XX. Paalam

773 30 2
                                    

XX. Paalam

Nagising siya sa naririnig na ingay. Mga bulungan. Parang mga bubuyog sa ingay.

Pagmulat ni Eruel ay bumungad sa kanya ang mga kapanalig. Lahat sila'y nakaitim, natatakpan ng hood ang mga mata, pawang mga nakaluhod habang may binibigkas na dasal.

Ang dasal ng pagsasalin.

Taimtim ang mga ito sa pagdarasal. Hindi matinag. Nandoon rin si Alleria at Gudo, ngunit tulad ng iba ay parang hindi rin sila matitinag sa pananampalataya. Naniningkit ang mga mata niya habang tinititigan si Alleria. Si Alleria na nagsuplong sa  Supremo tungkol pagtakas nila ni Mela, na siya ring pumalo sa kanyang batok sa may bodega ng greenhouse.

Tinignan niya ang sariling sitwasyon. Nakaupo siya sa isang upuan. Walang tali. Walang busal ang bibig. Kung tutuusin ay maaari siyang magtatakbo at tumakas. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw. Waring hinihigop pailalim ang kanyang kaluluwa. At batid niyang dahil 'yon sa dasal.

Mariin siyang napapikit. Hindi.. Ayaw niyang maisalin sa kanya ang medalyon. Ayaw niyang maging Supremo..

Sa kalagitnaan ng dasal ay bumukas ang pinto ng bulwagan, at mula roon ay pumasok si Mela at ang Supremo.

Gusto niyang tawagin si Mela. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito. Ngunit hindi niya magawa. Tila may kung anong nakabara sa lalamunan niya. Gusto niya itong lapitan at yakapin. Ngunit hindi siya makagalaw. Hindi niya kayang kumilos. At kahit gustuhin niya mang maiyak sa sitwasyon ay hindi niya rin magawa. Hindi niya kaya. Kahit luha'y tinraydor na rin 'ata siya. Wala siyang kayang gawin. Ang tanging magagawa niya lamang ay panoorin ang nangyayari sa kanyang paligid.

Kitang kita niya ang pagkatulala ni Mela habang sumusunod sa Supremo. Batid niyang napasailalim na ito ng kapangyarihan ng kanyang ama. Pumasok ang dalawa sa tanging silid na nasa bulwagan na kung tawagin nga nila ay mapagmilagrong silid. Silid na wala namang ibang gamit sa loob kundi isang maliit na drawer, isang upuan at kama. Simpleng silid, ngunit sagrado para sa Electis. Sagrado sa mga kapanalig. Sagrado para sa mga inutil na kasamahan na naniniwalang nagmimilagro ang silid.

Alam niyang hindi sasaktan ng Supremo si Mela dahil nasa sinapupunan na nito ang bagong Eius. Ngunit hindi niya pa rin mapigilang magalala. Mapanganib na tao ang Supremo. Malakas ang kapangyarihan ng kanyang ama na kayang sirain ang katinuan ng taong ginagamitan ng kapangyarihan.

Kailangan niyang iligtas si Mela..

***

Buong lakas na tinulak mo agad Supremo na nakapatong sayong katawan.

"Walang hiya ka!"

Ngumisi lamang siya. "Relax. Wala pa naman akong ginagawa sayo."

Mabilis kang tumayo sa kama. Napaka imposible. Wala kang matandaan na humiga ka sa kama at niyakap mo ang Supremo.

"Sabi ko naman kasi sayo may kapangyarihan ako," narinig mo pang sabi niya.

Muling siyang lumapit sa kinatatayuan mo. Bawat paglapit ay siya mo namang hakbang paatras.

"Wala ka nang takas," nakangisi pa rin niyang sambit.

Natigil ka lang sa pag-atras nang maramdam mong lumapat na ang likod mo sa pader. Wala ka nang magawa kundi mapa-pikit at ipagpasa-Diyos na lang ang lahat.

"Napakaganda mo pala talaga.." Naramdaman mo ang kamay ng Supremo na marahang hinahaplos ang 'yong pisngi. Gustuhin mo man siyang pigilan ngunit tila hinihigop ng lupa ang 'yong lakas. Napasinghap ka nang maramdaman mong dumausdos ang haplos niya sayo pababa ng leeg.

ELECTISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon