Chapter Ten

2.2K 51 4
                                    

Nananatiling hangin sa kawalan ang alaala ni Cecilia subalit ang bawat araw na nagdaan ay puno ng pagkalinga ni Gavin. Hindi man siya nito hinahayaang lumabas ng mag-isa sa isla ay palagi siya nitong sinasamahan na lumabas at maglakad-lakad sa tabing dagat. Minsan pa ay dinala siya ng matipunong pirata sa gitna ng kagubatan na kung saan naroroon ang isang napakalinis at napakagandang lawa. Sa lawang ito nagtapat ng pag-ibig si Gavin at nangakong mamahalin siya nito magpahanggang-libing.

Mugto ang mga mata ni Kendra habang tulala sa harap ng kanyang netbook. Dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng cottage simula nang dumating si Selena. Nag-iwan siya ng "Do not Disturb" sign sa labas ng kaniyang pinto kaya't tanging ang delivery lamang ng pagkain ang nagiging dahilan para siya ay magbukas.

Hindi din naman niya narinig na kumatok si Ethan. Maging ang anino nito ay hindi niya nakita sa ilang araw ng kanyang pagkukulong. Inisip niyang marahil ay abala ito sa pag-aasikaso sa kanyang mag-ina.

Napabuntong-hininga siya. Malapit nang magkaroon ng "happy ending " sina Cecilia at Gavin subalit siya na bago pa lamang namumukadkad ay dinaanan na agad na bagyo. Wasak sa halip na wakas ang kanyang storya.

"Kendra, isipin mo na lamang na matatapos na ang bakasyon mo, might as well enjoy it." Nasabi niya sa sarili. Muli siyang bumunot ng malalim na hininga habang tuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Subalit hindi niya kayang makita ang pamilya ni Ethan. Hindi niya inasahang magpapakita pa ang ina ni Arielle. Kung alam lamang niya na mangyayari iyon, sana ay hindi na lamang siya nagpadala sa kanyang damdamin.

Things happen in our lives unexpectedly. Sometimes we are glad that it happened, sometime we aren't. At the end of the day, we have to accept it. People around us won't stay forever. Some of them we can't leave without but we have to learn to let go. But how painful it is to let go of someone you love?

Nagbukas siya ng cabinet at agad na niligpit ang mga damit pabalik sa kanyang maleta. Hindi na niya kaya pang timigil ng ilang araw pa sa Isla Salve. Mababaliw siya sa sakit na kanyang nararamdaman.

* * * * *

MALAYO SA RESORT ANG SAKAYAN PABALIK NG EL NIDO. Kinailangan pa ni Kendra na sumakay sa tram para makarating doon. Palibhasa ay private boat ni Ethan ang kanyang nasakyan noon ay hindi niya alam. Pagdating niya ay isang malaking passenger boat ang nakaparada sa may pantalan. Pasado ala-una na ng hapon at may isang oras pa siyang maghihintay bago umalis ang bangka.

Tahimik na umupo si Kendra. May ilang araw pa sana siya sa Isla Salve. Makailang beses na niya kinumbinsi ang sarili na tapusin ang natitirang araw na bakasyon. Subalit hindi niya kayang makita si Ethan kasama ang mag-ina nito. Babalik din sa normal ang lahat kapag nasa Manila na siya. Makakalimutan din niya si Ethan.

Tunog ng maliit na speedboat ang nakabasag sa kanyang pag-iisip. Napatingin siya sa kung saan ito nagmula at halos tumalon palabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso nang makita niya si Ethan at Arielle na sakay nito.

Dali-daling ipinarada ni Ethan ang kanyang sasakyan at sabay silang bumaba ng anak nito. Maya-maya pa ay nasa tabi na niya ang mag-ama.

"Where are you going, Tita Kendra?" Tanong ni Arielle. Kita sa mukha nito ang galit.

"Babalik na'ko sa Manila, Arielle." Hinaplos niya ang mukha ng bata.

"And you're not even saying goodbye?" Nagsimulang umiyak si Arielle at yumakap ito sa kanya. "How could you?"

Nagtatakang hinarap ni Kendra si Ethan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin dahil nagsisimula na din mabuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Kanina magkasama pa kami ni Arielle na pumunta sa cottage mo. Wala ka na pala. Mabuti at naabutan ka pa namin dito." Binuhat ni Ethan si Arielle at yinaya na din siyang bumaba sa bangka.

Inutusan ni Ethan ang isa sa kanyang mga tauhan na ikarga ang mga bagahe ni Kendra sa kanyang speedboat habang silang tatlo ay nagpunta sa bakanteng waiting area para sumilong.

"Hindi ako makikiusap sa'yo, Kendra. I'm ordering you not to leave. You still have a week." Ibinaba ni Ethan si Arielle.

Two pairs of eyes are staring at her.

"I love you, Arielle at ikaw din Ethan. Pero it would be very hard for me to see your family." Paliwanag ni Kendra. Hindi niya mapigilan ang luha sa kanyang mga mata.

"You are part of the family, Tita Kendra."

"Yes, I am, as a friend." Muling nangusap ang tingin niya kay Ethan. "Paano ko ba ipapaliwanag?"

"Umalis na si Selena kahapon." Simula ni Ethan. "Nagpakita lamang siya para sabihin na magpapakasal na siya at kukunin niyang flower girl si Arielle."

Tila nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib. Hindi niya alam ang sasabihin pa napayakap na lamang siya ng mahigpit kay Ethan at napahaguhol ng iyak.

"I love you, Kendra." Hinaplos ni Ethan ang likod ng dalaga.

"You're staying, Tita Kendra. Please tell me you're staying." Yumakap din si Arielle sa kanya.

Umupo si Kendra para harapin ang bata. Pinunasan niya ang mga luha nito at pinisil ang ilong.

"... And you're going to teach me more of your karate moves."

"...And the ninja moves." Sabat ni Ethan.

"Yes." Napangiti si Kendra.


A Buccaneer's TaleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora