Chapter 8 - Unfulfilled

506 24 3
                                    

JIMIN POV

Sht.

It's happening again.

Umiikot nanaman yung paningin ko.

Then slowly...

everything turns into pitch black.

-----

JUNGKOOK POV

2 days.

I only have 1 day bago ako umuwi sa Seoul.

Pero...parang wala akong mukhang maihaharap kay Jimin hyung pag-uwi ko.

//flashback//

Sa wakas. Nandito na ako sa Busan.

Leche ang sakit na ng pwet ko kakaupo doon sa train.

Inilabas ko ang folder na naglalaman ng personal information ni Jimin hyung.

Una kong pinuntuhan ang ampunan kung saan nanggaling si hyung.

Oo.

Ampunan.

Ulila si hyung. Kahit nung nasa Seoul kami wala siyang nabanggit tungkol sa nakaraan niya.

Anterograde amnesia.

A loss of the ability to create new memories after the event that caused the amnesia, leading to a partial or complete inability to recall the recent past, while long-term memories from before the event remain intact.

He's supposed to remember something from his past.

Pero wala siyang nababanggit sa'amin ni isa. I was waiting for him to open up.

Pero wala.

Kaya ako na lang ang maghahanap nu'n.

Before the accident, I made a promise to Jimin hyung.

I'll find his parents.

Pero naudlot 'yun.

Kaya ngayon andito ako para tuparin ang naudlot na trabaho na 'yun.

Jimin hyung has been suffering pero wala man lang kaalam-alam yung magulang niya.

I took a taxi to the said orphanage.

"Ah si Jimin. Oo natatandaan ko siya. Napakabait na bata nga nu'n eh. Kaya nagtataka ako kung bakit walang gustong um-ampon sa kanya." I was talking to one of the owner of the orphanage.

So Jimin's foster parents are out of the question dahil wala naman.

I need to find Jimin's real parents.

Pero paano?



"Binigay dito si Jimin noong 3 yrs.old siya. Nagkaroon kasi ng malakas na bagyo noon. Madulas yung kalsada noong mga panahon at sa kasamaang palad, naaksidente ang mga magulang ni Jimin."

Nanlamig ang mga kamay ko nung narinig ko ang kwento na iyon.

History...repeats itself huh?

"Binigay siya dito ng lola niya. Dahil mahina na rin daw siya at hindi na niya kakayanin na mag-alaga pa ng bata."

I looked down. I didn't know Jimin hyung's past would be this dark.

He never said anything to us.

He always smiled like everything's fine.

"Does Jimin hyung know any of this."

The woman infront of me shook her head. "Ang pinakabilin ng lola niya sa amin ay huwag sabihin ito sa kanya. Ang alam ni Jimin umalis ang mga magulang niya at hindi na bumalik pa."

I closed my eyes. Paano ko sasabihin lahat ng 'to kay Jimin hyung?

He's in the process of fixing up himself. Kapag sinabi ko 'to baka masira siya ulet.

Wala ng lunas ang anterograde amnesia ni hyung. Ang pinaka-kailangan niya ay pagmamahal at pag-unawa.

He doesn't deserve this.

"Nasaan na si Park Jimin ngayon? Ayos lang ba siya? Sabihin mo naman bumisita siya minsan dito."

I smiled faintly at the woman, "We're taking care of him for now. Huwag kayong mag-alala. Bibisita siya dito once ayos na ang lahat."

Kung maaayos pa.

//end of flashback//

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ng totoong magulang ni Jimin hyung.

Nagtanong-tanong ako at dahil swerte siguro ako, nakita ko ang hinahanap ko pagkatapos bisitahin ang 5 sementeryo dito.

I offered my prayer before silently leaving the place.

Dumiretso ako sa tinutuluyan kong hotel pansamantala.

I closed my eyes and let out a heavy sigh.

I'm supposed to fix Jimin hyung pero ako yung nasisira.

Onti pa Jungkook. Kaunti pa.

I looked at my wristwatch.

7:04pm

Ano kayang ginagawa ni Jimin hyung ngayon? Kumakain kaya siya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jimin hyung.

I miss him...

"Jimin hyung~" I whined as soon as he answered the call.

"J-Jungkook?"

"Hmmm...andwae."

"Kookie."

"Paano mo nalaman?"

"Naka-save number mo dito sa phone ko gago."

Ay oo nga pala.

"Eh bakit hindi Kookie my cutiepie so sweet tinawag mo sa'kin? Yan yung pangalan ko diyan ah!"

"May sakit ako pero hindi ako baliw para gawin 'yun Jungkook."

I stopped talking and just listened to his voice.

I miss him...

Really...

Really...

"Yah Jeon Jungkook."

"Kookie-ah?"

"Andiyan ka pa ba?"

"Ibaba ko na 'to."

"Jungkook..."

"Goodnight, Kookie."

Call ended.

Minsan iniisip ko, ano kayang  nararamdaman ni Jimin hyung kapag kinakausap niya ako? Sina Tae hyung?

Maybe it feels weird talking to people you don't remember. But you have to. Because a fucking note tells you to.

I wonder how tired Jimin hyung is. Doing everything written on the notes.

I threw my phone somewhere on the bed and closed my eyes.

Forcing myself to sleep.

Because atleast, if I do that I don't need to think of anything for awhile.

After Notes [ jikook ff ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon