Ang Bulong

30 0 0
                                    

Sa akin ay may bumubulong

Luwagan ko na daw ang sinturon

At palayain ang ibong nakakulong

Na nakapiit ng matagal na panahon.


Sa akin ay may bumubulong

Buksan ko na daw ang kahon

At palitan ang suot na barong

Ng kamisetang may burdang dahon.


Ang bulong nila ay matining

Sirenang matinis sa pandinig

Ang tenga ko'y nagpapanting

Boses nila ang nananaig.


Mapayapa sa umagahan

Para bagang walang nakaumang

Pangamba ko'y kinagabihan

Lumalabas silang parang mga aswang.


Sila'y muling bumubulong

At malapit na akong mapikon

Huwag kayo sa'kin bumulong

Kay Tulfo kayo magsumbong!

Mga Tula Ng Isang Huwad Na MakataWhere stories live. Discover now