XIX. Ang Medalyon

787 32 10
                                    

"Hindi lahat ng sinusulat mo ay dapat manggaling sa sarili mong experience. Walang pintor na puro sarili lang nila ang ipinipinta." -ruerukun

Dedicated ang chapter na 'to sa kanya. Maangas na author. Two thumbs pati anino at kaluluwa ko dun sa on-going story niya ngayon. Bale six thumbs na :)) lol

XIX. Ang Medalyon

Patuloy pa rin sa pagkatok si Luna sa bintana ng kotse. Minsan pa nga'y lumilipat pa ito ng pwesto. Sa kanan. Sa kaliwa. Sa likod. Sa harap. Pati ang mga bintana ay nabahiran na ng dugo na nagmumula sa sariwang sugat nito sa mga kamay at braso. Kung hindi mo siguro ini-lock ang mga pinto ng kotse ay malamang na binuksan na ito ni Luna at pihadong kinaladkad ka na palabas.

Habang kinakatok niya ang bintana ay napansin mong malalim ang sugat niya sa kanang braso. Sa ibang parte ng katawan kasi ay puro galos lang, ngunit ang nasa braso nito ay mistulang sinaksak.

Nanlaki ang mga mata mo. Naaalala mong sinaksak mo sa may braso ang nagtangkang pumatay sayo noong pumunta kayo ni Eruel sa abandonadong gusali.

Maaari nga kayang si Luna ang nagtangka sa buhay mo? tanong mo sa sarili. Mas lalong kang pinangilabutan sa mga naisip. Tama nga si Eruel. Hindi ka maaaring sumama kay Luna. Hindi ka maaaring sumama kahit kanino. Hindi ka maaaring magtiwala sa iba. Sa kanya lang.

"Makinig ka sa'kin Mela! Mas ligtas kung lalabas ka dyan!" sigaw pa rin ni Luna.

Mariin kang napapikit. Hindi.. Hindi ka maaaring lumabas. Kailangan mong hintayin si Eruel. Wala ka mang ideya kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari ay malaki ang tiwala mo sa binata.

Babalikan ka ni Eruel.. Nangako siya sayo. Naniniwala kang babalik siya.

Isang malakas na kalabog ang narinig mo sa labas ng kotse. Mukhang sinipa ng malakas ni Luna ang pinto sa sobrang gigil. "UTANG NA LOOB MELA! OO, ALAM KONG NANGAKO SAYO SI ERUEL, PERO HINDI NA SIYA MAKAKABALIK! HINDI NA!"

Natigilan ka sa mga narinig. Bakit ba tila nababasa ni Luna kung ano ang kasalukuyan mong iniisip?

"Tama ka! Nababasa ko nga ang iniisip mo! Kaya lumabas ka na dyan!"

Lalo kang nagtaka sa mga sinabi ng dalaga. Paano nangyaring nababasa nito kung anong iniisip mo? Napakagulo. Wala ka nang maintindihan sa mga nangyayari.

Siguro nga'y kailangan mo na ring gumawa ng hakbang para malinawan. Maaaring si Luna nga ang nagtangka sayong buhay, ngunit siya lang ang nandito para linawin kung ano ang tunay na nangyayari.

Huminga ka muna ng malalim bago nagsalita. "Ano ba tala--"

Hindi mo na itinuloy ang tangkang pagtatanong kay Luna dahil bigla na lamang itong nawala. Nang sumilip ka sa labas ng bintana ay hindi mo na ito makita sa paligid.

"Luna! Andyan ka pa ba?!" sigaw mo habang kinakatok ang bintana. "Nasan ka?"

Nakailang tawag ka pa ngunit walang Luna na sumasagot. Namumuo na ang pawis sayong noo dulot ng pinaghalo-halong emosyon. Kaba. Takot. Tensyon. Pagaalala. Kaunti na lang 'ata at pakiramdam mo'y malapit ka nang mabaliw.

Halos mawalan ka na ng pagasa nang sa wakas at nakita mo si Eruel sa rear view mirror ng kotse. Para kang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nagmamadaling bumaba ka ng sasakyan at agad na sinalubong ang binata.

"Sabi ko na nga ba, babalik ka." halos mangiyak-ngiyak mong sambit habang nakayakap sa kanya.

"Papabayaan ba naman kita?" nakangiti siyang bumitaw sa yakap. Dito mo napansin na iba na pala ang suot niyang damit at nawala na ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

ELECTISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon