Chapter Seven

2.4K 50 7
                                    

Hindi maintindihan ni Cecilia kung bakit wala siyang kalayaang makapaglibot sa isla. Pagkatapos ng kaarawan ni Gavin ay ikinandado na siya nito sa kanyang silid. Hindi na din halos nagpapakita sa kanya ang binata. Binalot ng kalungkutan ang kanyang puso. Kakampi ang makulay na takipsilim ay nagpasya siyang alalahanin ang nawawala niyang nakaraan...

"Hindi tama ito!" Sigaw ni Kendra sa kanyang sarili. Kalahating araw na siyang nakakulong sa kanyang cottage. Ni hindi siya nilapitan ni Ethan pagkatapos nilang mag-meeting ng Dulce na iyon. Isinara niya ang kanyang laptop at saka siya nagpalit ng kanyang empire-waist maxi silhouette halter dress. Itinaas niya ang kanyang buhok para malantad ang kanyang bare back.

Naglakad-lakad siya sa pool side ng resort at doon niya nakita ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

"I hope this is the best time to have a chit-chat." Matamis na bati niya sa dalaga na nakahiga sa isang reclining chair. Naka-two piece white bikini ito na lalong nagpalutang ng kanyang tanned skin. "Dulce, am I right?"

"Yes. So what can I do for you?" Ismid nito.

"First time ko kasi nakakilala ng isang researcher. Anong ni-reresearch mo dito?"

"Sorry, but it's strictly confidential. Ayokong mawalan ng trabaho." Kiming sagot nito.

"Hi ladies. Mukang seryoso ang usapan ninyo ah." Sabat ni Ethan. Pareho silang natigilan ni Dulce sa suot nitong basang rash guard. Bakat na bakat ang kabuuan nito.

Napansin ni Kendra ang biglang pag-aliwalas ng anyo ni Dulce. Kung alam lang niyang ganito sila maabutan ni Ethan, sana nagsuot na din siya ng bikini.

"Grabe ka, Ethan. Ano ba'ng pinapagawa mo dito kay Dulce? She seems to refuse to make friends with me." Pasaring niya.

"Oo nga pala. Si Dulce ang private researcher ko sa pirate tunnel. Siya ang nagdodokumento ng lahat ng artifacts na makakalap niya doon." Paliwanag ni Ethan.

Ayun na! So lahat ng restricted area napapasok ng babaeng ito. Gabi siya nagre-research kaya inaabot siya ng madaling-araw. "Pwede ba akong makisali minsan para naman may mailagay ako sa novel ko?"

"Novel? Isa kang novelist?" Gulat na tanong ni Dulce.

"This is Kendra. Siya ang kauna-unahang novelist na nakatapak sa Isla Salve. Favorite niya ang pirate stories at dahil d'yan hindi ka na niya tatantanan." Pakilala ni Ethan sa kanya.

"So, pwede na ba akong sumali minsan?" Muling tanong ni Kendra.

"I'm Sorry, Kendra. It's really confidential. Someday, kapag naitayo ko na ang museum, you will be one of the first special guests who will be invited."

Tsk. Bigo nanaman siya.

Napansin ni Ethan ang biglang pagbabago ng mood ni Kendra. Lalo na nang magpaalam ito sa kanilang dalawa ni Dulce. Alam niya kung ano ang ipinipilit nito subalit sa pagkakataong ito'y hindi niya ibababa ang kanyang pride para ibigay ang hinihingi ng dalaga. He invested so much money in his project and he cannot let anyone else jump into it just like that.

Subalit ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay hindi na siya nakatiis. Para bang nakaramdam siya ng guilt at gusto niyang gawing exception si Kendra sa kanyang golden rule. Kapag naaalala niya ang init ng halik nito sa kanya kagabi ay gusto niya itong sunggaban upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pinagsaluhan. Sinundan niya ang dalaga sa beach front umaasang maibsan nito ang kanyang mga pananabik.

                              *    *     *     *     *

SIRANG-SIRA ANG MOOD ni Kendra nang makarating siya sa beach front. Ilang beses na siyang sumubok subalit hindi pa din niya makuha ang kanyang gusto. Lalo niya itong ikinagigigil. Napansin niya si Lance na nakaupo lamang sa buhangin kaya't nilapitan niya ito.

A Buccaneer's TaleWhere stories live. Discover now