Chapter 06: *The Hater's EX*

6.8K 111 5
                                    

Chapter 6: *The Hater's EX"

 

Ace's POV

"Woah! Dude, chicks naman pala yung Alexander ba yun? Yung hater mo," sabi ni Sun.  "HAHAHA! Dre, baka number 1.....hater?" tawa naman ni Cloud. 

"Tinulugan niya tayo kanina, kakaiba talaga. Pero dude, di ka ba naiinis sakanya?" tanong naman ni Jeff. Inilagay ko ang kamay ko sa noo ko, at sumampa sa sofa.

"Uhh--Oo, nakakainis siya" sagot ko at tumungga ng root beer sa 1.5 bottle. "May nararamdaman ka bang hate?" napalingon naman ako kay Sun na nakalagay ang kamay niya sa may baba niya na parang nagiisip. Wow! That was new, nagtatanong siya at seryoso siya..

Ginaya ko siya at sumagot agad "Sino bang di maiinis sakanya? Halos isumpa ka na." napakamot na lang ako sa ulo ko. "Hindi naman."

"Naalala mo pa ba yung umuwi ka ng basa?" tanong jnaman saakin ni Cloud, naalala ko tuloy yung inis na inis ako. Habang yung mga babaeng fans ko ay tuwang tuwa dahil wet look ako, bigla ba namang may lumipad na water balloon sa mukha ko non! 

"Hay, alis na ako." paalam ko habang sinusuot ang jacket, cap at sunglasses ko . "Ohhh, ba't ka aalis agad?"

"Baka naman dahil sa Alexader niya?"

"Oo nga. Ano ba yan, nagka girlfriend lang, kinakalimutan na tay----ARAY!"

"Tumigil ka nga! Ang OA niyo kamo, para kayong t-anga!" natatawang sabi ko, pineltokan ko kasi si Cloud, nagdrdrama nanaman.

Nagtawanan sila except kay Jeff. "Sige na nga, mag gagabi na rin naman kaya umuwi ka na, wag kang mag ingat wahahaha!"

***

"SH*T! Mamatay ka na!" ayan ang unang narinig ko pagkatapos kong isara ang pinto. Madilim sa loob ng bahay at ang liwanang lamang ay ang nanggagaling sa television namin na nakabukas. Madilim pero kitang kita ko agad si Dominic, kahit madilim kitang kita talaga... Paano ba naman kasi ang ingay ng babaeng 'to, naglalaro siya ng XBOX mag isa. 

"Wooooh! Weewooo," wala pa siyang kaalam alam na nandito na ako sa likod niya, hay. Busy siya sa paglalaro ng . WWE 13. Yung laro na wrestling.

"Back breaker!" naka-focus talaga siya sa harap ng television, tumabi ako sakanya at nag de quatro. Grabe pala 'tong babaeng 'to, napaka... amazona.

Alexander Dominic's POV

"Nakakainis naman 'tong larong 'to! Lagi akong nanalo." sabi ko at binato ang controller. Napatingin ako sa paligid ko, gabi na pala. It's 11:54 pm na pala.. Wala pa rin si Alie---

"Ehem," napatalon ako dahil may katabi pala ako, dahil sa gulat ko bigla akong bumaligtad sa sofa at nahulog ako!

"Yan! Yan ang napapala pag di nagbubukas ng ilaw." binuksan niya ang ilaw, "Ilaw ilaw din pag may time ah?" nakangiting sabi niya. Pero imbis na mangiti ako dahil sa ngiti niya, malamang! Maiinis ako, para niya akong binababa sa tingin niya, nakaka hay! Nakakainis talaga.

Kinuha niya yung kumot na nakabalot saakin at hinila. "Ano ba!" sigaw ko, "Umakyat ka na kaya?" 

"Maglalaro pa ako eh." sabi niya at kinuha ang isa pang contoller. "Tsss, ako kaya ang naglalaro!" agaw ko sakanya sa hawak niyang contoller.

Akala niya huh! "Anong ikaw? Akin kaya 'to." turo niya sa Xbox.

"Eh, ako pa rin ang nauna no!" 

bumuntong hininga siya. Sign as a defeat, defeat nga ba? "Ganito na lang, mag laro tayo.. PvP wahaha! tapos.." 

"tapos ano?" pabitin effect pa kasing nalalaman 'tong Alien na 'to! ANg daming alam, asan na ba kasi si Ate Aril? Para di na ako magiisa kasama si panget.

The HaterWhere stories live. Discover now