Chapter 8: Anghel:new look, same taste. wahaha!

509 10 17
                                    

(Zarren’s pov) Nu ba yan, nakakainis naiwan ko pa charger ko. Di ko tuloy matext si Anghel. Hay, kasi naman sobrang biglaan tong trip ko dito sa CDO. Di naman kasi dapat sakin to eh. Hay, nagkasakit pa kasi si Melody, yan tuloy.. Baka kanina pa tumatawag si Anghel. Namimiss ko na talaga ang kumag na yun. Hiram nga muna ko ng charger kay Francis..

Ayun. Pagkacharge na pagkacharge palang nya inopen nya kaagad. Waaaah 7 messages galing kay Anghel. Naman, san ka pa. Napangiti tuloy sya dun. Isa isa nyang binuksan..Natawa sya sa mga pinagsasasabi nun. “Hoy Zarren, nakakasakit ka ng damdamin ah. Di ka manlang nagpaalam.”

Zarren-“sabi na nga ba may violent reaction ka eh. tsk, sinadya ko talaga para mamiss mo naman ako. Hmp!”

“Ano, bat di ka nagrereply?”-Anghel parang naghahamon lang ng suntukan.

“Asan kaba?”-Anghel nanaman.

“Tandaan mo, hinding hindi kita mamimiss!”-Anghel ulit. Parang naiimagine na nya nya yung pagmumukha ni ANghel dito ah.. tsk, Nga pala, ang mga text na yan ay eksaktong tig t-three mins ang pagitan. La lang, nabanggit ko lang. Para ipakita kung gano kapersistent si Anghel. Tsk.

Ayun. Kahit nakacharge, ay tinawagan nya si Anghel. Eh mahirap na baka seryosohin ang mga pinagttext. Takot lang nya. Hehe

Nakailang ring rin ang cp ng unggoy ah. Aba parang gumaganti lang. Mukhang ayaw sagutin.. tsk

(Anghel’s pov)- Nakakainis ka talagang Zarren ka, masyado kang pa miss. Para tuloy gusto kitang sundan jan sa CDO. Badtrip naman. Oh yan, patawag tawag ka pa. Wag ko kayang sagutin para ma miss mo din ako. Hay- weh, eh sabay sagot naman

“Oh baket??””-Anghel parang pakonsyensya effect lang. Hawak nya pa rin ang diary ni Zarren. Paulit-ulit lang na binabasa.

“Uy, sunget neto ah. Sorry naman eh deadbatt po yung tao.”

“Ok lang. Para yun lang eh. Eh sino ba naman ako para itext mo diba? Ok lang kahit di ka manlang nagsabi na aalis ka pala. Ano ba naman yung magmukha akong tanga kahapon kakahintay sayo sa labas ng office mo. Wala yun. Tsk.”—bitter bitteran lang ang lolo mo.. hay..

“OA naman nito oh. Biglaan lang eh. Sorry naman. Ang emo mo naman.” –Zarren habang pinupulupot ang cord ng charger sa daliri nya. Tipong kinukulot, hehe.

“Oo na sige na. Hanggang kelan ka ba jan?”- ngayon pa lang namimiss na kita..

“Depende. Siguro mga 2 weeks or 3 ganon.”

“Bat ambilis? Gawin mo na kayang 2 months.”—tagal ha, kabadtrip lang.

“Ah ganon? Kunwari ka pa. Namimiss mo lang ako eh. Di bale mamimiss din naman kita eh.”—oops, nu ba yan, nadulas pa dila ko.  Weh, sinadya nya yun. Masyadong pa epal talaga tong si Zarren. Tsk.

Waaah, nu daw? Mamimiss mo ko Zarren??Yiiiii, muwah!  “Talagang mamimiss mo ko, tong gwapo kong to, wala ka nang mahahanap na sing simpatiko ko.. Hahaha.”

“Kapal mu. Ibig kong sabihin, mamimiss ko ang alipin ko. Syempre diba. Wala na kong mauutusan. Ay, oo nga pala may alipin nga pala ko dito. Si Francis.” Maldita smile.

(Anghel’s pov) Nakakapang init ng ulo naman. Narinig ko nanaman ang pangalan nyan. Di bale, di ako mapipikon jan, ngayon pang alam ko na ang tunay na damdamin mo para saken. Hmm, masyado ka lang pa selos. Eh ako naman talaga ang crush mo at di yang Francis na yan.

“Ah ganon ba kasama mo si pareng Francis?”---habang umiikot ang eyeballs, nakita nya yan kay Fate, ginaya lang nya.

“Oo at sabay pa nga kaming nagbreakfast kanina eh.” –Nang aano na talaga tong si Zarren ah.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now