CHAPTER 12

140 3 0
                                    

Parang sa mga movies. Napalunok ako kasi sa lips ko na lang siya nakatingin. Goshhh, mawawala na ba ang first kiss ko??

Itinaas niya ang kamay niya at bigla na lang...ipinunas sa bibig ko?? Para akong nabuhusan ng kumukulong tubig. Nalusaw na ang kilig at kalandian ko.

"Natutuwa akong makakita ng taong walang pakialam kahit ang kalat niya kumain." He smiled then tumingin siya sa pinggan ko. Tama siya, nagkalat ang sauce sa lamesa at ilang butil ng kanin. Kaya pala pinunasan niya ang bibig ko. Akala ko talaga hahalikan na niya ako.

"Sige, kumain na lang tayo." Nakangiting sabi ko. Sayang naman...

"So, kelan ba balik nila Chanyeol hyung? Di kasi siya nagsabi na magbabakasyon pala sila." Tanong niya habang kumakain. This time, ako naman ako nanood sa pagkain niya. Parang nakakahawa siyang kumain. Para kasi siyang baby, nakakatuwa. Unknowingly, napapangiti na pala ako. Ay grabe, taglandi ba ngayon???

"What are you smiling at?" He asked. I blinked to get my conscious back. "I know Im cute, dont make it too obvious." He stated. I rolled my eyes. May pagkamayabang pala siya, pero di ko siya masisisi kasi totoo naman sinasabi niya. I only laughed by his words then continue my food.

Smiling at my own thought. What if he's the one Im waiting for? How does it feel be like this forever. Yung siya ang kasabay kong kumain, matulog, umiyak at sa lahat. Ayieee medyo kinikilig na ako. Ohh stopped it.

"Maiba ako, magkaibigan ba kayo ni Jimin?" Nawala ang ngiti ko sa itinanong niya. Magkaibigan? Oo, pero noon na lang ata. Ilalayuan na kasi niya ako eh.

"Ah, oo. Bakit?" Tanong ko sabay kain.

"Oh, nothing. Just asking." He answered. By hearing his name, bigla ko tuloy namiss si pandak. Kainis kasi, di na namamansin ang bruha!!

*****
Maaga akong pumasok sa shop ni Eomma Baek kasi ngayon na ang balik nila. Late nakong nagising dahil di ako makatulog dahil kay Jungkook. Kaya ngayon heto ako habol-habol dahil anong oras na rin.

Pagdating sa shop nagulat ako sa nakita ko, si Yeoro nasa may counter habang may hawak na wine glass at masusing tiningnan. Parang ang lalim ng iniisip niya, ano kaya yun? Dahan dahan akong lumapit sa likuran niya at saka siya kiniliti pero ako ang mas nagulat-dahil bigla niya akong niyakap pagharap niya.

"Teka , Yeoro , ano to?" Takang tanong ko.

"Taehyung, break na kami. Wala na yung matagal kong ipinaglaban." Mahinang sagot niya. At base sa tono ng boses niya, mukang malungkot siya. Hinagod ko ang likod niya. Feeling ko kailangan niya ng karamay, so I gave him one.

"Tae-" Narinig kong tawag ni Eomma Baek mula sa kusina. Di pa rin humihiwalay si Yeoro sa pagkakayakap niya sakin so ako na ang naginitiate. Paglingon ko nagulat ako sa nakita ko-si Eomma Baek at Appa Chan, kasama sila Hoseok hyung at Jungkook!!!

"Tae, may dapat ba kaming malaman?" Takang tanong ni Eomma Baek. Nagsisimula na akong kabahan. Siguradong mali ang nasa isip nila, tumingin ako kay Jungkook, na nakatingin lang samin ni Yeoro. Wala siyang expression na mas lalong nagpakaba sakin. Parang kagabi lang magkasama kami, tapos ngayon makikita niya akong may kayakap na iba.

"Eomma wala-"

"Baek, gusto kong sabihin na kami na ni Taehyung." Napa-wtf ako sa sinabi ni Yeoro at bigla ko siyang binatukan. Anong kalokohan ang pinagsasasabi nitong sawi na to!?

"Eomma, wag kang maniwala jan. Broken hearted siya, pati ako dinadamay niya sa pagiging miserable niya." Sagot ko. Wala pa ring expression ang muka ni Jungkook, tiningnan ko si Yeoro at saka siya binatukan.

"Hoy ano bang kalokohan to!!!" Sigaw ko kay Yeoro. Bigla niya akong inakbayan at saka ngumiti ng malapad.

"Baek, joke lang. Gusto ko lang pagtripan si Taehyung." Sagot niya. Inalis ko ang braso niya sa pagkakaakbay sakin at saka tiningnan ng masama. Tumawa sila Eomma at Appa.

"Akala ko nahanap mo na ang forever mo." Sabi ni Hoseok hyung. Napasimangot ako. Napatingin ako kay Jungkook na bigla na lang pumasok sa office nila Eomma Baek.

"Halika Tae, sunod ka." Aya ni Appa Chan. Sumunod ako sakanila sa office. Nakita kong nakaupo si Jungkook sa couch at nagbabasa ng magazine.

Nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan lang sila. May inabot na paper bag sakin si Eomma Baek.

"Pasalubong ko sa inyo nila Jin at Jimin." Nakangiting sabi ni Eomma Baek. Napangiti din ako ng yakapin siya ni Appa. Ang sweet talaga nila kahit kelan.

"Ahem. Ahem. Mahiya naman kayo. May bata." Sita ni Hoseok hyung. Bigla akong napatingin kat Jungkook, na siyang napasimangot sa sinabi ni hyung.

"Hoseok hyung, di nako bata." Halatang naiinis na sabi niya. Napangiti ulit ako kasi ang childish ng reaction niya.

"Di ikaw tinutukoy ko. Alam kong pareho lang kayo ni Namjoon. Si Taehyung ang sinasabi ko."

Napaturo ako sa sarili ko sa sinabu ni Hoseok hyung. Ako raw. Excused me, baby faced lang talaga ako.

"Taehyung, pag nagkaboyfriend ka, ipaalam mo agad samin para makilatis." Nakangiting sabi ni Appa. Hala , sige push nila yan. Di na nila kailangang kilatisin kasi kilala na nila. Sobrang kilala na nila. Si jungkook yun eh, bigla akong nagblush sa naisip ko. Nakakakilig talaga.

"Naku, mukang meron na ah, nagbablush ka eh." Pang-aasar ni Hoseok hyung. Napatingin sakin si Jungkook.

ACKWARD!!!!

"Wala pa ako nun. Pero sinisinta , meron na." Sagot ko na lalong nagpakilig sakin. Sarreh , di ko kasi mapigilan eh.

Nagpaalam na ako, bago pa nila ako kulitin kung sino. Tumawag muna ako kay Eomma Jin bago ako dumeretchi sa shop. Pakanta kanta pa ako habang naglalakad. Ewan ko, pero ang agan ng pakiramdam ko. Siguro kasi bawas stress na hindi na ako ang magbabantay sa shop ni Eomma Baek. Hindi sa ayaw ko, masaya rin naman sa shop nila, ang gugulo ng staff tapos idagdag mo pa si Yeoro na laging mainit ang ulo. Pero mas close ako sa staff ni Eomma Jin. Tanggap kasi nilang maganda ako.

"Hello people!!! The most beautiful creature in the world has arrive!!! Representing Kim Taehyung from the planet Pororororow!!" Sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng shop. Lahat ng tao napatingin sakin, yung iba pa nga nagbubulungan pa. Its fine, dahil isa ako sa diyosa sa lugar na ito.

"Kaya pala biglang sumama ang pakiramdam ko. May nakakatakot palang elemento ang paparating." Nakingiting sabi ni Eomma Jin. If I know, namiss nila ako. Ngumiti ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap.

"Namiss ko kayo! Sobra." Naiiyak na sabi ko. Dumeretcho kami sa office niya. Nakita kong nandun si Jimin habang may mga binabasang files. Napatingin lang siya sakin at halatang nagulat. Pero hindi siya ngumiti o bumatin man lang. Hindi ba siya natutuwang makita ako?

Ano na bang nangyayari sa pagkakaibigan namin? Bakit ba siya nagkakaganito!!? Gusto kong malaman. Nagtatampo ba siya dahil nalaman na niyang ginawa kong panghilod ang paborito niyang TBack? O dahil naiinggit siya na mas sexy at maganda ako kesa sa kanya? Alin kaya sa mga yun? Nakakalito talaga!!

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now