Chapter Five

14 0 4
                                    


Sharry's POV

A week after my arrival, agad akong nag-enroll sa South Ville International School o SVIS. At mukhang hindi lang ako ang bago. Pagdating ko kasi sa Principal's office may apat pang babae na pumipili ng uniform.

They all looked like my age. May isa na may straight light brown hair (Ynna), there's also one with straight short chocolate hair (Sam), one has curly black hair (Aubrey), and the last one has long wavy black hair (Wendy).

Thr last girl caught my attention, obvious na hindi pure Filipina, blue kasi mga mata nya.

"Ah! Ms. Montrcarlo, andyan ka na pala." may babaeng lumapit sakin at nakipag shake hands. "I'm Faye Sanchez-Lagdameo. I'm the Principal. Welcome to SVIS. Your father has told me a lot of things about you."

"Hello din po. And I hope what he said were all good things."

"Wag kang mag-alala." she smiled. "You're all here. Please take a seat in the couch."

Umupo kaming lima sa couch. Principal Lagdameo stood in front of us and handed us a piece of paper.

"In the paper are your subjects and schedule. Also your locker number." she scoffed. "Now, you will all be placed to Class 3-A, considering your grades in your last school. Tomorrow, you are prescribed to wear the school uniform, ID and badge. Is that understood?" tumango kami. "You may go now."

Lumabas kami ng office. Napansin ko na hindi dila umalis. Teka,

"Does anyone know where Class 3-A is?" tanong nung may blue na mata.

"Maglibot nalang tayo. We might get lucky." saad ko.

Nagsitanguan sila. Matapos ang ilang minuto, natagpuan namin classroom namin. We had a few bad turns and dead ends, pero nahanap din namin. Nasa third floor pala ang third year and fourth year classrooms.

Pagpasok namin sa room, all eyes were on us. Well, we were late after all and we haven't wore our school uniforms yet. Naka-sibilyan pa kasi kami.

"You must be the new students?" tanong ng teacher.

"Ay? Di obvious." bulong nung may maikling buhok. Siniko ko sya. She glared at me, but I just shrugged.

"Yes Ma'am." sagot nung may light brown hair.

"Bakit late kayo?"

"Naligaw ho kasi kami." sabi ni kulot.

"Hmm, ganon ba. Introduce yourselves, what school you came from and it's address."

Umuna yung may maikling buhok. "Samantha Kierstine Montecillo. Greenhills Academy. Quezon City."

"Aubrey Sienna Fortalejo. Same school." they're from the same school? They transferred together, friends siguro sila.

"Ynna Quintisha Villarama. Lee Shin Academy. Seoul, Korea." narinig ko ang paghanga ng mga estudyante. Hindi lang pala ako ang balik bayan.

"Wendy Alexandria Bezarius. Hathaway Academy. New Orleans, Lousiana, USA." mahaba-haba din pangalan nya. And she's from America too.

"Sharesca Monique Louise Montecarlo. Goode Private High School. Queens, New York, USA."

The teacher told us to take our seats. Saktong sakto, may limang bakanteng chairs sa likod. Naunahan nga lang ako nung Wendy sa pwesto sa bintana.

When recess came, agad na naka jam ang tatlo-- Sam, Aubrey and Ynna, sa ibang mga estudyante. Si Wendy naman, nasa upuan nya parin, natutulog. May nakasaksak na headset sa tenga nya. Napansin kong napaka tahimik nya. Sa klase nagsasalita lang sya kapag tinawag ng teacher. Pag tinatanong mo naman, napaka tipid ng sagot.

Napansin kong may lumapit na isang babaeng may mahabang itim na buhok, sa akin. Napakaputi nya, and she looked maarte.

"Sharry right?" tinaasan ko sya ng kilay. "Jane Garcia. Sinabi ng daddy ko na kaibiganin ka daw. Kaya naman, I can welcome you in my clique."

Masama pakiramdam ko sa kanya. But, dad mentioned last night na kaibiganin ko daw tong babaeng to.

"By the way, these are my friends," she motioned at the four girls behind her. "Ella, Claire, Jessa and May."

They smiled at me. Plastic. Kaya naman, plastic din yung binigay kong ngiti.

"Thank you for the offer. Pero pag-iisipan ko."

"Suit yourself. Let's go girls." umalis na sila.

Gustong ipakaibigan ni daddy sakin ang babaeng yun? Eh first time ko palang syang bakita masasabi kong she's such a-

"Bitch?" nakita ko si Wendy na nakatutok sakin. Wala man lang syang ka-emo emosyon.

"Kinda Bratty too." nilingon ko naman si Ynna.

"You're both right." ang sabi ko.

Wendy's POV

Okay na din ang SVIS. Kaya nga lang, my body craves action. Hindi narin ako nakipag jam sa mga bago kong kaklase. Before ako nag-enroll, I've decided na hindi ako makikipagkaibigan on the duration of my stay. Mahirap na. I prefer being alone and all that shenanigan pa naman din.

At lunch, I found an empty table in the cafeteria at dun kumain. Okay na sana eh, kaya lang biglang nagsidatingan yung mga kasabay ko ng transfer.

Unang dumating si Sam. "Hi. Pwede maki-share?" at umupo sya.

"Eh umupo ka na eh. May magagawa ba ako?" asik ko.

"Sus."

Maya-maya, dumating si Sharry. "Hi girls. Pa-upo ha?"

"Edi maupo ka." sabi ni Sam.

"Wag kang rude Sam." saad ni Aubrey at umupo katabi ko.

"Uy! Paupo." sabi rin ng kakarating na si Ynna.

Nagsimula silang mag-usap, maliban kay Sam at Aubrey. My intuition tells me there's some sort of bad blood between the two. And my intuition had never been wrong.

I just watched them talk and be acquainted with each other. There was some sort of feeling surfacing within me, pero nawala rin naman agad.

"Ang tahi-tahimik mo, alam mo yun?" biglang tanong ni Sharry.

"I like being silent. Tsaka, I like observing people." sagot ko.

"Hmm. Ganon ba?"

Binalik nya atensyon nya sa apat. Okay na sana eh, may epal lang na dumating.

TBC

##########

Hello everyone! Thank you for reading my story!!!

Mag h-hi na din ako sa best friend kong nagbabasa nang story na to... Ahahaha!!!! You know who you are...

xoxo,
Niche Bezarius

HoneylettesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora