V. Si Divine

1K 35 3
                                    

Dedicated kay JuannaBeWriter :) Thank you for sponsoring the SPTAD :))

***

V. Si Divine

Nangingilid ang luha mo sa sinapit ng iyong binti.

Nakakapangilabot. Nakakadiri. Nakakabaligtad ng sikmura.

Susuka ka sana sa tagiliran nang may dumapong uwak sayong balikat. Paglingon mo ay halos himatayin ka na sa iyong kinauupuan. Putol rin ang iyong kaliwang braso at pinagpipyestahan ng mga uwak. Ramdam mo ang tuka nila na tumutusok sayong kalamnan.

Binugaw mo ang uwak sayong balikat. "Alis!"

Lumipad ang uwak ngunit maya-maya ay may dumapo na namang panibago. Mangiyak-ngiyak na binugaw mo ulit ang uwak. Ngunit kahit anong gawin mo ay hindi pa rin sila umaalis.

"Alis! Ano ba! Alis sabi!--"

"--MELA GISING!"

Bigla kang napamulat.Bumungad sa harapan mo si Eruel na kanina pa pala niyugyog ang iyong balikat. "Nananaginip ka."

Napabalikwas ka sa pagkakaupo. Tinignan mo agad ang iyong braso at hita. Sa awa ng Diyos ay kumpleto pa naman ang parte ng kawatan mo. "Pwew."

"Ayos ka lang ba?" bakas sa boses niya ang pagaalala.

"A-Ayos lang ako. Ang sama lang ng napanaginipan ko." sagot mo habang inaalalayan ka ni Eruel sa pagtayo.

"Ano bang napanaginipan mo?"

Hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang sikmura mo. Ikukwento mo ba kay Eruel? Wag na. Ayaw mo nang maalala. At hindi mo na gugustuhing maalala pa. "W-Wala. Tara uwi na tayo."

"Talagang uuwi na tayo. Palubog na ang araw pero wala ka pa rin sa bahay. Pinag-alala mo ko, buti nahanap kita."

Talaga? Hinanap ka niya?

"At sa susunod.." pahabol ng binata. "..wag na wag ka nang lalapit sa punong 'to. Maliwanag?"

..At nalunod ka na naman sa malalim niyang mga mata.

***

"Ako na dyan ate."

Kumuha si Divine ng pamunas at pinunasan ang lamesa. Kakatapos niyo lang maghapunan at nagprisinta kang maghugas ng pinggan. Nakakahiya naman kung wala ka man lang gagawing gawaing bahay, ga-sino nalang ba ang paghuhugas ng plato.

"Sige na Divine, ako nang bahala dito." sabi mo habang tinitipon ang mga tira-tirang kanin sa plato. Hindi naman sa gusto mo siyang itaboy, pero mas makakalagaw ka kasi ng mabilis kung mag-isa ka lang. "Punta ka na dun."

"Hayaan mo na ate, wala rin naman akong gagawin." naka-ngiting tugon ng dalagita. "Ano nga palang nangyari sa pag-alis mo kanina? Nahanap mo na ba yung kasintahan ng kuya mo?"

Lihim kang napailing. Si Eruel talaga, napakadaldal. "Ah yun ba? Wala eh, hindi ko pa nahanap."

Dinala mo ang plato sa lababo at sinimulan itong banlawan. Sumunod naman sayo si Divine na mukhang tototohanin talaga ang pagtulong sa paghuhugas ng pinagkainan.

"Mukhang mahihirapan kang hanapin yung kapatid ng kuya mo dito ate Mela." sinimulang sabunan ng dalagita ang mga binanlawan mong plato, wala ka nang nagawa upang pigilan siya kaya hinayaan mo na lang. "Kakaiba kasi dito samin, bihira lumabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay kaya mahirap makakita ng mapagtatanungan."

"Oo, pansin ko nga." mabilis mong sagot.Totoo ang sinasabi ni Divine, wala ka ngang masyadong tao na nakita kanina sayong pamamasyal. Kung pamamasyal nga ba yung matatawag. "Bat ganun? Pambira ata mga tao dito eh."

ELECTISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon