/23/ Looking Within

92.3K 3.6K 522
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"COME in," sabi ko nang may kumatok sa aking silid. "Zia?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa may pintuan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nakapagpalit na siya ng damit at sa palagay ko'y tapos na siyang pag-aralan ng research team ni Dr.Morie ngayong araw.

"Anong maitutulong ko sa'yo?" tanong ko sa kanya at pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Gusto ko ring humingi ng pasensya sa inasal ko noon sa barko." Mahinang sabi niya.

"Hindi mo kailangang humingi ng pasensya," nakangiting sabi ko sa kanya. "Naiintindihan kita dahil hindi mo pa lubos na nauunawaan ang kapangyarihang mayroon ka."

Gumati siya sa akin ng ngiti at yumuko siya, "Gusto ko ring magpasalamat sa'yo dahil iniligtas mo ako noon at pati na rin 'yung iba kong mga kasama."

"Ginawa ko lang kung ano'ng sa tingin ko ang tama." Napatingin ako sa kawalan pagkatapos.

Namayani saglit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Zia," tawag ko sa kanya. "Bakit walang alinlangan na sumama ka sa amin?"

Alam kong nakuha ko na ang sagot na 'yon sa kanya noon. Pumayag siya dahil sa kundisyon ko at dahil na rin wala na siyang ibang mapupuntahan. She's living all by herself. I already knew the answer and yet I asked her that question.

"Naisip ko rin, na kung sasama ako sa inyo, kahit paano'y maaaring naroon ang lugar kung saan ako tunay na nabibilang," sagot ni Zia at tumingin siya sa akin. "Ikaw ang unang tao na hindi ako tinuring na halimaw."

I can sense that Zia is a very kind lady, she is so pure and she bears no hatred to this world.

"Tell me, Zia, what is that you desire?"

"Desire?" napaisip siya saglit. "Simple lang ang gusto ko sa buhay, Sigrid. Gusto ko ng payapang buhay. Hindi naman nagtatagal sa mundong to ang mga bagay na mayroon tayo."

Hindi ko maiwasang maalala si Isagani dahil may pagkakatulad silang dalawa.

Naalala ko tuloy noong araw na sumumpa kami sa Memoire, may mga kanya-kanya kaming motibasyon kung bakit kami pumirma. I wanted to learn and teach art badly, si Rare na gusto ng mataas na academic achievement, si Annie na gusto ng pera para hindi na maghirap ang pamilya, si Ruri na gustong magkaroon ng sense of worth, si Kero na gusto ng kaginhawaan at si Isagani... Si Isagani...na walang ibang gusto kundi kapayapaan ng sarili.

"Ahh, I'm jelous."

"Huh?" nagulat siya sa sinabi ko at tinawanan ko siya.

"You're so pure; I wish I'm like that."

"Hindi kita maintindihan."

"Actually, I used to see the world beautifully just like you."

Pero malupit ang mundo.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon