanata 38

Life

Apat na buwan ang nakalipas simula nang lumipat ako rito sa London. So far, my stay here was good. Hindi rin ako hinayaan ni Alvaro na magtrabaho dahil hindi ko na raw iyon kailangan but I still insisted. Hindi ko naman kayang tumigil na lang sa loob ng bahay, walang ginagawa. That's a lot more stressing kaya nagmakaawa talaga ako sa kanya. Luckily, he agreed with it. Though he's not conviced until now dahil maaari raw akong mapagod, pinakita ko na lang sa kanya na kaya ko at masaya ako sa ginagawa.

But I'm not working full time. I'm just a freelancer. Kapag may offer ang company sa akin, tsaka lang ako magkakaroon ng pagkakakitaan. But it was nice naman kasi nitong nakaraang buwan, nakadalawang kontrata naman ako and both company are satisfied with the outcome of my work.

Mabuti na nga lang at mababait ang mga tao rito dahil sila na ang kusang nagre-refer sa akin dahil sobra silang na-satisfied. Many of them offered me a stable job at kahit gusto kong i-grab ay hindi pwede dahil buntis ako't gusto ko rin namang maging healthy si baby.

But I told them na kapag nanganak na ako't kinailangan ko ng trabaho, I'm willing to apply a work from any of them. So, the only thing they can do to me is to refer me to other clients para magkaroon ako ng income which is a very big help for me.

Alvaro on the other hand, he's now managing his established restaurant here at siya rin ang head chef noon. Well, it was very successful, I can say that kaya masaya ako para sa kanya. Natupad na rin niya ang pangarap niya sa wakas. Isa pa, nagkatotoo na rin ang kahilingan ko na sana magkaroon na siya ng girlfriend na mamahalin niya at mamahalin siya. So, after being inlove with me, he managed to move on at dahil iyon sa naging kaibigan kong si Neesha na anak ng una kong naging kliyente rito. Naging ka-close ko kasi siya dahil minsang inutusan siya ng daddy niya para kunin ang blueprint sakin para sa itatayo nilang bahay dito. Parang kalilipat lang din nila noong makarating ako kaya wala siyang kaibigan. So yeah, it happened we are both Filipino so we became close. With that simple chitchat we shared for the first time, naulit ng naulit ang pagbisita niya kahit na parati niyang iniinis si Alvaro. Naging aso't pusa rin kasi ang dalawang iyon dahil palagi silang nagtatalo over petty things hanggang sa hindi ko naman namalayan na nahulog na silang dalawa sa isa't isa.

And because of Neesha's curiousity in my life, on how I ended up being here, pregnant with someone, I told her about my life dahil mapagkakatiwalaan ko naman siya.

For almost four months we've been friends, hindi talaga siya mahirap pakisamahan dahil sa sobrang friendly at daldal niya. She's the only one who keeps pushing me for Kenzo kahit na sinasaway siya ni Alvaro. Siya lang ang kabukod tanging naniniwala na mahal ako ni Kenzo but I refused to believe that. Ayoko na rin kasi tsaka kuntento na ako sa buhay ko ngayon.

Natutuwa rin ako kay Austin at kay Jo dahil nagiging mabuti na talaga ang pagsasama nila. Sa palagay ko nga naging tulay din ako sa kanilang dalawa. Isang beses sa isang buwan ang pagdalaw nila sa akin kaya masayang masaya ako na hindi talaga nila ako pinapabayaan.

I'm very thankful with my friends. Masaya ako sa para sa kanila. Soon, I will also be happy. Limang buwan na lang, manganganak na ako. Hindi na nga ako makapaghintay.

"We're here!" Maligayang salubong ni Neesha habang may dalang cheesecake sa kamay niya.

Nagulat ako sa biglaang dating nila. Narito kasi ako sa may veranda, nagpapahangin. Hindi ko naman namalayan ang sasakyan ni Alvaro na pumarada sa tapat ng bahay dahil sa mga iniisip ko.

"You're both here early? Tapos na kaagad ang date niyo?" Nakangiting tanong ko habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Umupo si Neesha sa tabi ko at mahigpit akong niyakap sa tagiliran. Napatawa naman at napailing si Alvaro sa ikinilos ng kasintahan.

Paint His Heart (Acosta Sisters Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt