Chapter Six

9 0 1
                                    

Fulfilling a request for a dear friend/reader...

Here you go...

##########

Aubrey's POV

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Ynna, may limang babaeng pumunta sa table namin.

"Would you look at that. The transferees are swarming together." saad nung Jane, sya yung leader. I think. "Sharry dear, you're better off with us. We are the reigning girls here dear. Gugustuhin yun ng daddy mo."

"Oo nga. Jane's the queen bee here you know." sabi naman nung Claire. Napansin ko namang ang sama ng tingin ni Wendy sa kanya.

"Alam mo Jane," tumayo si Sharry. "Nevermind nalang sa offer mo. My dad may wanted me to be a somebody here, but I don't think he'll want me to be a bully. Kaya naman, you can go Jane."

Na speechless si Jane at nag walk-out. Sinundan sya nung mga kaibigan nya.

"You're on fire girl!" pumalakpak si Sam.

Kinagabihan, during dinner, ako lang mag-isa ang kumain. Nasa isang business event si papa. Gusto nya daw magbago, pero wala naman syang ginagawa para mag-bago. Hahay...

Pagkatapos kumain, nag tambay ako sa garden. Maganda view dito. Napansin ko namang may ibang tao. May naka upo sa isa sa mga benches, nag-d-drawing.

I snuck behind the person and saw the amazing drawings. It was mostly black and white. Monochrome lover? Pero ang gaganda.

"Wow." sambit ko.

Natigilan sya at biglang tumayo. Unti-unti syang lumayo. Fear was evident in his eyes.

"Lalake." I said coldly. I hate boys. Mapaglaro sila. Nang-iiwan sila.

"B-b-babae." sambit nya. Biglang may lumabas na dugo sa ilong nya at nawalan sya ng malay.

"Uy!" nilapitan ko sya at tinusok pisngi nya, pero hindi man lang nagising. Problema nito?

"Ma'am Aubrey." tawag ni Nanay Nilda, maid ni papa. "Pasok na po- Hala Sir Vincent!"

Agad nyang nilapitan ang lalake at yinugyog.

"Sino sya Nay Nilda?" tanong ko.

"Ampon ng tatay mo. Kakabalik lang nya galing Italy." may tinawag sya. "Andres, dalhin mo si Sir Vincent sa kwarto nya. Nahimatay na naman. Nakalimutan atang sabihan ni Sir Arnold na dumating anak nya."

Dinala ni Mang Andres yung Vincent-guy sa itaas at sinundan ko si Nanay Nilda sa sala.

"Anyare dun Nay?" tanong ko ulit.

"Ganon parati yung si Vincent. Takot kasi yun sa mga babae. Lalo na sa mga teenagers na babae. Gynophobia ata tawag dun. Yun sabi ng Daddy mo eh." sagot nya. "Sige hija puntahan ko lang. Pag nagka ganon yun may iniinom yung gamot."

Ampon ni papa. Na may takot sa babae? Man hater ako pero this is just so... Interesting. Capital para nice.

Sharry's POV

Sermon. Yeah, yan ang bungad ni daddy sakin.

"Sharesca! Didn't I tell you already na kaibiganin mo ang anak ni Mr. Garcia?" he yelled. "That would've solidified our company's relationship with theirs."

"Dad, she and her group are bullies. I hate her kind. At isa pa, ikaw ang investor nila, sila dapat maghabol sayo. Not the other way around." sagot ko.

"Shar, wag ka nang sumagot." bulong ni Kuya JR.

"Jeremy, wag kang maki-alam." sita ni dad. "Sharesca, pag sinabi kong kaibiganin mo si Jane, kaibiganin mo."

"No! Iba ang gusto kong maging kaibigan dad! I just met them and they're way better than Jane and her clique!" nataas ko ang boses ko. Nakaka-irita na kasi eh. "Why are we even arguing about this?"

"Sharesca, I just wanted what's good for you."

"Then let me choose my own friends." I said with a pleading voice.

"Ayokong maligaw ka ng landas."

"Mom would've let me." was the last thing I said and headed upstairs.

I lay down my bed and hugged a comforter.

As you've guessed, wala na mommy ko. She died because of breast cancer three years ago. I was so devastated at that time. Si mommy lang kasi kakampi ko sa lahat. Kami yung magkasama sa America.

Sya yung nag-udyok sakin na to listen to my heart daw. That don't let anyone decide for you. And that's exactly what dad is doing, opposite of everything she said.

"I miss you mom."

Umagos ang luha galing sa mga mata ko. I love my mom. So much.

Biglang bumukas ang pinto. I felt someone sit on my bed.

"Princess I'm sorry. I shouldn't have yelled at you." sabi ni dad. "Wag ka nang umiyak, please? Ayaw kong nakikita kang umiyak. Your mom wouldn't like seeing you cry either."

Hinaplos nya ang buhok ko. "Fine. Ikaw pumili ng friends mo. If you think Jane's not a good friend for you, then it's fine with me. Basta wag ka nang umiyak."

I looked up to him. Pinahid nya luha ko.

"Really? Hahayaan mo ako?"

"Yeah. Basta ba, they're good influence sayo. And good people too."

"Thank you dad!" hindi ko mapigilang e-hug sya.

"Anything for you Princess. Now let's go eat dinner, shall we?"

Tumango ako. First time na pinayagan ako ni daddy na makipagkaibigan sa iba. Yung mga kaibigan na hindi sya ang pumili. Sana magtagal-tagal na 'to.

##########

Hello guys!!!! How do you like my story so far??? Aantayin ko responses nyo!!!

Warning: Dahil busy at masyadong tamad si author, random ang update ng stories... 😉

Lots of love,
Niche Bezarius

HoneylettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon