Chapter 11: ikaw na, anghel de saya..tsk.

422 6 7
                                    

Jam jam jam. Waaah. Gusto kong coco jam. Lito na si Zarren kakaisip sa Jam na yun. Sa bagay may point naman sya para magselos. Sa unang tingin, di mo mapapansin na maganda si Jam. Morena kasi at kilos lalake. Pero matangkad at kung dadamitan lang ang isang yun, sigurado ko wawapak yun sa mga boys. Kaya grabe, tindi lang ng pagkapraning ni Zarren. Lolo pa't best friend daw ni Anghel yun? Patay na. Patay tayo jan. Yang mga best friend best friend na yan, madalas yan yung mga nagkakatuluyan sa dulo diba. tsk. Altapresyon to para sa bida natin.

Yun nga..Bale ganito yun, iderecho natin sa bahay ni Clark. Dun kasi nila napagkasunduan magreunion diba.. Eto na pala mga nangyari..

Syempre usual bati-batian ang trio. Mejo matagal din kasing nawala sa sibilisasyon tong si Jam. 2 years din silang walang pormal na pagkikita. FB FB nalang ganun. Taga Baguio kasi sya. Bale dati kasi nung highschool, nakitira lang sya sa tita niya na kapit bahay naman nila ANghel. tsk, kaya lalo sila naging close eh. At ngayon naman, mas pinili nya na sa Baguio kasi andun daw yung business nya..

"Oh pre, kumusta ka naman ha. Balita ko may boyfriend kana ah. Astig" -Clark, nang aano lang.

"Lul!, adik ka. Baka ikaw, iba-ibang babae nasa FB mu ah."- Jam

"Weh, ibig sabihin di ka pa rin nagkakaboyfriend gang ngayon? Maniwala? Sa sobrang lamig sa Baguio malamang nyan maghahanap ka ng kayakap. hehe."

"Oo nga magpakababae ka nga. Mas maton kapa ata samin eh." Anghel habang kumakain ng strawberry na dala ni Jam.

"Tsk, ewan ko sa inyo. Di ko nga type ang mga lalake di ba? Mga sakit lang kayo ng ulo."-Jam defensive lang.

"Waaaah, sakit nun ah. tagos pre."- Clark acting dumurugo ang puso.

"San?"- Jam, napatingin sa pwetan nya. Bobo rin eh noh. Kala nya may tagos sya. wahaha.

Tawanan tuloy ang dalawa. "Haha, pre nu yun, babae ka pala? Hehe, ibig sabihin nagnanapkin ka din?"-Clark

"Leche!!! Umayos kayong dalawa ah. Tatamaan talaga kayo."-Jam asar mode.

"Hehe kasi naman magpakababae ka na. May papakilala ako sayo. Magugustuhan mo yun. Macho gwuapito."- Anghel

"Tumigil nga kayo. Wala akong panahon jan. Business muna. Tsaka, uy, makapagsalita kayo kala nyo may seryoso kayong relasyon ah."-Jam

"Well, mahmen.. ako meron. Si Zarren my labs. Ewan ko lang sa isa jan."-Anghel, sabay tingin kay Clark.

"Weh. Seryoso daw oh. Kaya naman pala nakita kitang may kadate kahapon eh."-Clark

"Anong kadate? Saan?"- Anghel Waaah, pano nya yun naispatan? Tagong lugar yun ng mall ah. Tsk. Yari.

"Sa Rockwell. Weeh. sumbong kita jan kay Zarren eh. Lumalayo kapa para di ka makita ah. Hanep na taksil tsong."-Clark.weh di nga clark, seryoso??

"Uy, di ah. Nagkakamali ka ah. Nagkayayaan lang kami nung bagong dentist dun sa clinic. Treat nga nya yun eh."-Anghel, mejo may pawis na sa noo pero konti lang.

"Woooh. Malala ka pa sakin ah . Kaw pa tinitreat. Yari ka nyan kay amazona mong gf. haha"-Clark

"Subukan mo lang. Gugulpihin kita sa harap ng fans mo."-Anghel. Ayaw lang nya ng binablackmail sya.

"Oy oy oy. Nu ba yan. Walang ganyanan. Andito ko oh. Mahiya kayo sakin ah. Pag umpugin ko kayo eh."- Jam natatawa lang.

Waaaah. Bakit ganon. May bagong dentist sa clinic nya?? Tas may kung anong Jam pang di malaman kung palaman ba oh ano. Hehe. Pano na to.. Waaah. Zarren, kaya mo to. kong bahala sayo.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon