Chapter Five

2.6K 55 0
                                    

Kendra was wearing a heart-topped fire red taffeta, a burlesque gown with bodice that is beautifully decorated with black lace and beads. It also had shimmering organza layer and sash ties that left her bare back exposed. Ethan looked at her as she entered the ballroom hall. She just glowed from afar and nothing had changed on the way he felt for her. It was still the same pain as it throbbed wildly from his inside. He smiled wickedly behind his mask.

Tila nasa time-space warp si Kendra nang pumasok siya sa malaking function hall ng Isla Salve. Hindi na niya maramdaman na nasa isang secluded island siya. Ang mga kababaihan ay naka-low-necked and off-the-shoulder gowns. Halos lahat ay naka balloon skirts na parang nasa English Regency era. Ang mga kalalakihan naman ay naka tuxedo at ang ilan ay naka-pirate suits. Dahil Masquerade ball ang theme ng party, lahat ay nakasuot ng makukulay na mascara. It was indeed a very elegant crowd.

Dahil iyon ang kaarawan ng lalaking nagbigay sa kanya ng ikalawang buhay, nagpasya siyang isantabi ang nawawalang alala mula nang siya ay magising sa mga bisig nito. Magdamag siyang nagpakasaya habang nakikipagsayaw sa kanyang prinsipeng nagpakilala sa kanya bilang Gavin. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa bulwagan habang nakakapit siya sa mga matipunong katawan nito. Ninamnam niya ang bawat sandali habang magkalapit ang kanilang mga mukha. Nilunod niya ang kanyang sarili sa saliw ng magandang musika, sa magandang ngiti at mapang-akit na tingin ni Gavin sa kanya...

Nilunod din ni Kendra ang sarili sa pantasya habang nakikipagsayaw sa kung sino man ang mag-aya sa kanya. Nangako din siya sa sariling isusulat niya kahit sa tissue paper ang kanyang naisip para sa kanyang nobela. Nang makaramdam siya ng pananakit ng paa ay saka siya nagpasyang umupo at magpahinga.

"Enjoying the night, lovely lady?" Isang lalaki ang nag-abot sa kanya ng red wine at umupo sa kanyang tabi. "Ako nga pala si Lance Cordero."

"Nakakapagod mag-sayaw." Ngumiti siya sa binata. "Kendra, by the way. How long have you been here?"

"Three days." Sagot nito. "Napakaganda ng coral reefs nila dito sa El Nido. Sa lahat ng diving spots na napuntahan ko, hindi ako nabigo. Sobrang ganda. Tapos --"

"Miss Kendra! I know it's you!" Biglang lumitaw sa pagitan nila si Arielle. "Have you seen my Dad?"

"Oh hi, my little princess. Para kang si Cinderella sa gown mo." Bati niya. Napansin niyang pinag-aaralan ng bata ang kausap nitong si Lance. "Sorry, pero hindi ko pa nakikita si Ethan."

"Okay. Well, you look lovely yourself." Agad na humila ng upuan si Arielle at umupo sa pagitan nila. "Miss Kendra, are you enjoying the night?"

"Of course, my dear. Heto nga si Lance kinukwento sakin ang kanyang diving experience dito." Magiliw na sagot niya sa anak ni Ethan.

"Kung gusto mo, I can teach you how to dive or snorkel." Magalang na alok ng binata.

"Wait a minute! I am the one who will teach Miss Kendra how to snorkel and... and..." Saglit itong nag-isip. "And my dad already volunteered to give her diving lessons!"

"I'm sure busy ang dad mo." Natatawang sagot ni Lance.

"He will find time for Miss Kendra. I'm sure about that!" Mataas ang maliit na tinig ni Arielle. Halata sa bata na galit ito. "So , Miss Kendra, maybe we should start the karate lesson so that I can teach you how to snorkel before this guy gets into the scene."

"Sure. Kung gusto mo bukas na bukas din!" She squeezed the little girl's hands. "I promise!"

"Yipee! Did you hear that?" Matalim ang tingin ni Arielle sa binata.

"Okay. Suko na po." Natatawang sagot ni Lance.

Nagpaalam si Arielle para hanapin si Ethan. Si Kendra naman ay tumayo na din sa kanyang kinauupuan para lumabas at magpahangin. Nasaan na nga ba si Ethan? Madilim sa labas at tanging ang mga torch path ang nagbigay sa kanya ng liwanag. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng kanyang mga paa subalit isang imahen ng lalaki ang tila magnetong humila sa kanya para lumapit sa kinatatayuan nito.

A Buccaneer's TaleWhere stories live. Discover now