Chapter 5

112 5 0
                                    

🌹🌹🌹

It's Friday kaya may club meetings kami and we only meet once a week. I belong to the theater club and the club president is currently assigning roles for the play for the foundation week that will be happening 3 months from now. I was supposed to be the club president pero syempre, I declined. Wala akong powers!

Ang foundation week ang isa sa pinakamalaking event ng school. Allowed kasi ang mga students from different schools na pumunta dito and it lasts for weeks. But of course, dagdag trabaho na naman for the student council. Lalo na sa'kin kasi marami ang inaayos. Pero as of now, hinga-hinga muna kasi wala pa.

"Alysson?"

Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Beth. Binabasa ko kasi ang script.

"Yes?"

"Can you do the lead?"

Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya.

"Ah...lead what? Prayer?"

Maang-maangan kong sabi, i think i already know kung saan 'to papunta.

"Sira, the lead role of course."

"Um, ano...I don't think I can, eh."

"Luh, kaya mo! Ano ka ba?"

Anak ng---tinanong niya pa ako niyan. I sighed at binigyan siya ng nakakaawang mukha.

"Beth, huwag na ako. Spare me please. Also, parang kaya mo namang gawin iyan kaya ikaw nalang."

"Ly, tutulong akong mag-direct so mahihirapan ako. Ikaw nalang, bagay sayo promise. When I read the script ikaw agad pumasok sa utak ko for the lead. Sige na please? Last year na natin dito grab mo na!"

Ayoko lang talagang gawin kasi matatambak ako sa mga gawain ko!

Parang nagmamaktol pa talaga si Beth habang pinipilit ako. She's doing mini jumps, parang yung ginagawa ng mga bata kapag may gusto sila at ayaw ibigay ng magulang. Bakit ba gustong-gusto niya na ako ang gumawa.

"Beth naman eh. Hindi ka ba nagsasawa? Ako yung lead last year. Bigyan mo naman ng chance yung iba." Ngumuso siya at umupo sa table.

"Second lead ka non! Tsaka ubos na yung mga role, milady. As you can see, ang lead nalang ang walang magpo-portray. Sige na kasi!"

"Liar."

She chuckled a bit. Meron naman talaga extra diyan. Ako lang talaga ata gusto niya. I sighed and glanced at the paper I'm holding which contains the script.

"Fine." she smiled widely "Pero! Pag-iisipan ko. Student council officer ako, Bethany!" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Kaya iyan."

Sakto at nag-bell na hudyat na uwian na. Binilinan pa ako ni Beth na simulan ko na daw basahin ang script at i-familiarize.

"Shuta ka, pag-iisipan ko pa hoy. Feeler neto."

"Di ko narinig." sabi niya saka tumawa.

Siraulo din yun. Sinasadya niya ata 'to eh. Paglabas ko ng clubroom, nabigla ako kasi nakaabang na agad sina KAT at Violet.

The Rose among the Thorns (Rose #1)Where stories live. Discover now