CHAPTER 22

116 4 1
                                    

TAEHYUNG'S POV

Gumaan ang pakiramdaman ko ng makausap ko si Jimin, I guessed I really missed him. Matagal na mula ng huli kaming mag-usap, at ngayon na lang ulit, sa phone pa nga.

Sana bumalik na siya. Wala man lang siyang sinasabi na kahit ano kaya nag-aalala ako. Baka mamaya may malalang sakit siya tapos may taning na pala ang buhay niya tapos malalaman na lang namin kung kelan naghihingalo siya. Pero baka hindi rin. Baka buntis siya??!! Pero sinong ama? Baka hindi rin. Napailing na lang ako.

Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito, si Jungkook tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

"Can we meet?" Tanong niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid ng shop, kasi baka may makakita sakin. Di ko na kasi mapigilan ang kilig ko.

"Oo naman, I mean, oo pwede." Sagot ko. Nakikinita kinita ko nang nakangiti siya ngayon. Nakakahiya ako, baka isipan niya sobrang easy to get ako. "Ahmmm, titingnan ko muna kung may gagawin ako bukas." Biglang bawi ko. Di ko na siya inantay na makasagot, inilayo ko agad ang phone sa tenga ko at agad na napabuga ng hangin. Grabe na naman ang kaba ko. Kainis naman. Nag-inhale exhale muna ako bago ko siya kinausap ulit. "Yeah , free ako hanggang 4 lang." Sagot ko.

"Okay. Puntahan na lang kita sa bahay mo." He said then hunged up. Nakatitig pa rin ako sa phone ko kahit na matagal ng wala sa kabilang line si Jungkook. Ngayon ko lang narealize, is he asking me out for a date? Totoo na ba ito??? Kung nung valentines bokya ako baka ngayong darating na halloween may kadate na ako. Yes naman.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda. Medyo excited lanh, medyo lang talaga. Halos hindi na nga ako makatulog sa kakaisip sa date namin. Mga 8 na nang makarating si Jungkook. Halos lumuwa ang mga magagandang mata ko ng makita ko siya. Im falling deeply madly with him. Ehhh ganito ba kagwapo ang kadate mo ewan na lang baka hindi ko na siya hayaang lumabas pa ng bahay. Agad kaming umalis at sumakay sa kotse niya.

Walang nagsasalita sami, ayaw ko ring mag-open ng topic kasi kinakabahan ako. Bigla ko ring naisip si Eomma Jin kaya lang naiwan ko pala ang phone ko, di ko pa naman siya natetext. Ayaw ko namang manghiram kay Jungkook ng phone kasi nga nahihiya ako, magsalita nga nahihiya ako manghiram pa kaya. Isa pa first date ko ito, baka pumalpak pa.

Di ko na alam kung nasaan na kami, basta parang probinsya na ata. Ano to bakasyon? Nakarating kami sa isang resthouse ng magsalita na siya.

"I know your missing him badly." Sabi niya. Nagtaka ako. Sino ang tinutukoy niya. Mukang nabasa niya ang nasa isip ko kaya ngumuso siya sa likod ko at dun nakita ko ang sagot. Si Jimin, habang nagdidilig ng mga bulaklak.

Di niya kami madalinh makikita kasi nahaharangan kami ng malaking puno, pero may sapat na awang iyon para makita ko siya. Napatulala ako, at di ko napigilang hindi mapaiyak. Gusto ko siyang lapitan at kausapin at yakapin pero parang may pumipigil sakin.

"Ive searched for him, for you." Sabi ni Jungkook, lumingon ako sa kanya. Nilapitan niya ako at pinunasan ng mga daliri niya ang mga luha ko. "Nakikita ko kasing malungkot ka kaya alam kong sasaya ka kapag nakita mo siya." Di ko na nagawang sumagot pa, niyakap ko na lang siya.

"Thank you, sobrang daming thank you. May silbi pala ang pagkakaroon ng malaking ilong." Comment ko. Bigla niya akong nihipan sa may tenga ko, kaya nahampas ko tuloy siya. Lumayo ako at muling ibinalik ang tingin kay Jimin. Mukang nag-eenjoy siya sa lugar na ito. Siguro mababait ang mga tao rito. Lumipas pa ang ilang minuto bago nag-aya si Jungkook na umalis na kami. Di na ako nagprotesta pa kasi okay na akong makitang maayos lang si Jimin.

Sa bayan kami napadpad, sa isang restaurant. Hinayaan ko na siyang umorder. "Jungkook, salamat ulit ah. Sobrang madaming salamat." Nakangiting sabi ko ng maihain na ng waiter ang mga order namin.

"May kapalit yun." Seryosong sabi niya. Napahinto ako sa gagawin ko sanang pagsubo sa pagkain ko at agad na napatingin sa kanya. Tumawa siya. "Dapat may kasunod pa itong date natin."

Napabuntong hininga ako. "Akala ko kung ano na." Sagot ko. Nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos nun, kung saan saan lang kami nagpupunta. Di ko na namalayan ang oras kasi past six na nang makaalis kami. Medyo inaantok na rin ako.

"You can sleep. Malayo pa ang biyahe." Sabi ni Jungkook. Inayos niya ang passenger's seat at inadjust ito para makahiga ako. Di ko na napigilan ang mga mata ko, kusa na lang silang bumagsak, at nakatulog ako.

Di ko alam kung anong oras na nang gisingin ako ni Jungkook. Nasa bahay na kami. Agad akong bumangon.

"Nandito na pala tayo." Sabi ko. Inayos ko ang sarili ko at agad ng lumabas ng kotse. "So, pano. Next time na lang ulit." Sabi ko. Di siya nagsalita kaya naisip kong baka pagod lang siya. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hilahin sa braso ko at nang pagharap ko ay hinalikan niya ako sa pisngi ko. Di agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko at para akong nanigas.  "Yeah, till next time. Good night Taehyung." Nakangiting sabi niya at kumakaway na pumasok sa kotse niya. Nanatili lang akong nakatayo kahit na malayo na ang kotse niya. Pisngi lang fwend, pisngi lang perk para akong nilagay sa isang negative one hundrend na freezer at bigla na lang akong nagyelo. Pano pa kaya kung sa...sa lips na iyon!!!

Bigla akong napatakbo sa loob ng bahay at dun ako nagtititili. Kapag pinigilan ko ito, utot ang kalalabasan nito. Pramis. Pisting ilong yan, nakascore siya. Sa susunod ako naman.

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now