Chapter 16: hoy jam, babangon ako at dudurugin kita!

405 6 7
                                    

Game.  Eto na..

Ilang oras ding nagdrive si Anghel marating lang ang address na sinabi sa kanya ni Scarlet. Tiniis nyang hindi kumain basta makita lang niya kaagad ang iniirog slash sinisinta nyang nobyang nawala sa kanya.. Hay Anghel, kanina pa ko naaawa sayo kaya sige na nga.. Papakita ko na sayo si Zarren.. Oh eto na..

Mula sa malayo ay tanaw na ni Anghel si Zarren. Kabisadong kabisado lang nya ang hubog ng katawan nito.. Nakana, may masabi lang.. haha yun oh kahit malayo lang niya naispatan ay alam na alam na nya na si Zarren nga yun.. Parang naiiyak syang di nya maintindihan kung saya ba o takot.. Ilang beses din kasi nyang pinractice ang mga sasabihin nya..Handa nga syang lumuhod sa harap ni Zarren eh mapatawad lang sya..Kahit di sya sigurado sa kasalanan nya handa pa rin syang magpakababa para lang bumalik sila sa dati..

Si Zarren naman, ayun, bigla lang daw bumilis ang tibok ng puso nya..Kahit sa puntong ito ay di pa rin niya nakikita si Anghel. Nakatalikod kasi sya eh.. Pero parang may kakaiba lang syang nararamdaman nung mga oras na yun.. Bigla lang niyang namiss si Anghel habang nakatingin sya sa dalawang magshota sa duyan.. Naalala nya nung unang beses silang magtabi.. Habang nag ch-chill sa duyan.. Nanghinayang lang sya sa pinagsamahan nila. Para kasing hanggang ngayon ay hindi sya makapaniwalang wala na sila.. Miss na miss na talaga nya si Anghel.. Naiiyak na sya.. Tutulo na ulit luha niya.. Yun oh..Pero bigla nalang syang natawa sa sarili niya nung maimagine nyang si Anghel yung lalaking papalapit  sa kanya. Halos kuritin nya ang sarili nya na bumalik na sa realidad.. Tama na ang pagpapakatanga.. Pero bakit ganon.. Namumula na ang braso nya sa kakakurot nya ay di pa rin naglalaho ang imagination nya.. Andun pa rin ang mukha ni Anghel sa harap nya..

Pakiramdam ni Anghel ay namamalikmata sya nung makita si Zarren.. Gusto nyang sugurin ‘to ng yakap at halik kaso nga lang, alam nya sa sarili nyang kailangan muna nyang magpaliwanag.. Masyadong nasaktan si Zarren sa mga nangyari..Sa totoo lang sinisisi nya ang sarili nya..Kung di sana sya naglasing…Kung napigilan sana nya ang sarili niya…Sana sila pa rin.. Baka kasal na sila sa mga oras na to.. Kitang kita nya sa mga mata ni Zarren ang lungkot.. Nalulungkot ang mahal nya dahil sa kanya… Parang di nya kayang patawarin ang sarili nya sa pananakit kay Zarren.. Kasalan nya lahat…

“Zarren..Sorry..Miss na miss na kita”- Anghel, di lang mapigil ang pag iyak habang niyayakap si Zarren.

Si Zarren naman parang tangang di lang makagalaw.. Ngayon pa lang nya kasi narereliaze na totoong Anghel pala ang kaharap nya..Yun unti unti lang syang lumayo habang tinutulak si Anghel.. Shock lang na kaharap nya ang taong iniiyakan nya.

“Mahal ko..”- Anghel, paawa look pa rin.. Ayaw lang nyang bitiwan ang kamay ni Zarren. Pero isang kurap pa nya.. bigla nalang dumapo sa mukha nya ang isang makapigil hiningang sampal…Tsk, sana lang kay Jam nalang nya ginawa yun.. diba?

“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi sayo ng mga kaibigan kong ayaw na kitang makita ha.. Ang kapal ng mukha mo!” –Zarren highblood lang.

“Zarren, mahal ko.. Kung ano man yung nakita mo wala yun. Lasing ako nun kaya please patawarin mo na ko..”-Anghel habang pilit lang inaakap si Zarren. Si Zarren naman, arte pa nagpupumiglas pa.. Feel ata nyang magdrama eh..

“Lasing ka? Tingin mo excuse yun ha? Bakit, kulang pa ba ko sayo ha. Ginawa ko naman lahat para maging mabuting girlfriend sayo ah..Pero bat ganon..Anong kulang Anghel?? Ang sakit eh.Pinagpalit mo ko sa Jam na yun! Magsama kayo, mga hayup kayo!”--gumaganon pa eh. Patawarin na kasi para matapos na.. Namimiss ko na rin ang mga batuhan nyo ng mga sweet lines eh.. tsk.

Yun nga..Sa puntong to nananakit na si Zarren. Hehe, yung tipong mga napapanood natin sa pelikula.. Pinagsususuntok lang nya si Anghel. Girlalung style ng panununtok.. Basta yun na yun. Hehe

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon