Chapter Four

2.6K 61 0
                                    

Takip-silim nang manumbalik ang ulirat ni Cecilia. Nakahiga na siya sa isang malambot na kutson. Madilim ang buong paligid maliban sa liwanag na bumubuhos sa maliit na bintana sa kanang bahagi ng silid. Biglang sumikad ang tibok ng kanyang dibdib nang bumukas ang pintong gawa sa makapal na bakal. Isang lalaking may hawak na lampara ang pumasok dito. Pamilyar ang mukha nito. Lalo na ang magandang hubog ng labi nitong nagpaalala sa kanya kung gaano ito kainit humalik.

Napalunok siya sa magandang nilalang habang papalapit ito sa kanyang kama...

Ilang minuto din pumipitik ang cursor sa monitor ng netbook ni Kendra habang siya ay nakatitig dito. Pasado alas kwatro na ng madaling araw at halos dalawang oras na siyang hindi dalawin ng antok mula nang siya ay magising. Madalas siyang namamahay sa unang gabi kaya't minabuti na lamang niyang ipagpatuloy ang kanyang sinusulat na nobela. Subalit ang matagal na pagkakatitig ay senyales na tuyo na ang mga ugat niya sa kanyang utak at kailangan na niyang magpahinga. Sa halip na bumalik sa kama ay nagpasya siyang lumabas sa kanyang cottage para simulan ang kanyang adventure sa Isla Salve.

Paano nga ba siya gaganahang magsulat ng love scence kung dalawang taon na siyang walang love life buhat nang iniwan siya ng kanyang dating nobyo? Napabuntong-hininga na lamang siya habang muling binabagtas ang daan patungo sa tunnel.

She passed through the beachfront and entered the path leading to what she thought was the way to the tunnel entrance. Unfortunately, she encountered two fork paths and probably chosen the wrong turns. After almost fifteen minutes wandering around, she found a small entrance with a big "DO NOT ENTER" sign.

Nakatitiyak siyang hindi ito ang tunnel entrance na nakita niya kagabi. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto subalit bago pa man siya makapasok dito ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Dali-dali siyang tumakbo sa likod ng malaking bato at halos dumapa na siya para maitago niya ang kanyang sarili.

Mula sa kanyang pagkakadapa ay nakita niya na lumabas si Ethan kasama ang isang babae na may dalang flashlight. Mahina ang kanilang mga boses habang nag-uusap.

Ano ang ginagawa ng dalawang ito dito sa ganitong oras? Sino ang babaeng iyon? May halong pait sa ngiti ni Kendra sa kanyang sarili habang pinapanood ang dalawa. Inayos nila ang mga sanga upang muling ikubli ang pinto. Ibig sabihin ba nito ay may nobya si Ethan at dito sila nagtatagpo? Pero bakit sa restricted area pa? Kung ano man ang itinatago ng mga ito ay malalaman niya. Aalamin niya!

Nang matiyak niyang wala na ang dalawa ay saka siya humanap ng paraan para tanggalin ang ilang sanga na nakaharang sa pintuan. Nang muli niyang harapin ang sign board ay nakaramdam siya ng pagka-dismaya. Isang napakalaking kadena na may nakakandadong susi ang tumapos sa kanyang adventure ngayong umaga.

Walang nagawa si Kendra kundi bumalik sa beach front. She did not expect herself to get so furious because of what she saw this morning. What puzzled her is the real cause of her disappointment. Was it the locked door or the girl with Ethan? Then, she dropped the whole thing when she experienced the beautiful sunrise as it turned the beachfront to life. It was a heart stopping scene as the sun rose slowly from the sea casting beams in all directions and changing the colors of the sky.

"Maaga ka pala gumising, Miss Kendra." Hindi na siya magtataka kung biglang susulpot si Ethan mula sa kung saan dahil alam niyang mas maaga pa itong nagising sa kanya.

A Buccaneer's TaleWhere stories live. Discover now