/8/ Sanity

115K 4.7K 752
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HINDI ako baliw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ako baliw.

Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon. Iyon din ang paulit-ulit kong sinabi sa kanila ngunit ni tila naging bingi sila at hindi pinakinggan ang aking mga pakiusap.

Pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa sulok ng maliit na silid na kinalalagyan ko ngayon, binabalewala ko lamang ang lamig ng pader dahil napakanipis ng tela ng kamiseta na pinasuot nila sa akin kanina. Damang dama ko ang pagmugto ng aking mga mata dahil sa walang humpay kong pag-iyak magmula nang dalhin nila ako rito. Kasabay ng aking pusong tila dinurog na parang abo ay ang mga tinig pa rin na naririnig ko.

Mga tinig na nagmumula sa mga tunay na baliw na kasama ko rito sa loob ng selda. Kung anu-ano ang mga naririnig ko, may pabulong, may tumatawa, may sumisigaw, may umiiyak, may umaawit, lahat ng kanilang mga iniisp ay naririnig ko, ang kanilang pag-iisip na walang direksyon, wala sa katinuan.

At alam ko na hindi ako katulad nila.

Hindi ako baliw.

Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko na mabilang sa aking mga daliri kung ilang beses akong umusal ng panalangin, ilang beses akong humingi ng tulong ngunit tila naging bingi na rin ang langit at tuluyan na akong pinabayaan ng paniniwalang matagal kong pinangalagaan. Walang santo at mga anghel ang handang mag-alis sa akin sa impyernong 'to.

Hindi pa rin nawala ang mga samu't saring tinig na umaalingawngaw sa aking isip. Sinapo ko ang aking ulo gamit dalawang kamay, tila pinipigilan ang utak ko na akala mo'y sasabog. Atsaka ko sumigaw, sapat para marinig sa institusyong ito na nakatayo sa gitna ng kawalan.

Tumigil ang tatlong baliw na kasama ko, pati ang mga tinig sa aking isip ay nawala. Nakatingin silang tatlo sa akin at sabay-sabay nila 'kong pinagtawanan. Muling bumalik ang mga tinig. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

Oh, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

*****

"MARIA Sigrid Ibarra?" nag-angat ako ng tingin at nakita ang maamong mukha ng nagpakilalang si Dr.Joselito, siya ang doktor na tumitingin sa mga pasyente sa institusyong ito tuwing Biyernes. 'Kaawa-awa, napakagandang dalaga pa naman.'

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon