ELECTIS

3.5K 76 11
                                    

Prologue

"Emy Rodriguez. Dalawangpu't limang taon na ang nakakalipas, pumunta ng San Simeon para bisitahin ang pagmamay-aring lupa. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang balita sa kanya.

Armand Sanchez. Isang trabahador sa isang shipping company. Labinglimang taon na ang nakakalipas nang magdeliver ng package sa San Simeon ngunit natagpuan ang kanyang bangkay sa katabing baryo. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang kanyang pagkamatay.

Marilyn Gimutao at Frederick Cruz. Walong taon na ang nakakalipas nang magtanan ang dalawa at mapadpad sa San Simeon. Matapos ang dalawang araw, nakita ang bangkay ni Frederick sa dalampasigan habang si Marilyn naman ay hindi pa rin natatagpuan."

Isang minuto pa at umikot ang swivel chair ng inyong head producer. Hinihintay na niya ang sagot mo.

Napalunok ka ng laway habang tinititigan ang waiver. Ang waiver na nagsasabing hindi sagot ng kompanya kung sakaling may mangyaring masama sayo. Naghihintay na ang ballpen. Isang pirma na lang Mela. Isang pirma na lang at malapit ka na sa iyong pangarap.

"Look Ms.Santos. Sa dinami-rami ng researchers namin dito ay maswerte ka dahil ikaw ang napili namin." dagdag pa ng inyong head producer. "Wala ka namang gagawin sa baryong iyon kundi ang manirahan ng tatlong linggo. May mapala ka man doon o wala, sure ball na ang promotion mo. Kung wala ka mang mapatunayang misteryo, malilinis na ang pangalan ng baryo San Simeon sa isusulat mong article. Kung may madiskubre ka man, e di mas maganda. Ako mismo ang mag-poproduce ng documentary mo. Nakukuha mo ba ang punto ko?"

Napakagat sa iyong ibabang labi. Sa isip-isip mo'y tama si Sir Boris. Tatlong linggo mo lang naman kailangan lumagi doon. May madiskubre ka man ako o wala, sigurado na ang promotion mo. Ang promotion na hinintay mo ng tatlong taon ay abot kamay mo na sa loob ng tatlong linggo.

Napa-angat ka ng tingin kay Sir Boris, nilalaro niya ang kanyang balbas. Mababasa sa matanda niyang mukha na naiinip na siya. Kung sabagay. May isang oras ka na rin niyang kinukumbinsi. Matagal mong hinangad ang oportunidad na 'to. Hindi mo ito dapat sayangin.

Kinuha mo na ang kanina pa nag-aabang na ballpen at sinimulang pirmahan ang waiver. Pagtapos ay iniabot mo na ito kay Sir Boris.

Kinuha niya ang waver at nakipag-kamay sayo. "Congratulations Mela. Hinding hindi mo 'to pagsisisihan."

ELECTISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon