Chapter 17: *Silent Heartbeats*

5.6K 94 31
                                    

Chapter 17: *Silent Heartbeats*

Alexander Dominic's POV 

Masaya at marumi kaming lumabas ng 'Award Wieners:Luxury Buffet Restaurant'  

Nandito na nga kami sa tapat ng bahay ni Alien. Bumaba kami isa isa, niyakap ako ni Magiee para magpaalam. 

"Grabe! Ang lagkit mo na Alexy!" natatawang sabi ni Maj.  

Napairap ako, at ni-head to foot siya.. "Ano ka pa?" 

"Ano ba yan! Ipapa-linis ko pa yung sasakyan bukas para hindi langawin at langgamin!" nakatingin saakin si Cloud habang sinasabi yan. 

"So...ako pa ngayon ang may kasalanan, nag enjoy rin naman kayo ah!? Nakisali rin kay--hmmp!" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may tumakpan sa bibig ko. "Tumigil ka na nga, Dominic. Nag enjoy yang mga yan, tignan mo ngiting ngiti kahit napalabas na ng restaurant!" sabi ni Alien. Titigil na nga ako eh! 

"Ace, pera?" inilahad ni Cloud ang kamay niya kay Alien na para bang may hinihingi. "Ano? Bakit?!" inakbayan ako ni Alien pero hindi ako umangal. Bahala na. "Kayo naman nagsimula ng food fight. Kaya kayo ang magpalinis!" 

"Luh! Walang ganyanan!"  

napansin kong nawala si Cloud. "Asan si Clou-" 

Lahat kami'y napatingin sa sasakyan kung saan ako dati sumakay nang ito'y bumusina. Bumukas ang bintana at nakitang naroon si Cloud na nakangisi.  

"Guys, iwan na natin yang van kela Alex at Ace. Hop in!" 

Lahat sila nagtatawanan nung pumasok sa sasakyan ni Cloud. Seryoso sila?! "H-hoy!" mahinang sigaw ko.

Hindi ako makapaniwalang half hearted akong umaalma.  

"B-bye, Alex!" paalam nila. 

I squinted my eyes. What?! I can't believe it! Laglag ang panga kong pinagmasdan ang papalayong sasakyan. "Bakit? Baka tayo ang inaasahan magpapalinis niyan!" pinagpapadyak ko ang paa ko sa sobrang inis. "Don't lose your cool, Dominic. Hindi naman ikaw ang mawawalan ng pera." pang aasar ng Alien. 

"No! It's not fair, just... Not fair para saakin." halos nawawalan na ako ng rason. Tinary kong buksan ang gate. Pero ang tigas, bwisit!

"Ako na nga! Ito masyadong mainitin ang ulo," habang binubuksan niya tinitigan ko ang malapad na likuran niya. Napapangiti tuloy ako dahil sa nangyari kanina, bahagyang uminit ang pisngi ko nung biglang lumingon si Ace saakin. 

Unti unting nawala ang ngiti sa labi. 

"Oh, bakit nakangiti ka saakin?" ngumisi siya. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Natutuwa lang ako kasi pinagbuksan mo ako. May good qualities ka pa palang natitira sa sistema mo."

"Weh? Aminin mo, masaya ka ba Dominic?" 

"Sakto lang. Ikaw?" nakataas kilay kong pagtanong, naglakad ako papasok...

 "Ako? S'yempre! Masaya ako lalo na kasama kita." napatigil ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya, nakangiti siya. Napaawang ang bibig ko. Ano ba ang pinagsasabi niya?! Inirapan ko siya at nagpatuloy papasok. Bubuksan ko sana ang pinto pero natigilan ako dahil ito'y... 

"Locked?!" 

"Ang bilis mo namang maglakad, parang may humahabol sa'yo." 

"Asan na ba yung susi?" 

"Andito." may kinapa siyang kung ano sa bulsa niya at ibinato saakin. "Catch!" 

Agad agad ko itong nasambot. "Tsss," ipinasok ko ang susi sa may door knob. Pero ayaw bumukas kaya pinagpapalo ko ang pinto. "Damn! Makisama kang pinto ka,"

The HaterWhere stories live. Discover now