YULSIC 8

424 14 0
                                    

IRENE's POV

I never thought na si Seulgi ang maghahanap sa akin, syempre nilayuan niya na ako. Tapos magugulat nalang ako na siya yung nasa tabi ko kagabi habang nageemote ako.

Ang inaasahan ko talaga hahabol sa akin si Appa, Sobrang protective niya sa akin. Siguro hanggat hindi ako nakakatapos ng pagaaral hindi niya ako hahayaan na magkaboyfriend.

Speaking of, Hindi ko naging Boyfriend si Sehun. M.U lang, kasi nga ayoko pa talaga. Ayoko suwayin sila Appa and Umma.

Tapos ayun, tumigil na siya kasi wala naman daw siya mapapala. Then nilapag niya yung 20,000 KRW sa desk nung isa namin classmate, sa harapan ko pa niya ginawa yun.

Sobrang sakit lang! Akala ko totoo, yun pala laro lang ang lahat.

Tok tok tok!

"Come in."

Bumukas yung pinto at iniluwa si Aunt Soojung, siya yung little sister ni Aunt Sica. Then asawa siya ni Uncle Yoong, ang ganda kaya ng pamilya nila. Anak nila si Yerin na ang cute cute kaedad siya ni Eunbi.

"Hi Irene." Bati niya sa akin.

"Hi Auntie."

"Pinapababa kana ni Tiffany Unnie. Breakfast na daw."

"Sige po, Baba narin po ako."

"Osige, Sunod agad ha."

Then lumabas na siya ng kwarto ko, nagbihis pa ako nakaPJs pa ako.

Nagpalit ako ng short at nag seethrough na pangtaas, sexy naman ako at confident ako.

Lumabas na ako at pumunta kung nasaan sila, saan paba edi sa may tabing dagat. Kaaga aga mga nagtatampisaw.

I wanted to be a singer, just like Appa and Umma but they don't want to. Gusto daw nila na maranasan ko mabuhay ng normal yung walang sumusunod na camera. Gusto nila magkaroon ako ng tahimik na buhay.

Ayaw daw nila na maranasan ko yung naranasan nila.

Bakit ko ba bigla nagkwento ito? Eh kasi nakita ko yung mga ngiti ni Appa and Umma na kahit tignan mo lang sila alam mong masaya na sila sa meron sila.

Kaya kahit gusto ko maging idol, ginive up ko na para sa kanila.

"Noona!" Tawag sa akin ng alien kong kapatid.

"Bakit Taehyung?"

"Laro tayo, pinapatawag ka ni Seulgi Hyung!" Tapos tumakbo na siya papunta kung nasaan sila Seulgi.

Binabalik na ba talaga niya yung dating siya?

Nevermind. Naglakad na ako papunta sa pwesto nila at pinanuod ko lang sila na gumawa ng sand castle.

Nakakatuwang panuorin na nagkasundo na ulit ang lahat, at ang gandang tanawin na makita ulit ang mga ngiti niya na nagustuhan ko noon.

"Oh, teka kayo muna gumawa jan ha." Pagpapaalam ni Seulgi sa kanila.

Nagsitanguan naman sila at pinagpatuloy yung sand castle na ginagawa nila.

"Kanina ka pa?"

"Hindi. Kararating ko lang."

Nagnod siya at naupo sa tabi pero humiga din agad, oh my gee. Kahit paano may abs na si Seulgi, ang bata niya pa ang hot niya na.

Sinusundan niya ba yung yapak ng kanyang Appa, isa pa kasi si Uncle Yul ang laki ng katawan. Akala mo pinaglihi sa gym.

"Okay ka na ba?"

"Hhmm."

"Kumain ka na ba?"

"Hhmm."

"Nakatulog kaba ng ayos?"

"Hhmm."

"Hanggang mamaya ba puro ka hhmm?"

"Hhm- este, hindi."

Tumawa naman siya bigla dahil sa sagot, may nakakatawa ba? Baliw na ba siya? Hindi naman yun yung pagbabago na gusto ko para sa kanya. Gusto matino parin.

"Sabi sa akin ni Uncle Taeng, Okay lang daw sa kanya kung may something tayo."

"Huh!?" Muntik ako masamid kahit wala ako iniinom sa sinabi niya.

"I know nakakagulat. Pero sinabi ko na walng meron sa atin."

"Hoy! Mamaya na kayo magdate dyan! Kumain muna kayo!"

Napalingon kami sa sumigaw at nakita si Uncle Soo na katabi yung ibang Uncle at si Appa, nakangiti pa sila sa amin.

Paano naman naging date ito ha?! Eh may kasama kami sila Tae...... Wala pala.

Nakatayo ako sa tulong narin ni Seulgi.

"Seulgi, bumabalik ka na ba talaga sa dati?"

"Before I answer that question. Naging kayo ba ni Sehun?"

"Ha? Hindi ah! MU...."

After nun, Hindi na siya nagsalita at naglakad na papunta sa cottage namin. Para lang siyang si Aunt Sica. Si Aunt Krystal kasi mild lang.

Okay, don't tell Aunt Sica na sinabi ko yan ha. Malalagot ako, at malalagot kayo sakin.

Minsan ewan ko ba kung may saltik itong si Seulgi minsan okay minsan hindi minsan hindi mo talaga alam.

"Noona!"

Napalingon ako agad doon sa tumawag sa akin at nakita si Jimin na patakbo papunta sa akin.

"Noona, for you!" Then inabot niya sa akin yung flower na hawak niya.

"Thank you, Jiminie." Natutuwa kong sabi.

"Noona, pag lumaki pa ako lalo kasing laki ni Appa. Liligawan kita ha!"

"Loko ka talaga Jimin. Tara kumain na tayo doon."

Hinila ko na siya para makakain na kami kahit medyo nagmamaktol siya kasi di ko pinansin yung sinabi niya.

Si Seulgi ayon ang sama nanaman ng tingin sa akin, ano nanaman ginawa kong mali? Alam mo yung parang ang hirap gumalaw sa harap niya kasi parang bawat kilos ko mali. Daig pa meron e!

"Akala ko ba si Seulgi? Eh bakit anak ko ang kaholding hands niya?" Nagtatakang tanong ni Uncle Hyo kaya bigla kong binitawan kamay ni Jimin.

"Ha Uncle?! Anong Seulgi?"

"Wag mo pansinin yan Irene may sapak yan e. Alam mo naman utak ng Uncle mo."

"Hoy Sooyoung! Tantanan mo ko ha."

Tumawa nalang silang lahat pero si Seulgi ayon poker face at walang karea-reaksyon sa mga pinaguusapan namin.

Kaya hinayaan ko nalang, kumain na ako kasi wala naman ako mapapala kung iisipin ko pa yung dahilan bakit siya nagkakaganyan.

"Irene, kita tayo sa tabing dagat mamayang gabi."

---

Hi Sorry! Sobrang busy ni Author. Sana hindi kayo nainip magantay! Sorry talaga super!

Power of LoveWhere stories live. Discover now