Sayang

55 0 0
                                    

Ito po ay isang kanta :)


Minsan hindi ko maintindihan ang nasa aking isipan

Madalas akong naguguluhan sa aking nararamdaman


Ano ba ang gagawin ko?

Puso't isipa'y nagtatalo...


Gusto kong balikan ang nakaraan nung ako ang laging nakikita mo

Di na sana ako nanghihinayang ngayong iba na ang gusto mo

Aking sinayang, aking sinayang, aking sinayang...

Ang pagkakataon...


Kapag ako'y napapatingin umiiwas ka ng tingin

Nasasaktan ang aking damdamin sa hindi mo pagpansin


Ano bang nangyari sa atin?

Ituring ako ngayon ay parang hangin...


Gusto kong balikan ang nakaraan nung ako ang laging nakikita mo

Di na sana ako nanghihinayang ngayong iba na ang gusto mo

Aking sinayang, aking sinayang, aking sinayang...

Ang pagkakataon...


Mababaliw na yata ako

Kakaisip ng problemang ito

Sumasakit na ang ulo ko

Gusto ko ng tapusin ang kantang ito..


Gusto kong balikan ang nakaraan nung ako ang laging nakikita mo

Di na sana ako nanghihinayang ngayong iba na ang gusto mo

Gusto kong balikan ang nakaraan nung ako ang laging nakikita mo

Di na sana ako nanghihinayang ngayong iba na ang gusto mo

Aking sinayang, aking sinayang, aking sinayang...

Ako'y nanghihinayang, ako'y nanghihinayang, ako'y nanghihinayang...

Mga Tula Ng Isang Huwad Na MakataWhere stories live. Discover now